Ziglar
"What should I do to make her happy?"
I already asked Queenie about all of her likes and favourites. However, although I gave and did all of it, I'm still unable to see Isabella's genuine smile. She just kept smiling at me with a force and bitterness that ripped my heart.
F*ck! I miss Isabella! I miss her warm smile and laugh. Miss ko na rin ang palagian niyang pag-'welcome home' sa akin. Even though it was a small act, I dearly missed it.
Nang dahil sa araw-araw niyang pag-greet sa akin tuwing uuwi ako, muli ko naranasan ang sumaya. Masarap din pala sa pakiramdam nang malaman mong may naghihintay sa iyo sa pag-uwi. Nakakagaan ng puso. Nakakatanggal ng stress.
At ngayon, hinahanap-hanap ko na ito sa kaniya. Sa ngayon kasi, hindi na niya ito ginagawa sa akin simula nang namatay ang lola niya. Sa tuwing umuuwi ako, hindi ko na siya nadadatnan pa na dati naman ay nagmamadali pa siyang puntahan ako para lang sabihin sa akin ang matamis niyang "Welcome home".
Pinipigilan ko lang talaga ang ngumiti every time I see her doing that. Sino ba ang hindi ngingiti kapag sobrang cute ang palaging sumasalubong sa kanila—sa akin?
I just had a hard time hiding how I felt towards her, kaya nagmamadali akong iwan siya para lang ilabas ang ngiti at saya na nararamdaman ko. But now I rarely see her because of what happened to her grandma. She always locks herself up in her room, and sometimes she goes into the garden just to stroll and exercise. Sa katunayan niyan, sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan ako 'cause she looks like a lifeless doll—a lifeless doll with a lifeless eyes and a lonely face. This is why I'm always questioning myself: What should I do to make her happy?
Bukod doon, miss ko na rin ang palagian niyang pagluto sa akin ng almusal. Sikreto ko lang ito kinakain dahil wala akong mukhang ihaharap sa kan'ya. Masyado ko siyang sinaktan and yes, I'm aware of how I treated Isabella. I'm aware of how cruel I am to her.
Her demeanor made it clear that she was terrified of me, as she flinched and breathed heavily whenever I approached her. Kapag naman nagtatama ang mga mata namin, mabilis niya ito nililihis. Sa katunayan niyan, nakaramdam ako ng galit sa tuwing ginagawa niya ito. Kaya noong pinatawag ko siya sa kuwarto ko pagkauwi namin sa hospital, muli ko siya pinagalitan at pinilit na tumingin sa akin. Mabuti na lang ay natauhan ako no'ng makita ang takot sa kaniyang mga mata kaya ako na mismo ang tumalikod. Baka kapag tinuloy ko pa ang pagpilit sa kan'ya that time, muli siyang umiyak nang dahil sa akin. That is something I don't want to happen.
I don't want to hurt her any more. I don't want her to despise me for the rest of her life. That is why sinubukan kong magbago alang alang sa kaniya.
Ilang beses ko na rin gustong humingi ng tawad sa kaniya, pero hindi ko magawa. Masyado akong naduwag.
D*mn it! I'm such a f*cking coward! I hate this! I hate this side of me! This is why Samantha cheated on me habang kami pa. I was too frightened to express my true feelings. Palagi ko ito dinadaan sa violence and hurtful words, which I later regret. Hindi na niya sigurong masikmura ang ugaling kong ito kaya naghanap na siya ng ibang lalaki habang kami pa. In fact, I've been aware of her affair for a long time, but I just ignored it. Maybe because of my guilt over what I did to her, or maybe, just maybe, because of my cowardice. Kaya noong dumating si Isabella sa aking buhay, sa kan'ya ko binuhos ang lahat ng galit ko.
Alam ko sa sarili na wala siyang masamang motibo nang pinakilala niya sa akin ang aming anak, dinuro-duro ko pa siya at inakusahan na– D*mn it! I'm such a horrible person!
I wanted to kill myself when I thought about all the horrible things I did to Isabella. I wanted to stab and strangle myself until I passed out. Can she forgive me if I did something like this?
F*ck! Certainly not! Hindi niya iyon gugustuhin dahil mabait siyang tao. Sa sobra niyang bait, akala ko isa siyang anghel na bumaba sa lupa. Isang anghel na kayang unawain at alagaan ang isang tulad ko sa kabila ng kasamaang ginawa ko sa kaniya. Tunay nga siyang isang anghel na lubos na sinira at dinumihan ng isang demonyong katulad ko.
"May… pag-asa pa ba… para mabuo ko… ang sinira kong anghel?" bulong ko habang nakaupo sa desk chair sa aking silid. I leaned my back against my seat and let out a deep sigh. After that, I glanced at the window and realized that the sun had already set. "Should I cook for her?" Nang maisip, bigla ako napatayo.
I forgot that she loved food, particularly my cooking. She also enjoys watching me prepare meals.
"Ba't ngayon ko lang ito naisip? Teka– anong oras na ba?" I whispered. I checked my watch and saw it was 6:42 pm. Mga alas-siyete pa naman siya kumakain, marami pa akong oras para ipagluto siya. Since sabaw ang gusto niyang kainin, okay na siguro ang nilaga? Kapag sinigang kasi, baka maasiman pa siya at masuka. Ayokong paglutuan ulit siya ng bulalo kahit gustong gusto niya iyon. Masyado kasi iyon oily, baka makaapekto pa ito sa kalusugan niya.
Fine. Nilaga na lang ang iluto ko para safe.
After I decided, I went looking for Manang Ester to ask her for a favor. I asked her if she could persuade Isabella to join me in the kitchen for dinner. I even suggested that she take Isabella with her while I was cooking so she could watch me.
Dinaan ko talaga kay Manang Ester iyon dahil– kahit sabihin na nating unti-unti na nagiging komportable si Isabella sa akin, hindi pa rin nawawala ang takot niya towards me. I can tell she's still afraid of me. It would be better if I approached her slowly until it was completely gone.
What would it be like if she was no longer afraid of me? What would it be like if she fell in love with me?
"Love, ha? Love…" I happily whispered.
Three months ago ko lang na-realize na mahal ko na si Isabella Trinidad. Na-realize ko lang noong hinahanap-hanap ko na siya sa tuwing umuuwi ako galing trabaho. May kakaiba kasi akong naramdaman sa kaniya na hindi ko pa nararamdaman mula kay Samantha at sa iba ko pa naging karelasyon. When I heard her lovely voice, I felt an odd ticklish sensation. It also brings me joy to see her smile and happy face. And I was delighted as well every time I heard her angelic laugh, and when she gave me a hug. Para bang na-hypnotize niya ako na hindi niya namamalayan. And because of that, I was thinking na baka pag-ibig na nga itong nararamdaman ko. Maybe I already fell in love with Isabella Trinidad.
Na-confirm ko lang itong nararamdaman ko noong una ko siyang sinugod sa hospital. Because of my anxiety, I almost sued all the doctors and destroyed their hospital that time. I can't believe na naisipan ko iyong gawin. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko iyon, pero hindi ko naman masisisi ang sarili sa naging reaksyon ko noon. Kung mahal mo na ang nasa panganib, lahat gagawin mo para lang iligtas siya kahit makasira ka pa ng buhay na may buhay.
That time, I was brought back to reality when I entered her room and was greeted with her bright and genuine smile. Because of the shock, I gazed at her keenly. That was the only time she gave me a genuine and warm smile during our entire time living under the same roof. It felt like horses were racing in my chest at the speed my heart was beating.
D*mn… Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na iyon dahil simula noon, unti-unti na kami nagiging malapit sa isa't isa at nakikita ang tunay niyang mga ngiti. Kaya heto ako ngayon, ginagawa ang lahat para muli siyang pasayahin. Para rin matutunan na niya akong mahalin– sana mahalin na ako ni Isabella. Sana mahalin niya ang isang tulad ko. Mangyayari pa ba kaya iyon sa kabila ng lahat?
"Naku, sir. Dapat kanina mo pa iyan sinabi. Kanina pa kumain si Madam." Bigla ako natauhan nang sagutin ako ni Manang Ester.
"Gano'n ba?" Medyo na-disappoint ako, but that's fine. As long na kumain siya, kontento na ako. Bukas ko na lang siya ipagluluto, marami pa akong oras at panahon para bumawi at mapasaya ang mahal ko. "Ma…Mabuti naman. Masarap naman ba ang kinain niya? Healthy naman ba?"
"Aba! Parang wala kang tiwala sa akin, ah?" Tinaasan niya ako ng isang kalay at saka siya tumawa habang umiiling. "'Wag ka mag-alala, matanda na ako at alam ko ang pagkakaiba ng masustansya at sa hindi masustansyang pagkain."
"That's good to hear… By the way, where is she? Nasa room na naman ba siya?"
"Wala. Nasa sala siya ngayon, nanonood ng palabas. Himala nga, eh, at naisipan niyang manood sa sala. Mabuti na lang talaga at 'di na siya nagkulong sa kaniyang kuwarto. Kahit papa'no, may pagbabago sa routine niya." Huminga siya nang maluwag. "Ano kaya kung… samahan mo siyang manood? Iyong bang– ano nga ulit tawag ninyo doon? Ah! Iyon nga! Nitflix and gin! Grabe… manonood na nga lang, kailangan pa uminom ng alak?" reklamo niya.
"Manang, N€tflix and chill iyon. Mas lalong hindi 'yon gin," pagtatama ko.
"Ay, gano'n ba? Mabuti naman. Bawal din kay Isabella ang alak."
"Kahit 'Nitflix and gin' pa ang tawag diyan, hindi ko pa rin siya hahayaang uminom ng alak… 'Tsaka huwag na, Manang. Baka maistorbo ko pa siya kapag… sinamahan ko siya."
"Ay, sus! Ang arte mo naman! Asawa mo naman siya kaya dapat lang na samahan mo siya ngayon! Sandali lang, 'wag kang aalis diyan! Tatamaan ka talaga sa akin 'pag tumakas ka!" singhal niya at dali-dali siyang nagtungo sa kusina. Halos umusok na ang ilong niya sa galit.
I just shook my head and scoffed. I haven't even proposed to Isabella yet, but Manang treats us like husband and wife. In fact, I planned to marry her. Isa rin sa dahilan ko kung bakit gusto ko makilala ang lola niya, para makuha ang blessing niya na pakasalan ko ang nag-iisa n'yang apo. Pero mukhang may plano ang tadhana sa amin at talagang hindi nakakatuwa. Nang dahil sa nangyari, hindi ko na nakilala ang palaging kinukuwento sa akin ni Isabella at nakuha ang blessing niya. Nawalan din ako ng pagkakataon na alukin siya dahil sa pagdadalamhati niya.
"Oh, ito!" When Manang arrived, she immediately handed me a small mocha cake that Isabella loved, as well as two cups of vanilla ice cream. "Dalhin mo ito sa sala. Para may manguya kayo habang nanonood kayo. Huwag mong iiwanan ang asawa mo– tandaan mo iyan." Dinuro pa niya ako at saka umalis.
Hindi na ako lumaban pa sa kaniya. Sinunod ko na rin si Manang at pinuntahan si Isabella. Dahan-dahan ko naman inilapag ang mga ito sa mesa na nasa harapan niya na agad din niya napansin.
"Wow! Cake! Thank you, Ziglar!" D*mn! She smiled at me! She was smiling at me and she also thanked me!
Thank you, Manang! Because of your stubbornness and persuasion, I saw her genuine smile again.
"You're always welcome… Isabella." I gave her a warm smile and then I asked her if I could sit beside her. It makes my heart ease when she allows me to. Sayang din ang pagkakataon na ito kung hindi ko siya tatanungin, lalo na't mahirap na siya makausap at makasama.
Sana magtuloy-tuloy ang masaya naming pagsasama.