"Good morning, Dad," bati ni Sahara sa ama. Sa kabila nang sinabi nito na araw-araw muna itong papasok sa opisina para i-train siya, nauuna itong pumasok at hindi siya isinasabay sa sasakyan nito. "Itutuloy mo ba ang advertisement sa mga produkto? Gusto kong makita ang proposals ng mga Solace Advertising," wika ng ama. Iniabot niya ang folder ipinakuha niya sa opisina ng ama kanina. "Sta. Lucia Corp. is now the leading food manufacturing in the market. Naungusan na tayo. I want to claim the spot this year. We can do it, can we, Dad?" Bumuntinghininga ang ama bago nagsalita. "Napabayaan ko ang kumpanya nang mahalal ako bilang Congressman. Ipinaubaya ko kay Wesley ang karamihan ng pagdedesisyon. Now, I am regretting that." "Why? Wesley did his best, didn't he? Nakita ko n

