Chapter 89

1349 Words

“Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko. Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD