Kanina pa sa balkonahe si Sahara na nakatitig sa kawalan. Nakapatay ang telepono niya dahil hindi niya gustong makausap si Matteo. He lied to her. Maybe... he's been cheating on her since day one. Napakunot ang noo niya nang makita ang pumasok na sasakyan sa gate. Kanina pa dumating ang Mommy niya. Umalis ba ito ulit? Hindi niya napansin na wala ang isang sasakyan kanina sa garahe pagdating niya dahil nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Hindi niya akalain na nagpaloko siya at nagpadala sa matatamis na salita ni Matteo. Ilang sandali lang ay may kumatok sa silid niya at bumungad ang Mommy niya. Tumuloy ito sa kinaroroonan niya at sandaling katahimikan ang namayani bago ito nagsalita. "I have nothing against you having a relationship, Sahara. Pero sana'y huwag si Matteo..."

