Pagdating sa opisina ay sandali niyang inabala ang sarili sa trabaho. Sa kabila niyon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang tungkol kay Bernard Buencamino. Wala naman siyang nabalitaan ngayon na nakaaway ang Daddy niya, kaya mas napupukaw ang koryusidad niya kung ano ang dahilan ng pagtatangka ni Bernard sa buhay ng Daddy niya noon. "You seem bothered," sita ni Wesley habang nasa isang restaurant sila para mag-lunch. "Dad wants to hire a personal bodyguard for me." "Hmm... he mentioned it to me this morning," sagot naman ni Wesley. "Tinanong niya kung lumalabas ba tayo madalas o kung sino ang nakikita kong kasama mo." Napakunot ang noo niya kasabay ng pagbilis ng t***k ng dibdib. Ilang beses ba silang nakita ni Wesley na magkasama ni Matteo? Isa? Dalawa? "Ano naman ang isin

