Mabilis akong bumangon at halos takbuhin ko na ang banyo. Pagdating sa loob ay nagmamadali na lumapit ako sa inidoro at doon ay sumuka kahit wala naman akong maisuka.
Inabot ako ng ilang minuto bago unti-unting kumalma ang aking pakiramdam. Umayos ako ng tayo at kinuha ang toothpaste at toothbrush, saka nag toothbrush ng aking mga ngipin bago naghilamos.
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, dahil sumagi sa isip ko ang dalawang buwan na pagka delay ng menstruation ko. Pinag-aralan namin ito noon, kaya aware ako sa posibilidad na nangyayari sa akin. Malakas ang hinala ko na buntis ako at maaaring nagbunga ang unang gabi na panggagahasa sa akin.
Nanlumo ako ng maisip ko ang bagay na ‘yun at kasabay nito ang pagbalong ng mga luha mula sa aking mga mata.
Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko bago pumihit paharap sa aking likuran. Napatda ako ng sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aking asawa habang ang kanyang mga mata ay wari moy nagtatanong na nakatingin sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras at binalot ng matinding takot ang puso ko.
Paano kapag nalaman niya na buntis ako at hindi siya ang ama ng batang dindala ko? Sasaktan ba niya ako? O maaaring hiwalayan na ako nito.
Mas nakatutok ang utak ko sa ikalawang option kaya medyo nabuhayan ako ng loob. Kung sakali man na saktan niya ako bago hiwalayan ay makakamit ko na ang aking kalayaan.
Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa ideya na naisip ko kaya lakas loob na nag-angat ako ng tingin at diretsong tumitig sa kanyang mga mata.
Humugot muna ako ng isang marahas na buntong hininga bago walang takot na kinausap ang aking asawa.
“Alistair, kailangan nating mag-usap.” Seryoso kong wika bago humakbang palabas ng banyo, nilampasan ko siya at huminto sa gitna ng silid saka muling pumihit paharap dito. Nanatili lang siyang tahimik ngunit halatang hinihintay ang sasabihin ko.
“I’m sorry, but I think I'm pregnant. At hindi ikaw ang ama ng batang ito.” Matatag kong pahayag habang ang dibdib ko ay wari moy tinatambol dahil sa malakas na t***k ng puso ko.
Katahimikan...
Laking dismaya ko ng nagliwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha na wari moy nakaranig ng isang magandang balita. Ang lahat ng nakikita ko mula sa kanyang mukha ay taliwas sa inaasahan kong reaksyon nito kapag nalaman niya ang kalagayan ko.
“I knew it! Thank you, Honey, Daddy na ako!” Naibulalas nitong bigla sa masiglang tinig. Sa tingin ko ay huli na bago pa tanggapin ng utak niya ang mga sinabi ko. Lumalim ang gatla ng noo ko ng sugurin niya ako ng yakap bago paliguan ng maliliit na halik ang buong mukha ko. Baliktad, dapat siyang magalit at hindi matuwa dahil isa itong malaking panloloko. Galit na nagpumiglas ako at pwersahan siyang itinulak palayo sa akin.
“Manhid ka ba? I told you I’m pregnant at hindi ikaw ang ama nito! Hindi mo ba naisip ‘yun? Nabuntis ako ng ibang lalaki!” Matigas kong bulyaw sa kanya ngunit walang naging epekto dito ang mga sinabi ko, ni hindi man lang nagbago ang masayang mukha ng aking asawa.
“I don’t care, and please, Honey don’t say that dahil ako pa rin ang ama ng batang ‘yan. So you don’t need to be mad, don’t worry everything will be fine, lalo na at magkakaanak na tayo.” Nakangiti niyang sagot na mas lalo akong naguluhan..
“Bastarda! Hindi ko matatanggap sa pamamahay ko ang batang iyan! Malandi! Pagkatapos mong akitin ang anak ko ay ngayon naman lolokohin mo!” Kapwa nagulat kami ni Alistair dahil sa biglang pagsulpot ng aking biyenan mula sa pintuan. Mabilis akong sinugod nito at sinabunutan. Kaagad namang umawat si Alistair at sapilitang tinanggal ang mga kamay ng kanyang ina sa aking buhok habang ako ay naiiyak na sa sakit.
“Bitawan mo siya Mamâ! Baka mapahamak ang anak ko!” Nanggagalaiti sa galit na wika ni Alistair bago ako nito hinatak at inilagay sa kanyang likuran.
“Imulat mo ang mga mata mo, Alistair! Harap-harapan ka ng niloloko ng babaeng iyan!” Matigas na turan ng aking biyenan habang matalim na nakatingin ito sa aking mukha at dinuduro ako ng kanyang daliri.
“No Mamâ! Ako ang ama ng ipinagbubuntis ng aking asawa and that’s final.” Matigas na sagot ni Alistair na talagang pinanindigan nito na anak niya ang batang dinadala ko. Dapat ay matuwa ako pero matinding disappointment ang naramdaman ko.
“Hindi ako papayag na magkaroon ng bastardo sa pamilyang ito! Magmula ngayon ay dito na ako titira at walang makakapigil sa akin!” Matatag na pahayag ni Mrs. Thompson habang nag-aapoy sa galit ang mga mata nito na nakatitig sa akin.
Kinabahan akong bigla dahil sa oras na makasama ko ito sa iisang bubong siguradong magiging impyerno ang buhay ko! Pagkatapos na sabihin iyon ay isang nakamamatay na tingin ang iniwan niya sa akin bago ito tuluyang lumabas ng silid.
Ramdam ko ang matinding panganib na dala nito para sa ipinagbubuntis ko. Kahit ang batang ito ay bunga ng kayupan ng lalaking gumahasa sa akin ay hindi ko pa rin kakayanin na mawala sa akin ang anak ko. Nakita kong pumasok sa loob ng kanyang silid ang aking biyenan na nasa dulong bahagi ng pasilyo.
“Don’t worry ako ang bahala, hm? I will make it sure na hindi ka na masasaktan ni Mamâ. Pansamantala ka munang titira sa Canada habang hindi mo pa ipinapanganak ang anak natin. Pwede mo ring ipagpatuloy ang pag-aaral mo doon tulad ng nais mo.” Dahil sa naging pahayag ng aking asawa ay bigla akong nabuhayan ng loob. Marahil ay ito na ang pagkakataon ko para makapag simulang muli.
Dala ng matinding kasiyahan ay naluluha na niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa. Naglahong parang bula ang lahat ng mga gumugulo sa isipan ko at kahit papaano ay naging panatag ang loob ko.
Para sa akin ay isa ito sa pinaka magandang ideya na narinig ko mula sa aking asawa. Ito ang kailangan ko, ang malayo sa lahat. Upang mapag-aralang mabuti ang lahat ng plano kong paniningil sa mga taong nagpahirap sa akin. Dagling naglaho ang hinanakit ko sa aking asawa at natutuwa pa na nagpasalamat dito habang siya ay masuyong hinahaplos ang impis kong tiyan.”