Ziglar
"...Maraming salamat, Ziglar. Paalam."
After reading her letter that expresses her real emotions, it was as if my entire world had stopped and my heart had shattered. Hindi ko inakala na ganito pala ang nararamdaman niya sa buo naming pagsasama. Hindi ko rin inakala na ganito pala ang tingin niya sa kaniyang sarili. I'm such a fool!
Hindi ko inaasahan na iiwanan niya ako dahil nakita ko naman na masaya siya sa piling ko. Palagi na rin niya ako kinakausap at may pagkakataon pa nga na napag-usapan din namin ang aming future kasama ang anak namin. Magkasama pa nga kami na bumili ng mga gamit at damit ng aming anak. At minsan pa nga, bigla-bigla na lang niya ako tatanungin kung maganda ba ang mga pangalan na naisip niya. Sa mahigit isang buwan na iyon, para kaming isang tunay na pamilya na talagang nagpasaya sa akin.
I recall how delighted she was the first time she saw our son on an ultrasound.
"Siya na ba iyan?" she happily asked as she was crying with joy. "Ziglar, tingnan mo, oh. Ang anak natin… Ang guwapo niya." Then she giggled, she unconsciously held my hand as she was watching our son on the monitor.
I just sit beside her habang pinagmamasdan ang masaya niyang reaction. Hinaplos ko naman ang kaniyang kamay at saka ko pinunasan ang mga luha niya. "Thank you, Isabella…" I whispered and gave her a warm smile.
She was stunned and couldn't speak. Understandable naman ang naging reaksyon niya dahil ngayon lang ako nagpasalamat sa kaniya. Sa lahat ng kabaitan at matinding pag-unawang binigay niya sa akin, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas upang magpasalamat. Medyo nailang pa nga ako noong sinabi ko iyon. Ngunit nawala rin iyon no'ng binigyan niya ako ng isang halik sa pisngi. Isang halik na siya mismo ang nagbigay sa akin. Isang halik na nagbigay pag-asa sa akin na baka sakali, matutunan na niya akong mahalin. Sana nga, iyon nga.
"Thank you rin, Ziglar." Her response with a broad smile on her face.
Her happiness returned that day, and she began to become talkative. Since then, she has been in a playful mood, and she is sometimes the one who approaches me, which delights me. That's why I decided to ask her to marry me.
I know na masyado akong padalos-dalos sa naging desisyon ko, but I think that was the ideal time to propose to her. And besides, I got a lot of confidence that she will say yes to me. I wish, inagahan ko ang pag-alok sa kaniya. And I also wish na sana noon pa ako nagkaroon ng tapang na gawin ito.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga panahong hinahanda ko ang lugar kung saan ako magpo-propose. May halong saya, kilig, at kaba ang naramdaman ko sa mga panahon na iyon. Pero nanaig pa rin ang saya nang maisip na makakasama ko na si Isabella habang buhay.
Niyaya ko na siya noon na umalis para dalhin siya sa venue pagkatapos siyang magpa-check-up. Habang kami ay naglalakad papunta sa kotse, siya ay huminto para magpabili ng mainit na mani. Tinuro niya iyon na medyo kalayuan sa aming kinapupuwesto.
"Iyon ba? Gaano ba karami ang gusto mo?" tanong ko.
"Kahit tig-sa-sampung piso lang. Bigla kasi ako nag-crave no'ng naamoy ko iyon. Matagal-tagal na rin ang huli kong kain ng mani," natatawa niyang sagot.
"Sure." Balak ko sana siyang isama papunta sa nagtitinda, but she insists to stay there which I truly regret. Dapat pala hindi ko siya pinagbigyan sa kagustuhan niya noon. Dapat pala naging makulit ako sa mga panahon na 'yon.
"Hintayin na lang kita dito. Medyo… ano na rin ang mga paa ko."
"Why? What happened to your feet? M-Ma-Masakit ba ang mga paa mo? Gusto mo, bumalik tayo sa loob?" Nataranta na ako nang kaniya iyon sabihin, pero nagawa pa rin niyang tumawa sa sitwasyon ko noon. Yeah, I agree that she's f*cking adorable when she's laughing, but I don't think that's the right time to laugh at me.
"Wala naman. Gusto ko lang magpahinga. Hintayin na lang kita rito sa bench." Saka niya tinuro ang isang pahabang upuan sa likuran namin.
"S-Sure. Wait for me. Mabilis lang ito." Patakbo akong nagtungo sa tindero ng mani pagkatapos ko siyang alalayan na umupo. Marami ang bumibili noon kaya natagalan akong bumalik. It only took a few minutes until I heard loud screams and noises. I immediately turned to see where the screams were coming from and was horrified to see Isabella bleeding on the road. I quickly approached her and begged for help from those present to bring her inside the hospital.
Habang siya ay nakahiga at dinadala sa ER, ilang beses siyang nakiusap sa akin na isalba ang anak namin hanggang sa dalhin na siya sa loob.
Sa mga panahong naghihintay ako sa labas, ilang beses ako nagdasal sa Panginoon na iligtas niya si Isabella. I almost went insane because of the negative thoughts that ran through my mind during those times. Hindi ko mapigilan mag-isip nang masama dahil na rin sa mabigat na presensya na meron noon sa labas ng ER, ganoon na rin ang mga dugong nasa katawan ko. Ang mga dugo na mula kay Isabella—sa minamahal ko.
Nagising na lang ako nang lumabas na ang doktor. I thought he was going to tell me good news, but when I saw his troubled expression, I knew it was the complete opposite. Lumabas siya upang papilian niya ako kung sino ang ililigtas ko na walang ano-ano ko naman siya sinagot.
"Si Isabella po, Doc! Please save her! Siya na lang ang meron ako! Pakiusap po, Doc! Iligtas niyo ang mahal ko!" pagsusumamo ko sa kaniya, kasabay niyon ang aking pag-iyak.
Ginawa nga nila ang aking hiling. Nawala na sa kapahamakan si Isabella, ngunit nang siya ay nagising at nalaman ang pagkamatay ng aming anak, nanumbalik ang pagdadalamhati niya noong nawala ang kaniyang lola. Mas malala pa ito dahil paulit-ulit niya sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng anak namin.
Noong naghihintay siya sa aking pagbalik, she dropped the necklace I gave her. Nagpagulong gulong iyon at hinabol na hindi niya namalayan na nasa kalsada na pala siya. Huli na niya napagtanto nang marinig na niya ang busina ng kotse at saka siya nabunggo. Nang dahil sa nangyari, lubos niya sinisi ang sarili.
"Kasalanan ko kung bakit siya namatay! Nang dahil sa katangahan ko, nawala na ang aking anghel! Pinatay ko siya!" she cried. "I'm sorry, anak… Pasensya ka na k-kung hindi kita naprotektahan! Pasensya na kung mahina ang mama mo! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit ka nawala! I'm sorry… I'm so sorry!"
"This is not your fault, Isabella. Please, don't blame yourself. Aksidente lang ang nangyari," pagpapakalma ko habang yakap siya.
Ngunit kahit anong sabihin ko, patuloy pa rin niya sinisisi ang sarili hanggang sa dumating na ang kinakatakutan kong mangyari—ang iwan niya ako.
Kakauwi lang namin noon sa mansyon galing sa hospital nang nagdesisyon siyang lisanin niya ako. Masyado na rin akong pagod noon kaya agad na ako nagpaalam sa kaniya na ako ay matutulog na. Little did I know, Isabella had planned to leave me that night. I should have just stayed by her side that night. And I shouldn't send the guards out of my mansion yet. If I did that, there's a hope that I could stop her from leaving me.
When I was awake, I was disturbed by the strange sadness and silence that filled the mansion. Then I suddenly remembered Isabella. I immediately searched the mansion for her, but I couldn't find her. After that, I was taken aback when I noticed a letter on the living room table. I took it and read it, tears streaming down my cheeks.
"Dear Ziglar Valencia,
"Una sa lahat, lubos akong nagpapasalamat sa lahat na kabutihang ibinigay mo sa akin. Kahit na isa lamang akong estranghero sa iyo, mainit mo pa rin akong pinatuloy sa iyong buhay. Sa katunayan niyan, noong inalok mo ako na manatiling manirahan sa iyong mansyon kahit wala na ang anak natin, sobra mo ako napasaya at tunay ko ito pinasasalamatan. Pero hindi na kinaya ng aking konsensya na maging pabigat sa iyo. Alam ko naman na ginawa mo lang iyon nang dahil sa awa. Thank you pa rin at tunay ko iyong na-appreciate, ngunit sa tingin ko hanggang dito na lang ako. Ayokong guluhin pa lalo ang buhay mo. Ayoko rin muling sirain ang maganda mong buhay nang dahil sa akin.
"Humihingi ako ng dispensa sa lahat-lahat, Ziglar. Nang dahil sa akin, nasira ko ang maganda ninyong pagsasama ni Samantha. Nang dahil din sa akin, namatay ang anak mo. At nang dahil din sa akin, ikaw ay nagdusa. Pasensya na talaga, Ziglar, sana mapatawad mo pa ako. At pasensya na rin kung sa liham ko na lamang ipinahayag sa iyo ang lahat na ito. Hindi ko kasi magawang kausapin at tingnan ka dahil sa nararamdaman kong hiya. Sana, kung tayo'y pagbibigyan ng tadhana, sa muli nating pagkikita, may mukha na akong maihaharap sa iyo. At sana rin sa muli nating pagkikita, nahanap mo na ang tunay mong kaligayahan na ninakaw ko sa iyo.
"Maraming salamat, Ziglar. Paalam.
"Nagmamahal, Isabella."