"Saan ka nanggaling?" Tinig 'yun ng ama niya na dumagundong sa buong sala at nagpatigil sa kanya sa pag-akyat sa grand staircase ng bahay nila. Agad s'yang nag-isip ng idadahilan.
"Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko, Dad. Isang linggo na 'kong nasa loob lang ng bahay." Nilingon niya ang ama pero hindi s'ya lumapit dahil makikita nito ang bakas ng mga halik ni Matteo sa leeg niya.
"Hindi ka mabo-bored kung sinunod mo na ang utos ko na pamahalaan ang kumpanya natin. I'm being impatient, Sahara. Sa susunod na buwan ay magiging abala na 'ko sa kampanya para sa susunod na eleksyon. Kapag hindi ka pa rin nakakapagdesisyon ay mapipilitan akong ipakasal ka kay Wesley para hindi na ako mamroblema sa 'yo."
Napasimangot siya sa banta ng ama. Si Wesley ay kaibigan niya at anak ng isa sa kasosyo ng Daddy niya sa kumpanya. Kung sa trabaho ay wala siyang maipipintas dito; ito ngayon ang katulong ng Daddy niya sa pamamalakad sa kumpanya. But never in her wildest dream that she would marry a friend. Sa kabila ng modernong panahon ngayon, inaasam pa rin n'yang makakatagpo siya ng lalaking magpapatibok ng puso niya at magbibigay ng kilig sa sistema niya. She's barely twenty three years old, young and fresh. Kahit hindi siya nag-e-entertain ng manliligaw ay maraming napapatigil kapag dumaan s'ya. She got pretty face and oozing with s*x appeal. Kagabi lang ay may lumapit agad sa kanya para magpakilala -- kung hindi lang hinarang ni Matteo ang mga lalaking 'yun.
"You got three choices in your life right now, Sahara, I am telling you, one of these needs to be fulfilled right away," wikang muli ng ama na nagpatigil sa kanya sa gitna ng hagdan. "Una, mag-aaral ka ng Law. Pangalawa, magtatrabaho ka sa Del Rio Manufacturing. O ang pangatlo, ipakakasal kita kay Wesley. You have one day to make a decision or I will decide what to do to you."
She rolled her eyes in irritation. Kung noong isang gabi ay dalawa lang ang pagpipilian niya, ngayon ay tatlo na. Imbes na matuwa siya'y mas lalo lang nainis.
"Papasok na 'ko bukas sa kumpanya, Dad," malakas niyang sagot bagama't tutol ang kalooban niya. Neither she will go back to school nor be a wife of his father's business partner's son.
"Then I will call for a meeting early tomorrow with the shareholders to introduce you. I am warning you, Sahara, don't disappoint me."
Kung ano ang ibig nitong sabihin ay hindi niya alam. Siguro'y kinakatakutan nito na dadalhin niya hanggang sa trabaho ang pagiging mainitin ng ulo niya at pagiging mapagpatol sa away tulad noong nag-aaral pa siya. Tumuloy siya sa silid niya nang makitang lumabas na ang Daddy niya sa bahay at marinig ang papalayong sasakyan. Ibinagsak niya ang bag at susi ng kotse sa queen size bed at nagtuloy sa balkonahe.
Malawak na hardin ang bumungad sa kanya at sa kaliwa ay ang outdoor pool. Lumaki siyang ang kalaro ay mga katulong dahil ang Mommy niya ay lagi ring abala dahil may sariling botique ito ng women's accessories. Minsan ay gusto niyang itanong kung bakit hindi man lang siya nagkaroon ng kapatid para masaya man lang ang childhood niya dito sa bahay. Pero habang lumalaki siya'y na-realize niya na kung bakit. Her parents were never in love with each other. They didn't have date nights, out-of-town trips to spend their time as a family, and they have separate rooms. Ang katwiran ng Mommy niya noon ay ginawa na kasing opisina ng Daddy niya ang silid ng mga ito at nasisikipan ang ina. But she knew it was a lie.
Her parents had a different way of showing they love her too. Ang Daddy niya ay pinuno siya ng materyal na bagay; credit cards, kotse sa edad na dyisesais, at lahat ng bagay na maibigan n'ya. Ang Mommy naman niya ay puro tango lang din sa gusto niyang gawin at hindi siya kinagagalitan. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa 'yun, dahil minsan ay gusto niyang sinasalungat siya ng ina para ipakita na may iba itong plano para sa kanya... Na kailangan niya ang patnubay nito dahil hindi pa niya alam ang tama sa mali.
"Dumating ka na pala..."
Napalingon siya sa Mommy niya na nasa silid niya nang hindi niya namalayan. Linggo ngayon pero hindi sila magkakasama hindi katulad ng ibang pamilya na may 'family day'. They never had one.
"Hi, Mom..."
"Ano 'yang nasa leeg mo?" Napakunot ang noo nito at sandaling gumuhit ang galit sa mata. Itinakip niya ang ilang hibla ng buhok dahil sa pagkapahiya.
"Nag-clubbing lang kami nila Ate Heat kagabi..." pagdadahilan niya. Sa kabila ng sitwasyon nilang tatlo ng mga magulang niya ay hindi siya kailanman sumagot nang pabalang sa mga ito. Nangangatwiran lang siya lalo kapag ang Daddy niya ang kausap. But she always tries to keep her voice low or flat. Ang Mommy niya'y hindi rin naman niya narinig na sumisigaw.
"Pero hindi sila ang kasama mo magdamag, hindi ba?"
"Someone I met at the bar," kibit-balikat niyang wika. "Huwag mong intindihin 'yan, Mom. Bakit nga pala nandito ka ngayon?" pag-iiba niya ng usapan. Kapag Linggo ay bumibisita ito sa mga boutique dahil may apat na branches na ang Stella's Women's Accessories.
"I was waiting for you. Gusto mo bang sumama sa 'kin sa mall?"
Othertimes she would celebrate an invitation like this from her mother. Mas madalas ay ang Daddy niya ang nagsasama sa kanya sa mga lakad nito kasama ang kung sino-sinong kasosyo sa negosyo. Nitong huli ay tumatanggi na siya dahil nararamdaman niyang gusto ng Daddy niya na sumunod s'ya sa yapak nito.
But she will never enter into politics.
At ngayon ay gusto niyang pagbigyan ang ina kung hindi lang masakit ang katawan niya.
"Some other time, Mommy, kailangan kong paghandaan ang meeting bukas sa Del Rio Manufacturing. Kailangan kong sumunod sa gusto ni Dad," pagdadahilan niya. Kahit paano'y valid naman ang reason niya.
"Papasok ka na ba agad sa trabaho? Hindi mo ba gustong mag-travel muna? Bata ka pa naman para pumalit sa Daddy mo bilang CEO."
"CEO?! No," agad niyang tanggi. Bagama't ang Daddy niya ang may hawak ng pinakamataas na posisyon ngayon sa kumpanya dahil sila ang controlling shareholder, hindi iyon ang napag-usapan nila ng ama. Masyadong maaga para gampanan niya ang posisyon na 'yun. Ni hindi nga niya alam ang pasikot-sikot doon.
"I guess you have to discuss it with your father. Aalis muna ako para hindi ako gabihin."
Humalik siya sa ina bago ito lumabas sa silid niya. Dahil mag-isa na naman siya sa bahay ay naisipan niyang magbabad na lang sa bathtub para maibsan nang kaunti ang pananakit ng katawan.
Bumabalik sa isip niya ang mukha ni Matteo pati na ang nangyari sa kanila kagabi at kanina. Hindi niya alam kung magkikita ang Mommy niya ngayon at si Matteo, kahit paano'y nakaramdam siya ng panibugho. Damdaming hindi niya dapat maramdaman.
Pero buo na ang loob niya na ilayo ang Mommy niya kay Matteo. Kung paano sila magkikitang muli ay hindi niya alam dahil hindi naman nagpahayag si Matteo na masusundan pa ang pagtatagpo nila. Like he mentioned to her this morning; women just come and go. Kasama na siya roon.
----
"What did you do to my daugther?!" Halos mabingi si Matteo sa tinig ni Stella sa kabilang linya. He was expecting her call and he prepared his answers. Kasama naman iyon sa mga plano niya.
"May kasama na siyang lalaki pagdating ko sa club kagabi, Stella. At kung hindi ako dumating ay nakaalis na sila at nagtungo sa pinakamalapit na hotel. Sahara was so drunk she wasn't aware was she was doing anymore. Kaya nga nagdesisyon akong iuwi siya dahil hindi na siya halos makagulapay."
"Siguraduhin mong wala kang kinalaman sa mga bakas na 'yun sa leeg niya, Matteo! Nagtitiwala ako sa 'yo, alam mo 'yan! She's my only daughter and I want her safe all the time that's why I hired you."
"Wala kang dapat ipangamba, Stella, propesyunal akong kausap. How is she?" tanong niya dahil kanina pa kating-kati ang kamay niya na tawagan ang dalaga para kumustahin. Thinking about her naked body laying on his bed makes his groin ache in need! Gusto niyang kamuhian ang sarili dahil nagpapaapekto siya sa ganda at mapang-akit na mga matang taglay nito. Hindi siya dapat nagpapadala sa damdamin.
"Papasok na siya sa opisina simula bukas, Matteo. Inisiip ko nang putulin ang serbisyo mo sa kanya dahil maghapon lang naman siya sa opisina."
Napatigil siya sandali sa sinabi ni Stella. Hindi niya iyon napaghandaan. He was expecting to see her again tomorrow; watching her from afar, just like he did in the past two years. Hindi alam ni Sahara na kabisado niya na kung saan ito nagpupunta at kung sino ang kasama nito. Ngayon ay gusto nang putulin ni Stella ang pagmamanman niya sa anak nito dahil tapos na ito sa kolehiyo. O baka dahil naghinala itong siya ang may kagagawan sa mga bakas nito sa leeg.
"Matteo?" muling wila ni Stella sa kabilang linya.
"K-kung anonang desisyon mo, Stella," mahina niyang sagot. Nagpaalam na ang ginang habang siya'ya nasa malalim pa rin ang pag-iisip kung paano muling magtatagpo ang landas nila ni Sahara.
Desidido siyang mapagtatagumpayan niya ang plano para mapaibig ito, pagkatapos ay iiwan niya kapag mahal na mahal na siya ni Sahara. Kailangan niyang masaktan si Ferdinand del Rio sa pamamagitan ng anak nito.
Tumayo siya at tinanaw ang labas ng opisina sa pamamagitan ng salaming dingding ng opisina niya sa Quezon City. Hindi niya makakalimutan ang ginawa ng negosyanteng si Ferdinand del Rio sa pamilya nila mahigit dalawang dekada na ang nakararaan...