Huminto ang sasakyan ni Matteo sa tapat ng condo na alam niyang pag-aari nito na katabi ng security company nito. Noong una siyang naghinala na kalaguyo ito ng Mommy niya ay nagkalkal siya sa silid ng ina. Nakita niya ang ilang flyers ng condomininium noong bagong tayo pa lang ito. Ang sabi ng Mommy niya ay pag-aari ito ng kaibigan nito na siya ring nakalagay sa calling card. Pangalan ni Matteo ang nakalagay doon bilang Presidente ng Premium Builders. It still puzzles her until now. Na kahit sabihin ng Mommy niya na kaibigan lang nito si Matteo, mariin ang pagtanggi nito na maging magkaibigan din sila ng binata. Her mother has been skeptical about her being friends with Matteo. Nakikita niya sa mga mata ng ina ang pagtutol. Kung bakit ay hindi niya alam. Was Matteo a womanizer?

