"Bakit ba kasi ayaw mong lumipat sa bahay ko?" tanong ni Matteo sa Tita Menchie niya na inaatake na naman ng paninikip ng paghinga. Bata pa ang pinsan ng ina kung tutuusin, wala pa itong singkwenta anyos. Pero marami itong iniindang sakit dala na rin sa sobrang pagtatrabaho noong bata pa. "Masyadong malaki ang bahay mo, Matteo. Wala akong makakausap doon kung hindi mga katulong." Isa iyon sa inaayawan ng tiyahin sa bahay niya sa loob ng village. Wala raw itong kapitbahay na magiging kaibigan. Sa loob ng ilang taon na lumipat siya sa inuuwiang bahay na nasa isang ekslusibong subdibisyon ay bilang pa sa daliri ang pagdalaw ng tiyahin sa kanya. Siya ang madalas na dumadalaw sa Tita Menchie niya. "Malapit nang makalaya ang Papa mo, saan ba siya tutuloy?" Napalingon siya sa tiyahi

