"Come again?" wika ni Sahara kay Matteo. Kanina pa siya naguguluhan kung bakit agency nito ang kinuha ng Mommy niya at kung paanong napapayag ang Daddy niya. Pero kanina ay ikinatuwa niya iyon. Nawala lang ang lahat ng saya sa puso niya nang marinig na kausap nito si Bianca. Na nandito ito sa Maynila at nasa opisina ni Matteo. "Nakakabingi ba ang presensya ko, Miss Del Rio?" Umirap siya saka isinaliw ang swivel chair ng ama. Kailangan niyang mag-isip nang maayos. At mas lalong kailangan niyang kontrolin ang emosyon. "It's not funny, Mr. Buencamino. Habang kami ay nangangamba sa kaligtasan namin, ginagawa mo lang biro ang lahat?" Pumormal naman ang anyo nito at nawala ang pagngiti. "I'm sorry, I was just trying to lighten your mood. But rest assured that we will do our best

