"Dad?" tawag ni Sahara sa ama nang puntahan niya si Ferdinand sa silid nito para kausapin. Alas singko pa lang ng umaga pero dati nang maagang nagigising ang Daddy niya. Nagtaka lang siyang nakahiga pa rin ito na tila walang balak bumangon. "S-sahara..." garalgal ang tinig na tawag nito sa pangalan niya. "What happened?" Pinilit ng Daddy niya na tumayo pero napansin niya ang mahina nitong katawan. Hindi rin ito makatayo mula sa kama. "I'll call the doctor, right away. Ano ho'ng nararamdaman niyo?" nag-aalala niyang tanong. Hindi ito sumagot na tila hinahabol nito ang hininga. Agad niyang tinawag ang Mommy niya. "Dad's not feeling well. Matatawagan mo ba si Dr. Tiu?" tanong niya sa ina na ang tinutukoy ay ang kaibigang doktor ng Daddy niya. Agad namang itong tumalima na tinawagan ang

