Chapter 88

1415 Words

“Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD