“Para akong estatwa na nanatili lang sa aking kinatatayuan habang nakamasid sa bawat kilos ni Denice at ni Rhed. Marahil, hindi napansin ng mga ito ang aking presensya dahil abalâ sila sa kanilang paglalambingan.
Gusto ko silang sugurin at pagsasampalin ang kanilang mga mukha ngunit may bahagi ng utak ang humahadlang at sinasabi nito na hindi nila deserve ‘yun.
Kung iyong susuriin, mula sa mamahalin nilang kasuotan at sa maaliwalas na bukas ng kanilang mga mukha, masasabi mong namumuhay ang mga ito sa karangyaan na walang bahid ng anumang isipin o problema.
Nilamon ng matinding poot ang puso ko at sa unang pagkakataon ay parang hindi ko na kilala ang aking sarili. Walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang isang dalangin na sana ay mamatay na ang mga taong ito.
Paano nila nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi habang ako ay nagdurusa dahil sa tinakbuhan nilang kasalanan?
Nilinlang ako ng mga taong ito at ginamit para maisalba ang kanilang mga sarili.
“Mga hayop!” Ito ang tanging nasambit ko habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay. Kung kanina ay hinihingal ako sa matinding pagod mula sa mahabang pagtakbo? Ngayon, hinihingal ako dahil sa matinding galit!
Habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa ay may huminto sa tapat nila na isang mamahaling kotse. Mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan ay nakita ko si tita Cynthia, ang ina ni Denice. Wala pa ring nagbago sa itsura ni tita Cynthia hanggang ngayon ay suot pa rin nito ang mga mamahaling alahas sa kanyang katawan.
Sa tingin ko nga ay mas lalo pang naging maalwan ang pamumuhay ng mga ito. Samantalang ang aking mga magulang ay naghihinagpis at kasalukuyang naghihirap. At halos hindi na malaman kung paanong itatawid ang isang araw dahil sa matinding kahirapan.
Ilang sandali pa ay hindi sinasadya na magawi ang tingin nito sa aking direksyon, halatang nagulat ito ng makilala ako. Ngunit kalaunan ay kumilos ito na wari moy hindi ako nakita. Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha at balewala na ibinaling ang tingin sa unahan ng sasakyan na parang wala lang sa kanya ang presensya ko.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ang batas ang kanilang tinatakasan, kundi ang pamilyang Thompson ang lubos nilang kinatatakutan at ako ang ipinain nila para makatakas sa galit ng pamilyang ito.
Pagkatapos ng kanilang ginawa ay bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay habang kami ng pamilya ko ay parang kriminal na hinuhusgahan ng lahat!
Tinatanggap ang kalupitan ng mga tao na ako ang sinisisi sa nangyaring aksidente.
Samu’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko na kulang na lang ay sumabog ang dibdib ko. Ang bigat nito at halos hindi na ako makahinga. Gusto kong sumigaw at magwala pero mas gusto ko na kimkimin na lang ang lahat ng nararamdaman ko.
Tuluyan ng naglaho sa paningin ko ang sasakyan nina Denice habang ako ay nanatiling nakatanga sa kawalan. Gusto kong umiyak pero tila wala ng mailabas na luha ang aking mga mata habang ang ekspresyon ng aking mukha ay nanatiling blangko.
“Louise!” Galit na tawag sa akin ni Alistair kaya para akong nagising mula sa malalim pagkakatulog. Wala sa sarili na pumihit ako paharap sa aking likuran at sumalubong sa akin ang madilim nitong mukha. Habang sa paligid ay hinihingal na tumigil sa pagtakbo ang kanyang mga tauhan—lahat sila ay nakatingin sa akin.
Imbes na matakot ay kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa kanya. Tahimik na tinawid ko ang may tatlong dipâ na layo niya sa akin. Hanggang sa huminto mismo ako sa kanyang harapan.
Ilang sandali na naghinang ang aming mga mata bago kusang sumandig ang aking ulo sa malapad niyang dibdib at dinig ko ang malakas na t***k ng kanyang puso.
Para siyang estatwa na hindi gumagalaw at nanatili lang ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng kanyang katawan. Pagod na niyakap ko ang kanyang baywang at ilang segundo na nanatili kami sa ganitong posisyon.
Maya-maya ay tumingkayad ang duguan kong mga paa at buong pagsuyo na hinagkan ang labi ng aking asawa. Marahil ay nagtataka siya sa kakaibang kinikilos ko, ngunit wala na akong pakialam kung isipin man nila na isa akong baliw. Dahil sa pagkakataong ito, ngayon ko lang napagtanto na siya na lang pala ang meron ako.
“Gusto ko ng umuwi,” ito ang tanging kahilingan ko sa kanya sa malambing na paraan habang masuyo kong hinahagod ang kanyang likod. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. Maya-maya ay yumuko siya at binuhat ako. Kaagad kong niyakap ang kanyang leeg at ibinaon ang aking mukha sa pagitan nito habang masuyong hinahaplos ang kanyang batok.
“I’m sorry.” Mapagpakumbaba kong bulong sa tapat ng kanyang tenga at mas idiniin pa ang aking sarili sa kanyang katawan.
Sumakay siya sa loob ng kotse habang ako ay nanatili sa kanyang mga bisig. Sa buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa at wala ni isa man sa amin ang nagsasalita na parang nagpapakiramdaman lang sa isa’t-isa, hanggang sa nakarating kami sa mansion.
Pagdating sa loob ng silid ay saka pa lang niya ako ibinaba. Walang imik na pumasok ako sa loob ng bathroom na hindi alintana ang mga lapnos sa aking mga paa. Habang humahakbang palapit sa shower area ay isa-isang bumabagsak ang mga kasuotan ko sa lapag.
Hubo’t-hubad na tumapat ako sa dutsa, nang buksan ko ang gripo ay dumaloy ang tubig sa aking mukha kaya naipikit ko ang aking mga mata. At tulad ng inaasahan ko habang nilalasap ang malamig na tubig sa ‘king katawan, mula sa likuran ay naramdaman ko ang presensya ng aking asawa. Pumulupot sa maliit kong baywang ang mga braso nito.
Gumapang ang isa nitong palad patungo sa aking dibdib at bahagyang pumisil doon bago masuyo itong nilamas. Imbes na tumutol na tulad ng ginagawa ko noon ay pumihit ako paharap sa kanya. Namumungay ang aking mga mata na tumitig sa gwapo niyang mukha. Ilang sandali pa ay lumitaw sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Napansin ko na natigilan si Alistair at saglit na natulala sa aking mukha. Marahil, dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niya akong ngumiti.
Mula sa araw na ito ay tuluyan ko ng yayakapin ang mundo na aking ginagalawan. At ang lalaking ito ang siyang magsisilbing tulay para maibangon kong muli ang dignidad ko na tinapakan ng mga taong sumira sa buhay ko.
Buong paglambing na hinaplos ko ang mamasel na katawan ng aking asawa. Napangiti ako ng pumikit ang kanyang mga mata, halatang nagustuhan niya ang ginawa ko.
Gumapang ang palad ko paakyat sa kanyang dibdib hanggang umabot ito sa kanyang batok. Marahan na kinabig ko ang kanyang ulo kaya kusa siyang yumuko hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Samantala, ang isang kamay ko ay may pag-iingat na dinama ang malaki at mataba niyang kargada.
“Ohhhh, you're so hot, Honey, I love that.” Hinihingal niyang bulong sa tapat ng bibig ko. Imbes na sumagot ay masuyong hinagod ng dila ko ang ibaba niyang labi bago ko ito sinipsip.
Isang mahabang halinghing ang narinig ko mula sa aking asawa ng pumasok ang dila ko sa loob ng kanyang bibig.
Ang lahat ng ginawa niya sa akin na siyang natutunan ko mula sa kanya ay siyang pinaparanas ko ngayon dito. Sintigas ng bakal ang kanyang p*********i ngunit imbes na matakot ay mas pinagbuti ko pa ang paghagod dito saka hinaplos ng hinlalaki ko ang pinakang dulo nito.
“S**t, sa ginagawa mong ‘yan ay lalo mo lang akong binabaliw, Louise.” Matigas na anas ng aking asawa ng saglit na inilayo nito ang kanyang mga labi mula sa bibig ko. Malalim na ang bawat hugot ng kanyang hininga. “Then f**k me, prove that I deserve to have you…” ganting bulong ko sa tapat ng kanyang bibig habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanyang mga mata. Saglit siyang na tigilan na parang sinisino ako.
Ilang saglit pa ay buong pananabik na naghinang ang aming mga labi. Inangat niya ang aking katawan kaya mabilis na pumulupot ang mga binti ko sa kanyang balakang.
Patuloy kami sa paghahalikan habang maingat na humahakbang ang mga paa nito palabas ng bathroom.
Humantong kami sa ibabaw ng kama at may pag-aatubili na inangkin ang isa’t-isa.
Habang walang habas na naglalabas masok ang kanyang kargada sa aking p********e ay patuloy kong hinahaplos ang dibdib nito paakyat sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay tila ikinatuwa ng aking asawa ng marahas na sinasalubong ng balakang ko ang bawat pag-ulos nito. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong sumasagad ang pagkakabaon niya sa aking loob.
Halos mayanig ang buong katawan ko, ngunit mas ikinasiya pa ng kalooban ko ang pagiging wild ng aking asawa pagdating sa s*x. Tama, bakit ko pa papatayin ang sarili ko sa pagtakas gayung pwede ko namang libangin ang aking sarili. Sasabayan ko ang agos ng buhay hanggang sa makamit ko kung ano ang nararapat para sa akin. “Sige, magpakaligaya ka sa katawang ‘yan, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo pero si siguraduhin ko sayo na darating ang araw na kailanman ay hindi ka na makakaalis pa d’yan.”
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Louise na tila nasisiyahan sa ginagawa ng kanyang asawa. Mula sa paghugot at pagbaon ng sagad ay kapwa nila naabot ang sukdulan na naghatid sa kanila mula sa kaluwalhatian. Sumabog ang bunga ng pagnanasa sa kanyang sinapupunan. Imbes na isumpa ang asawa na tulad ng ginagawa niya sa tuwing inaangkin siya nito ay buong puso niya itong tinanggap na halos sipsipin ng kanyang pagkab***e.
“Hmmmm..” “Ohhhhh..” kapwa nagpakawala ng mahabang ungol ang dalawa, manaka-nakang hinahalikan ni Alistair ang dibdib ng kanyang asawa habang hinihintay na humupa ang tensyon ng kanilang mga katawan.
“Tell me, What do you want?” Seryosong tanong ni Alistair sa nakatulalang asawa. Gumapang ang palad ni Louise sa pisngi ng kanyang asawa at masuyong hinagkan ang mga labi nito. “Please, help me to build myself, I need you.” Puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Louise habang nakatitig sa mga mata ng kanyang asawa.
Nang masilayan ni Alistair ang malungkot na mukha ng kanyang asawa ay tila may kung anong damdamin ang humaplos sa kanyang puso.
“Gusto kong tapusin ang aking pag-aaral, at tutuparin mo ‘yun bilang asawa ko.” Matapang na pahayag ni Louise habang si Alistair ay tahimik na nakikinig. Isang masuyong halik ang naging tugon ni Alistair sa kahilingan ng kanyang asawa.
“Of course you can, I will grant your wish.” Maya-maya’y sagot nito bago humiga sa kanyang tabi. Kumilos si Louise at tumagilid ng higa paharap sa kanyang asawa. “Thank you.” Mahinhin niyang bulong bago mahigpit na niyakap ito, parang sasabog naman ang dibdib ni Alistair dahil sa atensyon na natatanggap niya mula kay Louise. Mariin niyang hinagkan ang noo nito saka ito mahigpit na niyakap.