Kanina pa nasa labas ng opisina ni Wesley Monson si Matteo at inip na inip na. Gusto niyang hilingin na may ibang empleyadong kakatok sa pinto at makita niya kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob. God, he's jealous as hell! Kinse minutos na ang lumipas pero hindi pa lumalabas si Sahara. Alam niyang mas lalo siya nitong iniinis. Tawag ni Stella sa telepono n'ya ang nagpakalma sa kanina pa umuusok na ilong n'ya. "Tumatawag ako sa telepono ni Sahara hindi niya sinasagot. Nasa meeting ba siya ngayon?" tanong nito sa kabilang linya. "She's inside the office of her fiancè, Mrs. Del Rio. Would you like to talk to your daughter?" agad niyang tanong na nakahanap ng pag-asa. "Ako na lang ang tatawag kay Wesley maya maya para makausap si Sahara," sagot naman ng ginang na ikipanlumo niya

