“Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyal

