"Mabuti na lang talaga na nakasama kita sa Cebu. I really enjoyed our tour and the local foods there." "You're kidding me, Wesley," nakangiti niyang wika sa kaibigan habang nasa eroplano sila pabalik ng Maynila. "Ilang beses na kayong nakapunta ni Dad para sa mga ganyang business conference sa Cebu." "Pero madalas ay sa hotel lang kami o kaya'y deretso sa eroplano. We don't extend our stay unless necessary," sagot naman ni Wesley. Ang totoo'y nagpa-extend talaga siya ng booking sa eroplano at hotel para magkaroon ng pagkakataon na makapamasyal. Hindi dahil sa gusto niyang mag-travel at mag-explore ng ibang lugar, kung hindi ay dahil gusto niyang kalimutan si Matteo. He'd been haunting her in her sleep and even in the middle of a meeting. Isang linggo na mula nang maggaling siya s

