"Hi, Wesley!" Nagulat ang kaibigan nang magpakita siya sa opisina nito. Tulad nang dati ay naroon muli si Solenn pero masaya lang na nag-uusap ang dalawa. "Sahara! I thought you'll be away for a week!" "I decided to cut my trip. How's everything?" "A-aalis na 'ko." Nagsalita si Solenn na tumayo mula sa sofa. Tumango naman si Wesley bilang pagsang-ayon. "So, how was your short vacation?" "Let's not talk about it. Kaya ako nandito ay para itanong kung ano ang plano mo? I want to cancel our engagement. Like, right away." "I agree to that. Pero paano?" "Walang problema sa akin kahit sa paanong paraan. Ikaw ang inaalala ko," wika niya. "You're concern about your inheritance." "Akala ko ba'y madali lang sa 'yo na umalis na lang sa Pilipinas pansamantala? Then you'll co

