Chapter 09

1072 Words
13 Months later... “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa maliit na Nayon ay malaki ang pinagbago ng aming pamumuhay. Inabot din ng ilang buwan bago kami nasanay sa klase ng pamumuhay ng mga taga-rito. Nagpalit ako ng ibang kurso dahil hindi na kaya ng aking mga magulang ang kinukuha kong abogasya. Isa pa ay wala namang course na Law sa bayang ito, kaya mas pinili ko na lang na kumuha kursong Education or Teacher. Medyo nahihirapan lang akong mag-adjust dahil ang sistema ng pag-aaral dito ay maghapon ang klase. Hindi katulad sa Siyudad na halos kalahating araw lang ang panahon na gugugulin mo sa school. Nawalan ng trabaho si Daddy, habang si Mommy ay patuloy pa ring nagtuturo sa isang public school na hindi naman sapat ang kinikita niya para sa amin. Mababa kasi ang minimum wage dito sa probinsya. Sinubukan naman ni Daddy na mag-apply ng trabaho. Ngunit, ang sahod nito ay halos wala pa sa kalahati ng sinasahod niya sa dating kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan. Kamalasan pa ay nalugi at nagsara ang maliit na kumpanya sa bayan kaya tuluyan ng hindi nakapagtrabaho si daddy. Siya na lang ngayon ang taong bahay at nagtatanim sa loob ng aming bakuran kaya kahit papaano ay libre ang aming pagkain sa araw-araw. Upang makatulong sa aking mga magulang mula sa mga gastusin sa bahay ay nagchu-tutor ako sa mga ilang bata dito. Ngunit sa hirap ng buhay sa lugar na ito ay puro mga gulay at bigas ang natatanggap ko bilang kabayaran mula sa aking mga estudyante. Pasalamat pa rin kami dahil kahit papano ay malaking tulong na rin iyon para sa pamilya ko. Pagpasok ko sa loob ng maliit naming bahay na gawa sa pawid ay naabutan ko ang aking ama na nagsisibak ng kahoy. Napangiti ako dahil kahit mukha na itong taong tagabundok ay napakagwapo pa rin ng tatay ko. “Daddy, alam mo ba na mas gwapo ka ngayon kaysa noong nagtatrabaho ka pa sa kumpanya?” Nakangiti kong sabi sabay halik sa pisngi nito. Saglit na tumigil ito sa kanyang ginagawa at hinarap ako. “Tigilan mo akong bata ka, wala akong pera.” Nakasimangot na sagot nito sa akin kaya natawa ako. Ito ang kagandahan sa pamilya ko, kahit na naghihirap kami ay hindi ito naging sagabal upang maging masaya. Pagkatapos kong humalik sa aking ama ay lumapit ako sa lamesa na yari sa kawayan. Ibinaba ko ang dala kong supot sa ibabaw nito at isa-isang inilabas ang mga binili ko mula sa tindahan. “Louise, kailangan mo ng magmadali mali-late ka na sa pagpasok sa school.” Paalala sa akin ni mommy habang tinutuyô nito ang basâ niyang buhok gamit ang isang tuwalya. Nang marinig ko ito ay nagmamadali na dinampot ang aking bag pati ang ilang makapal na libro. “I love you, Mom, aalis na po ako.” Paalam ko bago humalik sa pingi nito, sunod na lumapit ako sa aking ama. Naglalambing na niyakap ko ang leeg nito at parang bata na paulit-ulit ko itong hinalikan sa pisngi. “I love you, daddy, aalis na po ako.” Paalam ko sa aking ama, isang masuyong halik sa noo ang natanggap ko mula dito. “Mag-ingat ka, anak, tandaan mo huwag kang maglalakad, sumakay ka ng jeep.” Mahigpit na bilin sa akin ni Daddy, nakangiti na tumango ako sa kanya saka gumayak na paalis. Bago ako lumabas ay isinuot ko muna ang aking sumbrero. Ilang minuto pa akong naghintay sa tapat ng aming bahay bago ko matanaw ang paparating na isang jeep. Ganito ang routine ko araw-araw, papasok ng alas siyete ng umaga at uuwi ng alas singko ng hapon. Mabilis kong itinaas ang kaliwang kamay upang parahin ang jeep. Huminto ito sa tapat ko kaya kaagad akong sumakay. Habang binabaybay ng jeep ang lubak-lubâk na kalsada ay may biglang nag-overtake na isang puting kotse na ngayon ko lang nakita sa bayan na ito. Kinabahan akong bigla ngunit dagli ring napawi ang kabâ ko ng malayo na ito sa amin hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin ko. Kung tutuusin ay wala naman akong dapat na katakutan pero ewan ko ba kung bakit tila nagkaroon na yata ako ng phobia dahil sa mga sasakyan na bigla na lang sumusulpot. Isang buwan kasi kaming tumira sa ibang lugar bago pa kami napadpad sa Nayon na ‘to. Ngunit, kalaunan ay nalaman namin na may mga sasakyan na nagmamanman sa amin. Kaagad kaming lumipat ng ibang lugar hanggang sa dito na nga kami dinala ng aming mga paa sa baranggay pinag-isa na nasa pinakadulong bahagi ng Isabela. Wala pang kuryente sa lugar na ito kaya wala kaming gamit na anumang gadget. Pakiramdam ko nga ay para kaming bumalik sa sinaunang panahon na hindi pa uso ang kuryente at tanging gasera lang ang aming ilawan. Nagising ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip ng huminto ang sinasakyan kong jeep sa tapat ng isang lumang gusali ng Unibersidad. Kahit isa ay wala akong kaibigan dito, natatakot na kasi akong magtiwala sa ibang tao pagkatapos ng mga ginawa sa akin ni Denice. Mas gugustuhin ko pa ang walang kaibigan kaysa naman mapahamak ako ng dahil lang sa kaibigan.” Hindi lingid sa kaalaman ni Louise ang isang sasakyan na nakaparada mula sa malayo at nagmamasid sa bawat kilos ng dalaga. Tanging nasa kanya lang ang atensyon ng mga ito, kaya hindi maikakaila na siya talaga ang sadya ng mga lalaking sakay ng mamahaling puting kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD