Dahil sa sitwasyon ni Wesley ay ipinasya ni Sahara na huwag na lang ituloy ang date nilang tatlo nila Wesley at Solenn. Alas sais naman siya sinundo ni Matteo na naka-taxi lang na dumating sa tapat ng gate ng Del Rio Manufacturing. "Bakit hindi na lang tayo sa bahay niyo mag-dinner?" suhestyon n'ya. Wala naman siyang lakad ngayong gabi at hindi pa niya gustong umuwi. Sandali itong natigilan bago umiling. "Wala tayong kakainin doon dahil wala akong time para mamili." "Um-order na lang tayo tapos i-take out natin." "You need to go home early so you can rest. Hindi biro ang maghapon ka sa opisina." Umirap siya sa pagkadismaya at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana ng kotse. Totoo namang stress siya sa opisina lalo na't napapadalas ang pagbanggit ng ama sa kasunduang kasal nila ni

