"May asawa ka na ba?" tanong niya kay Froilan. Marahan itong umiling. "Girlfriend?" "I only had one woman in my life. After we got separated, I decided not to take my chance again. Not yet," sagot nitong nakatitig sa kanya. "Foolish love..." usal niya. Sumagi sa isip niya si Matteo pero agad ding pinalis. Hindi siya istupido para panatilihin ang pag-ibig sa binata. "Ikaw? Bakit hindi mo pa sinasagot si Wesley?" tanong nito na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkakwentuhan sila nang ganito. "I don't want to marry someone I am not in love with," mapait niyang sagot. "Wala pa bang maswerteng lalaki?" Sukat niyon ay napatingin siya kay Matteo. Wala na ito sa kinaroroonan nito kanina. Gumuhit ang sakit sa dibdib niya sa kaalamang umalis na ito nang wala man lang pasabi. Ganoo

