Five star hotel and restaurant… “Oh my, I’m sorry, Miss. hindi ko sinasadya.” Gulat na sabi ni Rhed ng mabangga niya ang isang babae mula sa kanyang likuran. Abalâ kasi siya sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya hindi niya ito napansin. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa man ito bumagsak sa sahig. Labis na namangha si Rhed ng masilayan niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon at masusi niyang pinagmasdan. Mula sa dulo ng kulay kremang sapatos nito paakyat sa katawan ng babae at maging ang bawat anggulo ng suot nitong hapit na minidress. Mas nagtagal pa ang mga mata niya sa malusog nitong dibdib. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa at ganun na lang ang gulat ni Rhed ng matitigan niya ang muk

