Chapter 33

1479 Words
"Ms. Zakin, can you explain to this court how the suspect, Mr. Zelliam, was able to freely enter the victim Mr. Matthew's house?" Seryosong tanong ko sa witness na si Ms. Zakin. Tanging ito lang ang witness sa nangyaring krimen ngunit kalaunan ay itinuring na rin ito na may personal interest sa pagkakapatay sa yumaong si Mr. Matthew sa loob mismo ng sarili nitong tahanan—may dalawang buwan na ang nakalipas. Unang napansin ko ay ang mabilis na pagsulyap ni Ms. Zakin sa direksyon ng kanyang among babae. Makikita rin ang pag-aalinlangan sa kanyang mga matang. Ito ang huling hearing ng kaso ni Mr. Matthew at sadyang ibayong kabâ ang nararamdaman ng bawat isa sa amin. "Ms. Zakin, answer my question. Everyone needs to know what really happened that night when the victim was killed. What happened on the Saturday before the victim, Mr. Matthew, died?" Seryoso, ngunit makapangyarihan kong tanong habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Mabilis na binabasa ko ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha; Kasinungalingan, pagpapanggap, pag-ako at matinding takot, ilan lamang ito sa mga nakikita ko mula sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Mrs. Matthew, ang asawa ng biktima. "Why do you keep asking me this? I already admitted it, didn't I? I killed Mr. Matthew! I robbed him before stabbing him while he was sleeping!" Si Ms. Zakin sa irritableng tono. “But your eyes want to say something else!" Kaagad kong putol sa mga sinasabi nito, medyo tumaas na rin ang boses ko ngunit may diin ang pagkakabigkas ko. "Tell me, how can I stand in this court and assert my client's innocence if you are willing to sacrifice yourself just to cover up someone else's mistake? I didn't work hard in my studies just to defend someone who can't stand up for themselves. I am with you in this fight, not for you and not for me. Remember, you have a child who depends on you." “Objection your honor!” Biglang singit ng abogado ni Mrs. Matthew ng mapansin nito na ginagamitan ko na si Ms. Zakin ng psychological mechanism. “Proceed.” Ani naman ng judge habang patuloy lang ako sa pagtatanong kay Ms. Zakin. “Now, I want you to tell us the truth, Ms. Zakin. Were you forced or threatened to take the blame for all of this to cover up the real culprit?" “N-No! I admit voluntarily because that's the truth." Matigas niyang sagot sa akin ngunit halatang tensionado na ito. "You can't fool me, Ms. Zakin, because according to the autopsy of Mr. Matthew's body, blood was found under his nails, indicating that the victim tried to fight back before he died. But from what I see, you don't have a single scratch on your body. Tell us, how long will you keep lying to all of us? How long will you cover for someone else even though you know your child's future will be ruined by your wrong decision?" Ani ko na bahagyang tumaas na ang tinig ko. "Objection, Your Honor! You are forcing her to confess to something she shouldn't!" Ang abogado ni Mr. Zelliam na napatayo pa sa kanyang upuan maging ang abogado ni Mrs. Matthew at ramdam ko na may sabwatang nagaganap sa magkabilang panig. "Yes, I admit I made a mistake! I lied to this court! I-I didn't kill Mr. Matthew..." ang lahat ay natigilan maging ang judge na balak na sana nitong tapusin ang pagtatanong ko ngunit naudlot ito ng umiiyak na sumigaw si Ms. Zakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay natibag ko ang pagmamatigas nito. Kita ko kung paano mamutla ang mukha ni Mrs. Matthew maging ang isa pang suspect na si Mr. Zelliam. “Now I will repeat the question: who killed Mr. Matthew on Saturday night inside his own room?" Seryoso kong tanong na medyo bumagal pa ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko upang malinaw nilang marinig. Habang ang mga mata ko ay nakatitig sa mukha ng kawawang si Ms. Zakin. "It’s Mr. Zelliam and his wife, Mrs. Matthew, they killed my employer, Mr. Matthew."” Umiiyak na sagot ni Ms. Zakin, napasinghap ang lahat habang ang mga magulang ng biktima ay napahagulgol ng iyak. Matinding emosyon ang bumalot sa loob ng trial court habang isinasalaysay ni Ms. Zakin ang lahat ng nangyari noong gabing patayin ni Mr. Zelliam ang amo niyang lalaki. Isiniwalat din niya na si Mr. Zelliam ang kalaguyo ni Mrs. Matthew. At pinalabas nila na nobyo niya si Mr. Zelliam upang ma-abswelto si Mrs. Matthew. Halos magwala sa galit si Mrs. Matthew at kung ano-anong salita ang lumalabas sa bibig nito habang mariin na itinanggi ang akusasyon sa kanya ni Ms. Zakin. "How can we believe you, Ms. Zakin, when you already destroyed your credibility by lying in this court from the beginning?" Malumanay kong tanong na halos sinang-ayunan ng lahat. Dahilan kung bakit kumalma si Mrs. Matthew maging si Mr. Zelliam. Humihikbi na pinahid ni Ms. Zakin ang kanyang mga luha gamit ang mga kamay nito. Maya-maya ay nag-angat siya ng mukha at isang tipid na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. "Perhaps, Mr. Matthew anticipated this happening, which is why before he died, he told me he had hidden evidence to protect myself against his wife. They framed me and threatened me to confess their crimes and make it appear that I had a relationship with Mr. Zelliam. I can prove my innocence.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inilahad niya ang palad sa aking harapan at mula run ay nakita ko ang isang usb. Kaagad ko itong kinuha mula sa kanyang palad at sinaksak sa laptop. “Your Honor, I have already read the evidence in this case and have already determined that the defendant is not guilty .” Matatag at puno ng kumpiyansa kong pahayag ng lumitaw mula sa screen ng projector ang iba’t-ibang larawan ni Mr. Zelliam at Mrs. Matthew na magkatabi sa iisang kama habang gumagawa ng milagro. May kasama pa itong mga video na kuha mula sa mga cctv footage. Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad na lumapit kay Ms. Zakin ang mga assistant ko. Sa pagtalikod ko ay kasabay nito ang paghampas ng judge sa kanyang gavel. Humakbang ang mga paa ko patungo sa pintuan ng trial court, upang lisanin na ang lugar na ito. Maliwanag pa sa sikat ng araw na naipanalo ko ang kaso ni Mrs. Zakin. After five years ay ako na si Attorney Louise Howard Thompson, isa na akong magaling na abogado. Yes, masasabi ko na magaling akong abogado dahil sa dami ng kasong naipanalo ko. At karamihang nahawakan kong kaso ay mga inaabusong worker dito sa Canada. Nagbunga na ang limang taong paghihirap ko na malampasan ang masalimuot kong buhay, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masaya. Sapagkat nanatili pa ring nakalubog ang mga paa ko sa kumunoy at sa palagay ko ay kailanman hindi na ako makakaalis pa dito. Humimpil ang aking sasakyan sa harap ng bahay, habang ang sasakyan ng mga tauhan ng aking asawa ay nanatili sa gate upang magbantay. Halos twenty four hours na nakabantay sa bawat galaw ko ang mga ito kaya hindi pa ako lubusang malaya, subalit nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay at ang madilim na kabahayan ang sumalubong sa akin. Pagod na pumanhik ako ng hagdan at diretsong pumasok sa loob ng aking silid. Alas diyes na ng gabi at sobrang late na akong nakauwi. “Well, how’s your day? Mrs, attorney Thompson?” Anya ng isang tinig na siyang nagpahinto sa aking paghakbang. Bigla sa malakas na pagkabog ang dibdib ko at para akong estatwa na nanatili sa aking kinatatayuan. Maging ang mga mata ko ay hindi kumukurap, nanatili lang itong nakapako sa i-isang direksyon. Madilim ang silid kaya hindi ko makita ang mukha ng aking asawa. Mula sa kanang direksyon ay naramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa akin. Ang bawat hakbang ng kanyang mga paa ay tila sumasabay sa malakas na t***k ng puso ko. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran, hanggang sa pumulupot ang isang braso nito sa maliit kong baywang. Kasunod nito ang pagbaon ng kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang panggigigil niya sa akin, nang kagatin niya ang balat ko sa leeg na parang akala mo ay isa itong bampira. “Miss me?” Tila nang-aakit na tanong niya sa akin, habang ang mga kamay niya ay kasalukuyan ng nasa loob ng aking damit at masuyong hunahaplos sa aking tiyan. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay batid ko na nakapaskil ang isang matalim na ngiti sa sulok ng bibig nito. Kalmado man siya sa pagsasalita ngunit ramdam ko ang panganib na dala niya sa buhay ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD