Mula sa malawak na mansion ng mga Thompson ay kasalukuyang nagaganap ang isang magarbong kasiyahan. Halos nandito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanya ng mga Thompson. Maging ang mga business partner ng kanilang pamilya ay hindi nagpahuli at halatang pinaghandaan ng mga ito ang naturang okasyon. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng lahat ang anibersaryo ng kumpanya at masaya sila dahil sa ilang dekada na itong namamayagpag. Eleganteng tingnan ang venue ng party dahil sa simple ngunit pang high class na pagkakaayos ng lahat. Ang lahat ay pawang mga nakasuot ng kaswal na damit, at makikita mula sa pinong galaw ng mga bisita ang mataas na antas ng pamumuhay ng mga ito sa buhay. Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin sa buong paligid habang ang mga tao ay masayang nagkukwentuhan. Hindi

