“Tell me, sino ang lalaking ‘yun, Louise?” Ito kaagad ang tanong sa akin ni Alistair at ramdam ko na pinagdududahan pa rin ako nito. Hindi na kami nakakain pa ng dinner, dahil pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant ay dito na kami dumiretso sa kanyang opisina. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang galit nito bagkus ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong humakbang palapit sa kinatatayuan ng aking asawa. Nang nasa tapat na ako nito ay maingat na niyakap ko ang kanyang katawan tila sa mga bisig nito nakasumpong ng kakampi. “Siya ang lalaking sumira ng buhay ko, marahil ay hindi mo na naalala, pero siya ang

