Blag! Gulat na napalingon si Denice sa may pintuan ng kanyang silid ng padabog na bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang asawa na halatang balisâ at mula sa hilatsa ng mukha nito ay labis yata itong nababahala. “Huh? Himala? Mukhang napaaga yata ang uwi mo ngayon? Bakit? Hindi ka ba pinadali ni kumare kaya mainit ang ulo mo ngayon!?” Nang-uuyam na tanong ni Denice sa kanyang asawa, ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na para bang wala itong narinig. Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni Rhed hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng kanyang asawa. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Denice ng marahas na haklitin ni Rhed ang kanyang kaliwang braso. “Tell me? Alam mo na asawa ni Louise si Mr. Thompson, Right?” Matigas na tanong ni Rhed na tila nanggigi

