Last Chapter

4054 Words
Ziglar "Until now, you couldn't find her? Seriously? Hindi niyo pa rin siya nahahanap? Tang ina– Talaga bang ginagawa ninyo ang trabaho ninyo, ha!? Isang babae lang ang pinapahanap ko sa inyo, pero bakit hanggang ngayon hindi niyo pa rin mahanap si Isabella!?" Because of my frustration, I threw all the things I picked on the table at those useless investigators. Investigator my ass! They call themselves investigator, pero mga wala naman silang silbi! Bago ko sila tuluyang patayin, pinalayas na sila ni Bryan sa silid ko dito sa firm na mina-manage ko. "Bossing, gusto mo ng kape? Pampakalma?" alok niya at saka niya inilapag ang kapeng barako sa harapan ko. Hindi ko alam kung sarcastic ba ang sinabi niya o ginagago lang ako nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinilot ang sentido ko na kanina pa tumitibok dahil sa inis. F*cking bullsh*t! It's been more than two years since Isabella left me. And it's been more than two years since my money was wasted due to those so-called investigators, those incompetent b*stards. Ang yayabang pa na ipagmalaki sa akin ang mga achievement and skill nila sa field na ito, pero– D*mn it! Hindi pa rin nila nabibigay sa akin si Isabella. "Where are you, Isabella?" I sighed, leaning against my desk chair. "Grabe, bossing. Ikaw na. Ikaw na talaga. Grabe ang devotion mo para mahanap si Madam. Nakakalaglag panty ka sa sobra mong loyalty and love mo sa kan'ya. Kung babae lang ako, kanina pa nalaglag panty ko sa kilig," napapailing niyang sambit habang iniinom ang kape na inalok niya sa akin. He then sat on my desk after talking to me. "Can you please shut the hell out, Bryan? Huwag mo muna ako galitin. Wala ako sa mood para sakyan ang trip mo," I exclaimed madly. "Kaya nga masarap ka asarin ngayon." Then he giggled. I really hate this man. Gustong gusto ko na siyang paalisin sa company, but he's our business partner. Malaki pa ang contribution niya sa firm kaya ang hirap niya paalisin dito. "By the way, 'di ba ang sabi mo… ulila na siya at wala na rin siyang ibang kamag-anak na malalapitan? Nakakapagtaka naman na bigla-bigla na lang siya nawala. As in, halos hinalughog na ng mga hire investigator mo ang buong Pilipinas… hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakikita si Madam." He eventually shook his head. "Hindi naman sa pagiging nega ko, ah… Baka lang– kaya hindi mo siya mahagilap kasi… may nangyaring(?) hindi maganda sa kaniya noong umalis siya sa iy–" "D*mn it, Bryan!" Sabay sa malakas na sipa sa mesang nasa harapan ko na muntikan niyang ikinahulog. "Huwag mong subukang ituloy iyan or else, I will make sure na hindi mo na magagamit pa ang dila mo!" "Sorry na… Baka lang naman kasi. Iyon na lang ang naiisip kong possibility kaya 'di mo pa rin siya nahahanap." He pouted like a f*cking duck. My days were filled with searching for Isabella. And I still can't find her yet, even with hiring great investigators. Ang gusto ko lang naman ay makasama siya habang buhay at sabihin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Gustong gusto ko na talagang sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawalay siya sa akin. This is also why I chose to save her rather than our son. Kung may sisisihin sa nangyari, ako dapat 'yon dahil ako mismo ang pumatay sa aming anak at hindi siya. Besides, kahit kailan, hindi siya naging pabigat sa akin. First of all, paano naman niya naisip ang bagay na iyon? Never ko naisip na naging pabigat siya sa akin at mas lalong hindi ako nagdusa nang dumating siya sa buhay ko. In fact, what happened to me was the complete opposite of what she assumed. I felt immense happiness and learned to love again because of her. She is also the only person who has changed me– rather, I changed myself for her. I really want to tell her all of it, but how can I if she is still hiding from me? Nang dahil na rin sa sinabi ni Bryan, nakaramdam ako ng matinding takot. Sh*t! Sana walang mangyari sa kaniya. Hindi ko kakayanin kung may mangyari nga sa kaniya. Pakiusap, 'wag sana. Sa kasalukuyan, muli ako bumalik sa malungkot kong mansyon. Kahit alam kong imposibleng mangyari, I'm still hoping Isabella will greet me with her sweet "Welcome home" when I return. F*ck! I miss her so much! Miss ko na ang mahal kong si Isabella! At sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang magandang balita akong natanggap. "Nakita niyo na siya!?" When I got the call that they had found Isabella, I rapidly stood up in my seat with glee. "Alright then! Send me the address and I'll go there!" Kahit nasa kalagitnaan kami ng meeting, walang ano-ano ako nagtungo sa kaniya. Wala na akong pake kung magalit man ang ilang shareholders and clients sa inasal ko, what matters to me is that I finally found her. Sa ilang minutong nagdaan papunta sa kaniya, sobrang kaba at saya ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko na para bang isa na akong baliw dito sa kotse. Muli ko kinabisa ang ginawa kong speech sa oras na nagkita na kami. Sinuri ko pa ang mukha at damit ko kung maayos lang ba. Siguro naman okay na ito. And now that I was in the small park kung saan siya nahanap, I took a deep breath to calm myself down. Patakbo ko naman siya hinanap dito at napahinto ako nang makita ang likuran niya. Nakita ko siyang nakatalikod sa tabi ng malaking puno. Kahit siya ay nakatalikod, tanda ko pa rin ang hubog ng kaniyang katawan. Sa pagkakataon na ito, humaba na ang hanggang balikat niyang buhok noon at nagkalaman-laman na rin siya. Mabuti naman kung gano'n. It simply means that she is in good health and that nothing bad has happened to her. I approached her without hesitation, and as I approached her, I stopped when I saw her lovely face with a big smile on her lips na matagal-tagal ko na ring hindi nakikita sa kaniya. She also giggled as she was holding a baby. Wait– A baby? Kaninong sanggol ang hawak niya? Hindi rin nagtagal, nalaman ko na rin ang kasagutan nang makitang may kinawayan siyang isang lalaking nagmamadaling pumunta sa kaniya, pagkatapos siya ay hinalikan sa labi. Sobrang saya nilang tatlo sa mga oras na ito na nagpadurog sa puso ko. Doon ko na lang napagtanto na nahuli na ako. Napagtanto ko rin na ang babaeng minahal ko at matagal ko nang hinahanap ay may nagpapasaya at nagmamay-ari na sa kaniya. Ang sakit! Sobrang sakit! Sa sobrang sakit na nadama ko sa aking nasaksihan, sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko. Gusto ko sana pumunta sa kanila at sabihin sa lalaki na "She's mine!" But how can I say this when she is now happy with someone else? Ayokong sirain muli ang kasiyahan niya. Inaamin kong masakit para sa akin na gawin ito, pero kinakailangan—kailangan ko magparaya sa taong mahal ko. If that's what makes her happy, I'll let her be even though I'm no longer the reason for her happiness. Sa huling pagkakataon, muli ko siya pinagmasdan. Muli ko pinagmasdan ang minamahal kong si Isabella hanggang sa nagdesisyon na akong iwan sila. Sa mga oras na ito, ang tanging hiling ko lang ay huwag sana siya saktan ng pinili niyang lalaki. Huwag sana siya paiyakin gaya ng ginawa ko sa kaniya noong magkasama pa kami. Huwag sana niya pabayaan at magsasawang mahalin si Isabella. Maging matapang at mapagmahal sana siyang asawa at ama sa kanila na hindi ko naiparanas sa kaniya. June 7, ito ang petsa na pinalaya ko na si Isabella at ang petsa na hindi ko makakalimutan sa lahat. Dahil kahit pinalaya ko na siya sa aking buhay, hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin siya ng aking puso. And even though I let myself drown in alcohol and tried numerous times to forget her, she has remained in my heart and mind all these years. I want to forget her. Please, forget her. Ito lang ang paraan para hindi ako magdusa nang sobra. "Isabella, why did you abandon me? You didn't even let me show you how much I love you—how much I cherished you. Bigla ka na lang umalis na walang paalam... Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit… Bakit mo akong tinuruan na mahalin ka, pagkatapos ay iiwanan mo lang ako nang basta? Napaka-unfair mo, Isabella." Mga tanong na paulit-ulit na pumapasok sa aking isipang sa nagdaang mga panahon. "Oh? Mr. Valencia? Ikaw ba iyan? Akala ko namamalikmata lang ako. Akalain mo iyon, nakakalakad at nakakatayo ka na?" a shocked old lady wondered aloud, named Ms. Maxine Gonzales. When I saw her, I was instantly dissatisfied. Ayokong ayoko talagang nagkakatagpo kami ng matandang ito. Sobra niyang tsismosa at madaldal na halos dumugo na ang tainga ko sa walang awat niyang pagsasalita. Mas lalong nakakainis dahil magkatabi lang kami ng kuwarto kaya palagi kami nagkakasalubong, minsan pa nga ay siya pa ang dumadalaw sa akin para gambalain ako. Kasalukuyan ako– kami pala, sa labas ng hospital na kung saan ako naka-admit—sa parte na kung saan ang hardin. Ako ngayon ay nakaupo sa isang bench dito habang nagpapaaraw. Matagal-tagal din ang huli kong labas sa kuwarto ko kaya mas mainam na lumabas-labas din ako. Sa tagal kong pananatili roon, halos mag-amoy-lupa na ako, although I'm close to that, since I'm quite old. Sa ngayon kasi, 76 na ako at madadagdagan pa ng isang taon sa susunod na buwan. Grabe… Ang tanda ko na pala? Ang bilis talaga ng panahon. "Puwede ba akong tumabi?" Kahit siya ay nagtanong, she still sits besides me. Huminga siya nang maluwag nang siya'y nakaupo. At saka niya binitawan ang hinihila niyang dextrose. "Ano na naman ba ang pakay mo sa akin, Ms. Gonzales? As far as I know, hindi tayo lubos na magkalapit para bati-batiin mo ako nang ganito," I surly remarked. "Hay, naku… Ikaw na matanda ka. Napakamainitin talaga ng ulo mo. Kaunting kibo, galit na." Bumuntong siya ng hininga at umiling-iling. "Kaya 'di ko maisip kung paano ka nasikmura ng asawa mo. Akalain mo iyon, tumagal siya ng napakaraming taon sa isang sumpungin na matandang katulad mo? Haist… May she rest in peace." Tumingin pa siya sa langit. I simply ignored her. Inisip ko na lang na isa siyang maruming hangin na dumaan lang nang saglit. "Anyway, pumunta ako rito para," napansin ko na may kinuha siyang bagay sa kaniyang gilid, "ibigay ito sa iyo." Sabay abot ng isang kapirasong papel sa akin. "What is that?" "Malalaman mo rin kapag kinuha mo. I'm sure, 'di mo ito pagsisisihan," she joyfully answered. I just stared at her and contemplated whether I should take it or not. "Naku naman oh-oh! Tanggapin mo na!" She aggressively took my arm and forcefully opened it. And then, nang mabuksan na niya ito, inilagay niya ang papel sa akin at tinapik-tapik pa ang kamay ko. "Ingatan mo iyan. Pinaghirapan din gawin iyan ng apo ko. Nahiya lang siyang ibigay iyan sa iyo dahil– alam mo naman, idol ka niya." And because of what this old lady said, I immediately looked at it. Napaubo ako at tinago ang kasiyahan ko nang makita ang iginuhit na bahay ng kaniyang apo. Ayoko namang ipakita sa matandang ito ang tunay kong nararamdaman. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin. Tinitiyak ko na aasarin niya ako hangga't nandito pa ako sa hospital. "P'wede na rin. May mga part lang na dapat ayusin, tulad na lang nito sa parteng ito. Masyadong unstable ang haligi, tapos– ano itong bilog-bilog na ito? Are these… turbine blades? Bakit may ganito sa ilalim ng bahay? Is he planning to turn the house into a submarine? Or perhaps… may balak siyang paliparin ito? Although, imposibleng mangyari– since bata pa siya, iko-consider ko siyang matalino at creative kid sa edad niya." "Haist! Ang dami pang sinabi. Aminin mo na lang kasi na nasiyahan ka at may humahanga pa sa iyo kahit malapit ka na lamunin ng lupa… Ewan ko ba sa apo ko. Sa dinami-dami pang maging gusto niya, pagiging architect pa ang napili niya… Kasalanan mo kasi ito. Kung 'di ka nagpakitang gilas sa kaniya, baka may sumunod na sa aking yapak." Ang lalim ng pagkabuntong niya ng hininga. Halatang disappointed siya sa nangyari. "Siya na nga lang ang pag-asa ko na maging isang pintor sa pamilya, kinuha mo pa." "Ba't mo sa akin sinisisi iyan? This is also your fault kaya nagbago ang isip niya. Ikaw kasi– pinipilit mong maging katulad mo siya. Porque nakitaan mo lang siyang marunong magpinta sa mura niyang edad, ikaw naman, pinilit mo na siyang maging pintor… And besides, what's wrong for being an architect? Parang dating sa iyo, masama ang maging architect… 'Di hamak naman na mas maraming nagtatagumpay sa propesyon ko kumpara sa iyo." "Aba-aba-aba…! Naghahamon ka ba ng away?" "Hmph! Are you referring to yourself? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nanguna." Bago kami muli mag-away, may narinig kaming mga boses na unti-unti namang lumalakas. Sabay kami tumingin kung saan iyon nagmula at nakita ang mga anak, asawa ng mga anak niya, at mga apo na papalapit sa kaniya. Nang dahil sa kanila, ang matanda na ito na kanina lamang ay paika-ika kung maglakad ay bigla na lang naging tuwid ang kaniyang tayo at halos patakbo na niya sinalubungan ang kaniyang pamilya. Bakas sa kanila na mahal na mahal nila si Ms. Gonzales nang dahil na rin sa palagian nilang pagdalaw sa kaniya rito sa hospital. "Ako kaya? Kailan kaya ako dadalawin ng mga anak at apo ko?" isip ko na agad din akong umiling. Malabo na kasing mangyari iyon. Alam kong hindi na nilang gugustuhing dalawin pa ang ama nilang naging malamig ang pagtrato sa kanila sa buong buhay nila. Besides, I can't blame them since, even with their mother, I seem to have treated her as a business partner rather than a wife. Hindi ko man lamang pinaramdam sa kanila ang pagmamahal ng isang ama at asawa na nararapat lang sa kanila. Pero paano ko nga ito gagawin kung hindi ko na rin matandaan kung paano magmahal? That time, nagdesisyon na akong bumalik sa silid ko. Ayoko naman na istorbohin pa ang kanilang reunion at ayoko rin silang makita—mas lalo lang bibigat ang damdamin ko. I can't help but feel lonely and envious whenever I see them happy. June 7, ang araw na kung kailan ang huli kong kita kay Isabella at sa hindi inaasahang oras at panahon, ang muli kong pagkikita sa kaniya. "Ziglar? Ziglar Valencia?" Isang pamilyar na boses at tono ng pananalita ang aking narinig. As I walked down the hall, pabalik sa aking kuwarto, narinig ko ang aking pangalan mula sa isang anghel na matagal ko na ring hindi nasisilayan. Akin siyang nilingunan at nakita siya sa isang silid na nadaanan ko. Nakasandal siya sa kaniyang kama. "Tama nga ako. Ikaw iyan, Ziglar." When she said my name again, she smiled big and warmly at me, making my heart happy and at ease. And after I saw her, all of the memories I wanted to forget—the happy days we spent together—came flooding back to me. "Isabella…" Kasabay nito ang agaran kong pagpasok sa kaniyang silid. Huminto naman ako sa pintuan. "Can I come in?" nahihiya kong tanong. Siya ay tumawa nang mahinhin at sumang-ayon sa akin. Her response pleased me greatly. I eventually sat next to her bed and greeted her. Naging masaya at komportable ang aming kuwentuhan na sa tagal ng aming pag-uusap, hindi na namin namalayan ang oras. At sa pag-uusap na iyon, nasabi namin ang aming buhay pagkatapos ng aming paghihiwalay. Ako ay nasiyahan sa naging maganda at masaya niyang buhay sa naging pamilya niya. Nalaman ko rin na because of her late husband, Nigel Dela Perez, lubusan na naghilom ang kaniyang mga sugat. Even though they were only together for a few years before God took him away, she genuinely loved and thanked him. And now that we've met again, she's had the courage to talk to me all thanks to Nigel. Ginamit ko naman ang pagkakataon ito upang humingi ng dispensa sa lahat ng kamaliang ginawa ko at tunay na nagsisisi. Sinabi ko rin sa kaniya ang naging tugon ko sa liham na iniwan niya. Nagtapat din ako sa kaniya sa tunay kong nararamdaman habang kami ay nagsasama pa na magpa-hanggang ngayon, siya pa rin ang sinisigaw ng aking puso. "Z-Ziglar… T-Totoo ba iyan?" Kahit hindi ko nasilayan ang kaniyang mukha gawa ng ako ay nakayuko, ramdam ko ang lungkot at panghihina sa kaniyang boses. Akin siyang tinanguan bilang tugon at napakapit nang mahigpit sa aking damit. At this time, I felt nervous that she might not accept my apology and what she would say next. Hindi rin nagtagal, I felt a warm touch on my cheek. Agad ko tinaas ang aking noo upang tingnan siya. Maya-maya pa ay pinunasan niya ang aking mga luha at aakmang babangon. Nataranta naman ako sa kaniyang ginawa at mabilis na tumayo. Nang dahil sa biglaan kong pagtayo, sumakit bigla ang aking likuran. "Iyan kasi… Ba't ka ba kasi biglang tumayo? Alam mo naman na mahina ka na," natatawa niyang usap habang inaalalayan niya akong umupo sa kama. "P-Pasensiya ka na… G-G-Gusto lang kitang… argh… t-tulungan…" Napaka-wrong-timing nitong likuran ko! Bakit ngayon pa kasi itong umarte? Sinadya yata nito para mapahiya ako kay Isabella. Kainis talaga! Halos mabali na ang likod ko sa sobrang sakit! Mabuti na lang at nandito si Isabella—kahit papa'no, nabawasan nang kaunti ang sakit. "Ano ka ba, Ziglar? Hindi na tayo mga bata pa. Siguro noon, kaya mo pa akong alalayan, pero ngayon… mukhang ikaw pa ang may kailangan ng tulong ko." She eventually giggled. And after I sat on the edge of her bed, I felt as if she sat next to me. Kasunod niyon, siya ay sumandal sa aking balikat at huminga nang maluwag. Halos hindi ako nakahinga nang maayos sa biglaan niyang pag-atake sa akin. Tumagal din ng ilang segundo bago ako nagkaroon ng lakas para alukin siya. Isang alok na magpapabago sa malungkot kong buhay na sana, ganoon din sa aking mahal. "Isabella… alam kong… sobrang tagal na ng huli nating pagkikita at saglit lang tayo nagkasama. Pero… sa maiksing panahon na iyon, I am very grateful that I was given the opportunity to meet and be with you." Sa aking pagsasalita, naramdaman ko na naman ang panghihina sa aking mga salita—gusto ko nang bumigay. "Isabella Trinidad Dela Perez, kung ang matanda na nasa harapan mo ngayon ay humingi ng pahintulot na iparanas sa iyo ang pagmamahal niya, tatanggapin mo ba? Kung tatanggapin mo ang alok na ito, tatanawin ko itong utang na loob sa iyo. I promise you na mamahalin at aalagaan kita habang buhay higit pa sa iniisip mo. At kung kabaliktaran naman ang ibinigay mong sagot, pinapangako ko sa aking sarili at sa Panginoon na hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang matamis mong oo. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo rin ako kahit… kahit suyuin kita araw-araw– kung gusto mo pa ay minu-minuto pa, gagawin ko, para lang makasama ulit kita," seryoso kong usap. "Ziglar, ang totoo niyan… pareho tayo ng nararamdaman." Anong ibig niyang sabihin? Nang dahil sa sinabi niya, napalunok ako at biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba at excite sa maaari niyang sasabihin sa akin. "Sa katunayan niyan, kahit masaya ako sa piling ng bago kong pamilya, nakaramdam din ako ng sakit at lungkot. Ako ay nasaktan sapagkat, ang taong gusto kong makasama ay wala sa aking tabi." Malambot siyang tumingin sa akin at napansin ko ang pamumuo ng mga luha niya sa mga magaganda niyang mata. "Nakakahiya mang aminin, lalo na sa aking asawa, ngunit… sa mga araw na kami ay magkasama, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso't isipan ko." This time, nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya. "May mga tanong din na pumasok sa aking isipan sa mga lumipas na taon: Paano kung… hindi kita iniwan—hindi ako tumakas at naduwag? Pa'no kung, nabuhay ang anak natin—naging malakas na ina at asawa ako sa inyo? At paano kung… kung sa ibang oras at panahon tayo nagkita na kung saan, ang pagkikita natin ay hindi mo maituturing na isang kamalian? Ano kaya ang kahihinatnan nating dalawa? May pagbabago pa rin ba sa ating buhay o katulad din ng nangyari sa atin ngayon? Pero… alam mo ba? Sa lahat ng mga bagay na gusto kong baguhin sa ating nakaraan, ang tanging ayaw ko lang na hindi mangyari ay hindi kita nakilala, Ziglar—hindi ko nakilala ang lalaking lubos kong minahal." "Isabella…" is the only thing that I said this time. I'm so speechless right now about her confession. "Ziglar, I'm sorry kung… kung ngayon lang ako nagtapat sa iyo. Naduwag din ako. Hindi ko kasi– hindi ko alam kung tatanggapin mo ba ang pagmamahal ko sa oras na umamin ako o hindi. Masyado kasi ako natakot sa posibilidad na hindi mo akong tanggapin. Kung kaya, para hindi ako masaktan nang lubusan… tumakas ako. I'm sorry… I'm so sorry," iyak niya. "Kung alam ko lang na mahal mo rin ako, hindi sana kita iniwan. Hindi sana kita hinayaang magdusa sa maraming taon. Sorry talaga, Ziglar. Sana… mapatawad mo ako." "No, Isabella. Huwag kang mag-sorry sa akin. I should be the one who apologizes to you. I'm the one to blame, Isabella. Please… huwag ka na umiyak." I started to cry as well when I saw her tears, which truly made my heart ache. "Isabella, listen to me: hindi mo ito kasalanan. Wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi rin kita sinisi sa pagkamatay ng anak natin. Wala ang may gusto sa nangyari, aksidente lang iyon. Ang tanging kamalian ng nagawa mo ay nagmahal ka ng isang gagong katulad ko. Iyon lang, wala ng iba." Upang mapakalma siya, pinaliguan ko siya ng halik sa kaniyang pisngi, kasama na rin ang mga luha niya, na may pagmamahal. "At isa pa, wala rin akong pake kung hindi tayo magkaroon ng anak. Hindi naman ang anak ang habol ko sa iyo, Isabella, kun'di ang pagmamahal mo. Ikaw lang ang gusto ko sa mundo, wala ng iba," masaya kong usap at saka ko tinuloy ang paghalik ko sa kaniya. And it seems na gumana nga ang ginawa ko. Hindi rin nagtagal ay huminto na rin siya sa pag-iyak, sunod siyang tumawa nang mahina at hinaplos ang pisngi ko. "Thank you, Ziglar," she whispered. I shook my head. "No. Thank you, Isabella. Thank you for taking care of me and teaching me how to love someone—to love you. Thank you so much for giving me another chance to love you... I love you, my Isabella. I love you so much and I swear I will never hurt you again. I will make you feel the love you've shown me. Just give me a chance to express my love for you– will you?" I sobbed as I caressed her hand on my cheek. "Oo naman, Mr. Ziglar Valencia. Payag akong makasama ka habang buhay." Because of the second chance Isabella gave me, and the second chance the Lord gave us, muli kami nagsama. Ang mga panahon na ipinagdamot sa amin noon ay unti-unti na naming nababawi. Tunay naming sinusulit ang mga araw na meron kami at sa panahong lumipas, the painful and bitter memories of our past have almost vanished from our minds. All of that has been replaced by happy and lovely memories that we created and are certain we will never forget, even if we are no longer in this world. ~THE END~ •••••••• Hi! This is your author, FranxxG. Thank you po sa pagsuporta sa kauna-unahang short story ko sa Dreame. Sana nagustuhan niyo po. At sana rin po sa susunod kong mga akda, patuloy pa rin po ninyo akong suportahan. Patuloy din po akong gagawa ng ganitong short stories na tinitiyak kong hindi niyo pagsisisihang basahin ang mga ito. Stay tuned!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD