Chapter 5

2302 Words
Isabella Nang maimulat ko ang aking mga mata, dali-dali ako bumangon upang puntahan si Lola. Kailangan niya ako sa kan'yang tabi, hindi dapat ako nandito. Kahit nahihirapan ay pilit pa rin akong tumayo at naglakad habang hila-hila ang aking dextrose. Subalit hindi ako nakalabas nang dumating si Ziglar na may dalang plastic bags. Mabilis naman niya ako nilapitan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!? Hindi ka pa magaling, Isabella!" singhal niya. Halos marinig ng buong establisyimento ang kaniyang sigaw. Sa ngayon, wala na akong paki kung magalit siya o kamuhian niya ako. Ang nais ko lang naman ay puntahan na ang aking pinakamamahal na lola. Hindi ko s'ya pinansin at tinuloy ang aking paglakad. Ako naman ay mabilis niyang hinarangan na akin din siya tinulak paalis. "Please… kailangan ako ni Lola… padaanin mo na ako," pagmamakaawa ko na kasabay nito ang pagbagsak ng aking mga luha. "Hindi pa p'wede. Hindi ka pa magaling. Magpahinga ka muna bago natin siya puntahan. I will promise you na dadalawin natin ang lola mo kapag magaling ka na. For now, you must eat and rest," malambing niyang tugon na sunod niya ako inalalayan pabalik sa aking kama. "Please, Isabella. Do this for the baby… and for your Lola." Hindi na ako umangal pa. Nararamdaman ko na rin kasi na malapit na bumigay ang nangangatog kong mga tuhod. Nang ako'y kaniyang napahiga sa kama, inilapag na niya ang mga dalang plastic bag at kinuha ang mga tupperware. Sunod siyang tumabi sa akin at binuksan ang mga ito. Nakita ko ang mga masasarap na pagkain na gustong gusto ko, lalo na ang pakwan, pero wala akong naramdamang gutom sa mga oras na ito. At dahil do'n, kakaunti lamang ang nakain ko. "Isabella, please… kumain ka nang marami. Para rin ito sa inyong dalawa." Hindi ko siya pinansin, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at humiga. Hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog. Paggising ko ay nakita ko si Ziglar sa aking tabi—natutulog siyang nakayuko sa kama habang nakakapit sa aking kamay. Naramdaman ko rin ang init ng kan'yang kamay na unti-unting pumapatay sa malamig kong kamay. Ngunit kahit nandiyan siya sa aming tabi at kami'y kaniyang binabantayan, ramdam ko pa rin ang kalungkutan sa aking puso. Nananatili pa ring masakit ang biglaang pagpanaw ng nag-iisa kong pamilya. Ang mas masakit pa roon ay hindi ko man lamang siya nakasama sa huli niyang mga sandali. "Napakawala kong kuwentang apo." Sa oras na iyon, nag-umpisa na akong umiyak. Habang pinupunasan ang mga luha ko, ang siyang pagyakap sa akin ni Ziglar. Ilang minuto rin akong ganito at humupa na rin ang aking pag-iyak. Mabuti na lang ay yakap niya ako sapagkat nararamdaman ko ulit ang panghihina ng aking katawan. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam na ako ng matinding gutom. Ako naman ay kan'yang sinubuan ng mga masasarap na pagkaing kaniyang binili. Kasabay niyon ay ang pagkuwento niya sa akin ng mga nakakatawang bagay. Kahit hindi nakakatawa ay sinusubukan pa rin niya magpatawa upang ako'y kaniyang mapasaya. Nang dahil sa pag-aalala niya sa akin, gumaan ang pakiramdam ko. Niyakap ko siya at masayang nagwika ng "Thank you," bago ako muling natulog. Mga ilang araw rin ako namalagi sa hospital at sa loob ng mga araw na iyon, unti-unti na nanunumbalik ang aking lakas. At nang sinuri muli ako ng doktor at nagsabi na maaari na akong umuwi dahil magaling na ako, agad ako nag-request kay Ziglar na puntahan na si Lola. Nakita ko sa kaniyang mukha na tila ba nagdadalawang isip pa siya. Ilang beses ako nagmakaawa sa kaniya at nangakong magiging mabait at susundin ko rin ang lahat ng nais niyang ipag-utos sa akin. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya nang akin ito sinabi. Kasunod niyon ay huminga s'ya nang malalim. Sa huli ay napapayag ko rin siya at muli ko siya pinasalamatan. Kinabukasan, sobrang lakas at bilis ng t*bok ng aking puso habang kami ay papunta kay Lola. Hindi pa kasi ako handa na makita pa siyang wala ng buhay. Habang kami ay nasa loob ng kotse, naramdaman ko na lang ang mainit na kamay ni Ziglar sa aking nanginginig at nanlalamig na mga kamay. Marahal niya ito hinahaplos at kahit hindi nagsasalita, ramdam ko ang kaniyang pag-aalala. Kahit papa'no ay napakalma niya ako. At ngayon na nasa labas na kami ng bahay, tila ba nanghina ang mga tuhod ko. Sa tutuusin, ayaw ko pang lumabas. Ayaw ko pa makita ang walang buhay n'yang katawan. Subalit ayaw ko naman na paghintayin ko pa si Lola. Matagal na rin niya ako kinukulit na dalawin ko siya at ngayon na nandito na ako, hindi ko na siya dapat paghintayin pa. Hindi ko namalayan na nahawakan ko pala ang kamay ni Ziglar. Masyado akong nakatuon sa aming tahanan at sa aking nararamdamang kaba at lungkot. Sabay din kaming nagtungo sa loob. Sa bawat hakbang palapit kay Lola ang siyang pamumuo ng aking mga luha hanggang sa tuluyan na itong bumagsak nang madungaw ang walang buhay niyang katawan. Para lamang siya natutulog– sana nga natutulog lang siya na kahit gisingin ko pa s'ya ngayon, agad siyang magigising. Muli ko maririnig ang kaniyang boses at makikita ang mainit na ngiting nagpapagaan sa aking puso. Muli ko rin mararamdaman ang mainit niyang yakap at halik na palagi niyang binibigay sa akin. Ngunit tunay na mapait ang tadhana, kahit kailan, hindi ko na ulit ito mararanasan pa. "Lola… Bakit mo naman ako iniwan!? Ikaw na lang meron ako– b-bakit…bakit sa iyo pa ito nangyari!?" malalakas kong iyak habang niyayakap ang kaniyang puting ataol. Patuloy ako sa aking pag-iyak na kahit sinubukan na nina Ziglar at Queenie na pakalmahin ako, nananatili pa rin akong humahagulgol na parang bata. Tumigil na lamang ako nang maramdaman ang pagkirot ng aking tiyan, pati na rin ang panghihina ng aking katawan. Ako'y kanilang inilalayan na umupo sa tabi upang magpahinga. Dali-dali naman akong inabutan ni Queenie ng maiinom. Habang umiinom ako, pinapaypayan ako ni Ziglar. Napatingin naman ako sa aking kamay na kanina lamang ay nanginginig. Wari ko ay nawala na ito nang dahil sa patuloy na pagmasahe ni Ziglar sa mga ito. Kasunod niyon, ako ay tumingala sa kaniya. Nagtama naman ang aming mga tingin. Nakita ko sa kan'yang mukha na tunay siyang nag-aalala. Alam kong nag-aalala siya sa aking dinadala, pero may isang hiling sa aking isipan na sana, kahit katiting lang, ay mag-alala rin siya sa akin—kay Isabella Trinidad. Hindi ko mawari kung bakit bigla ko ito naisip. Baka marahil sa halo-halo kong emosyon ngayon at naisip ko ito. Hindi naman masama ang humiling, 'di ba? Pero masakit pa rin ang umasa—umasa na sana tingnan din ni Ziglar si Isabella Trinidad na may pag-aalala at pagmamahal. "Z-Ziglar?" mahina kong tawag sa kan'ya. "Yes? What is it? May… May masakit ba sa iyo? May kailangan ka pa ba?" balisa niyang tanong. "P-Puwe…Puwede b-ba akong… s-s-su…sumandal sa iyo?" Nanatili pa rin akong humihikbi kung kaya ganito ako magsalita ngayon. "That's all? Hindi mo na kailangan pang tanungin iyan," natatawa niyang sambit. "Come here." At saka niya ako pinasandal sa kaniyang matikas at malapad na dibdib. "Magpahinga ka na. Kailangan mo iyan. Ayaw mo naman na makita ka ng lola mong nanghihina, 'di ba? If she sees you like that, I'm sure she will blame me and haunt me in my dreams." Siya ay natawa sa kaniyang biro. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Naramdaman ko rin ang isa niyang kamay na marahal na hinahaplos ang aking braso. Nang dahil dito, unti-unting bumabalik sa normal ang aking katawan. Unti-unti na rin akong inaantok hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Sa aking paggising, nakiusap ako kay Ziglar na dumito muna ako hanggang sa huling araw ng lamay. Hindi ko agad siya napapayag gano'n din si Queenie. Ang dahilan nila: ayaw nila akong mapagod, baka mapasama pa sa aking dinadala. Naiintindihan ko naman ang kanilang concern, pero kung muli ko hindi makakasama si Lola kahit sandali lang sa mga huli niyang araw dito, baka tunay ko itong pagsisihan habang buhay. Sa huli ay nakumbinsi ko rin sila, pero may kondisyon: ang huwag magpuyat, bukod do'n ay kumain nang marami. Sa tulong ni Ziglar at sa paulit-ulit na pangungulit ni Queenie, nakarami ako ng kain. Sa katunayan niyan, hirap ako ngayong kumain nang marami. Ilang subo lang ay nabubusog na ako. Nag-umpisa ito nang malaman kong wala na si Lola. Para kasing nawalan na rin ako ng ganang magpatuloy pa sa buhay nang dahil sa pagpanaw ni Lola. Tunay na naapektuhan ang aking isipan at ang aking pagkain kaya heto ako ngayon, lubos na nawalan ng ganang kumain. Pero nang dahil sa kanila, napagtanto ko na hindi lang ako nag-iisa. May kaibigan pa akong nagmamahal sa akin at anak na kailangan kong protektahan. Nandiyan din si Ziglar na kahit isa lamang akong estranghero sa kan'yang buhay, hindi pa rin niya ako pinapabayaan. Kung kaya, kailangan kong magpalakas para sa kanila. Lumipas ang mga araw, dumating na ang araw na kung saan ililibing na si Lola. Habang siya ay marahal na binababa, wala ng luha ang bumagsak sa aking mga mata. Tahimik ko lang siya pinagmamasdan habang nagdadasal na sana ay nasa maganda at maayos na lugar na siya; na sana rin sa lugar na pupuntahan niya, makasama na niya ang mga magulang ko. Siguro nga, masaya na silang nagkukuwentuhan habang umiinom ng paborito nilang tsaa. Sabi kasi ni Lola noon, paborito nilang dalawa ni Papa ang uminom ng tsaa tuwing free time nila. Nahawa lang si Mama sa kanilang dalawa. Coffee lover kasi si Mama, ngunit nang dahil sa palagiang pagbili at pag-inom ng mga tsaa nila Lola at Papa, nahawa na rin s'ya. Ano kaya ang pinagkukuwentuhan nila at masayang masaya sila ngayon? Siguro binabahagi ni Lola ang mga nakatutuwa at nakakahiyang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Nang dahil sa aking naisip, bahagya ako natawa. Napansin pala ako ni Ziglar at hindi niya mawari bakit ako natawa. "Ah… Wala ito. Naisip ko lang na… baka kasama na ni Lola sila Papa at Mama, tapos… pinagkukuwentuhan na nila ako," masaya kong tugon sa kaniya. "Hobby kasi nila Lola at Papa ang magkuwentuhan habang umiinom ng tsaa. Ma…daldal kasi silang dalawa kaya ine-expect ko na… nagkukuwentuhan sila ngayon sa langit. Sabi pa nga ni Lola sa akin na mas madaldal pa si Papa kaysa sa kaniya, ta's kabaligtaran naman si Mama sa kanila. Sabi pa sa akin ni Lola… kay Mama ko raw namana ang pagiging tahimik ko," pagkukuwento ko. "I see…" Nakita ko na huminga siya nang maluwag at tipid siyang ngumiti sa akin. Napatitig naman ako sa kan'ya. Sinusubukang alamin sa likod ng palagian niyang pagngiti sa akin. Napuna ko kasi sa kaniya na palagi na siya ngumingiti na kahit kailan, hindi niya magawa noon. Bukod pa roon, nagiging palabiro na siya. Hindi na siya tipo ng taong mabilis magalit, 'di tulad noon na kahit sa kaunting pagkakamali ko lang, agad na niya ako sinisigawan at pinagsasalitaan nang masasama. Baka naintindihan na niya na sa mga ganitong buwan ng pagbubuntis, maaari na siyang marinig ng kaniyang anak. Kapag palagi siya nakasigaw at nagmumura, baka ito na ang maalala ng anak niya sa kaniya. Tama, iyon nga. Kaya minsan, kinakausap niya si baby. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit s'ya naging mabait sa akin—nang dahil sa anak niya na nasa sinapupunan ko. "Isabella, may problema ba?" pagtataka niya. Umiling na lamang ako at ngumiti sa kan'ya. Pagkatapos ay muli ko na binaling ang tingin kay Lola. Sa paglipas ng mga oras, kami na lang dalawa ni Ziglar ang nasa sementeryo. Sa loob ng mga oras na iyon, nananatili s'yang tahimik. Mabuti naman at hindi pa niya ako niyayayang umuwi sapagkat ayoko pang iwan si Lola. Nais ko munang manatili sa kaniyang tabi. Sa tagal ng pamamalagi namin dito, hindi ko na napansin ang paglubog ng araw. Naramdaman ko na lang na may tumalukbong sa aking ulo. Napansin ko na ang itim na damit ni Ziglar ang tinalukbong n'ya sa akin. Kasabay niyon ay ang pagyakap ng isa niyang kamay sa akin. "Let's go. Gabi na at baka mahamugan ka pa. Baka nagugutom na rin kayo ni baby," malambing niyang yaya. Sa sobrang soothing ng kaniyang boses, mabilis niya akong napapayag. Nagpaalam muna ako kay Lola at sa aking mga magulang bago namin silang iwan. Talagang pinagtabi niya silang tatlo at ang ganda pa ng kanilang lapida. Kanina ko lamang nalaman na inilipat pala ni Ziglar ang labi ng mga magulang ko sa isang magandang libingan na tunay kong pinagsasalamatan sa kan'ya. Doon kasi sa nauna nilang libingan, masyadong marumi at masikip. Dahil wala naman kaming sapat na pera upang magrenta ng libingan, pinagsiksikan namin ang kanilang labi sa libingan na para lamang sa mga bata. Kahit ayaw namin na gawin iyon sa kanila, wala naman kaming pagpipilian. Ngunit nang dahil sa tulong ni Ziglar, naging panatag na ako na nasa maayos na silang kalagayan. "Ziglar… Thank you ulit," masaya kong pasasalamat habang kami ay naglalakad pabalik sa kotse. Isinandal ko naman ang aking ulo sa kaniya at huminga nang maluwag. Pagkatapos, dumiretso na kami sa isang malapit na restaurant upang doon kami naghapunan. Naging tahimik ang aming gabi hanggang sa makabalik na kami sa mansyon. Pagkatapos kong magpahinga ay naligo na ako at saka natulog na hindi man lamang kinakausap si Ziglar. Sa ngayon kasi, wala ako sa mood na kausapin siya o kahit na sino. Gusto ko muna mapag-isa at magmuni-muni. Umabot ang pagiging tahimik ko ng ilang linggo. Hindi ko pa nga namalayan na umabot pala ng ganitong katagal ang aking katahimikan. Abala kasi ako sa aking pag-alaala ng mga masasayang araw namin ni Lola habang siya'y nabubuhay. At muli, nandito ako sa hardin, taimtim akong nagmumuni-muni habang nakaupo at hinihimas ang malaki kong tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD