DAHIL sa pagod ko kagabi nakatulog ako agad matapos kong mag linis ng katawan. Maaga akong nagising ngaun dahil maaga ang pasok ko at katulad ng dati na kapag nandito si Owen siya ang nag luluto sa umaga hindi yung katulong na kasama ko.
"Morning, here kumain ka muna bago pumasok" tumango ako at naupo na sa upuan ko. I saw the loptop sa mesa mukhang nag wowork siya habang nag luluto.
Si Owen narin ang nag handa ng pag kain ang ginawa ko lang is kumain, nakalimutan kona yung kakahiyan ko kagabi na pang hihingi sa kaniya ng pera pang bigay kay papa.
"Nag send na ako ng money sa papa mo, Kaya ngaun mag focus kana sa school mo" tumango ako habang kumakain.
Matapos kong kumain bumalik na ako sa kuwarto para mag ayo, naligo na ako at nag bihis saka bumaba pag baba ko I saw Owen na naka jacket na. Mukhang siya rin ang mag hahatid sa'kin.
"Owen kaya kona mag isa hindi mona ako kailangan pang ihatid" pigil ko sa kaniya. Nakatutok si Owen sa phone niya pero binaba rin niya ito at tumingin sa'kin.
"May dadaanan ako at yung way ko saktong papuntang school mo. Kaya ako na ang mag hahatid sa'yo of course secret parin ang marriage natin" aniya, para akong natinik doon sa sinabi niya kasi feeling ko ang kapal ng mukha kona nag assume na ihahatid niya ako to day hindi si Finn.
Tama nga siya dadaan ng school yung lugar na pupuntahan niya kaya dinaan na niya ako, nag tatakbo ako papasok pag dating ng school kasi nakakahiya.
"Ayan tapos na tayo" nilapag ni Sara yung reaserch namin sa lamesa namin habang nag memeryenda kami. Siya nga pala mag kaklase lang kaming tatlo walang iwanan since junior high.
Kaya medyo guilty ako dahil nag tatago ako ng secreto sa kanila, ang kaso baka kasi magalit si Owen kapag sinabi ko sa kanila at saka baka layuan nila ako kapag nalaman nilang isang mafia boss ang asawa ko.
"Finally makakapag bakasyon na tayo kapag pinasa nanatin ito ngaun" ani ni Josh. Nag cocomplete nalang kasi kami ng ibang subject at yung research ang nahuli. Ang hirap kayang gawin ang isang ito.
"Ang suwerte naman ng mga pabigat nating classmate at wala silang ginawa" ani ni Sara.
"Hayaan mona ang mahalaga lahat tayo uusad sa 4rth year walang maiiwan" ani ko.
"Sana nag pabigat nalang rin ako" nakangusong sabi ni Sara.
Matapos naming mag meryenda nag tungo na kami sa faculty at pinasa yung research, at sa awa ng diyos tinanggap yung amin need nalang namin ipabook bind kaya naman lumabas kami ng school para asikasuhin ito walang paligoy ligoy pa.
"Singilin natin sila ng tig one hundred" ani si Sara nag chat si Josh sa group chat namin na mag babayad ng one hundred. Maya maya nag replay ang mga kasama namin na ang mahal daw.
"Ang laki rin kasi ng isang daan, Sara" ani ko, tumingin sa'kin si Sara.
"Papasa sila ng dahil sa atin tapos isang daan lang hindi makabayad" nilabas ni Sara ang phone niya at nag send ng voice record sa group chat.
"Ang mag babayad masasama sa lista at hindi mag babayad hanap kayo ng bagong ka grupo. Ang kapal niyo naman papasa kayo ng walang ambag tapos isang daan lang hindi makabayad!"
Parehaa kaming nanahimik ni Josh. Si Sara ang kumausap doon sa nag bobok bind. Natakot naman yung mga kasama namin sa research kaya sabi mamaya mag babayad.
"Balikan natin mamaya medyo matatagalan tara muna sa SM" yaya ni Sara.
"Tamang tama mainit tara mag palamig" ani ni Josh. Nagugutom ako ulit kaya bibili ako ng jollibee.
Malapit lang ang SM dito sa school namin kaya nilalakad lang ng mga studyante na gustong pumunta, tumawa si Sara dahil nag send na sa gcash niya yung mga kasama namin sa group.
Mukhang tiba tiba nanaman ang babae na ito.
"Libre ka ng jollibee" kalabit ko kay Sara.
"Gutom ka ulit? sabagay may bulate ka pala sa toyan sige na libre kona kayo"
"Hoy, diba pang bayad ng book bind iyan" ani ni Josh. Pumasok na kami sa SM chineck pa yung bag namin at pag pasok namin heaven kasi ang lamig.
"Josh bayad na yung book bind, kung ayaw mo ng libre madali akong kausap" natawa ako sa sinabi ni Sara. Napakamot nalang sa ulo si Josh.
I have 1k here kaya makakabili ako ng gusto kong bilhin ngaun at walang pipigil sa'kin. First time luho.
Nag saya kaming tatlo dito sa SM this time hindi lang pag kain ang nagawa ko nakabili pa ako ng bagong damit at libro na babasahin ko kapag wala nang pasok.
Hindi ako sure kung pag babawalan ako ni Owen mag trabaho pero kasi wala naman siyang sinabi na bawal.
"Sara mag wowork ka this bakasyon?" tanong ko.
"Oo try ko mag apply sa fast food chain" sumimangot ako. Try ko kayang sumama baka makahanap rin ako ang kaso hindi pa ako aag papaalam kay Owen.
"Tara tatlo tayo samay Mcdo doon sa kabilang kanto" suggest ni Josh.
"Basta mag kakasama tayo sa shif at mag dala ka ng sasakyan" ani ni Sara.
Natawa ako dahil nag bangayan nanaman ang dalawa. Matapos namin sa mall binalikan nanamin yung book tapos na ang kaso hapon na kaya bukas namin mapapasa.
Si Finn ang sundo at pag dating ko sa bahay nandito nasi Owen and that's why I told him na gusto kong mag work.
Ang kaso...
"No"
"Bakit naman sayang two months rin iyon" busy siya sa lotop habang kausap ako.
"We're going to my parents house, gusto ka nilang makilala and mag sstay tayo doon for two months" Bumuga ako ng hangin at ngumuso.
No work.
"Fine" sabagay kailangan koring makilala ang mga magulang niya since asawa na niya ako, ano kayang klaseng magulang ang meron si Owen.
Mayaman sila kaya malamang masungit yung mama niya, kailangan kong maging magalang at wag mag kakamali. Sure rin ako na magiging taga hugas ako at taga linis doon ng dalawang buwan.
Ganon naman diba kapag mayaman, kapag hindi nila tanggap ang asawa ng kanilang anak. Ang ending inaalila nila.
"What are you thingking?" kumurap ako at tumingin kay Owen.
"Work" pag sisingungaling ko. Syempre hindi ko sasabihin sa'yo na about sa magulang mo yung iniisip ko baka mamaya sabihin mo masiya akong judgemental.
"Bakit kailangan mopang mag work? I told you mag focus ka sa school" alam niyo na 28years old lang ang lalaki na ito at ako naman 22years old.
Pero medyo isip bata ako minsan at siya always matured mag isip.
"I know pero kasi nakakabili na ako ng luho ko ngaun kaya masaya ako unlike before" napatingin sa'kin si Owen.
"You want shopping? dapat sinabi mo ng binigyan kita"
"No.. no. Owen, gusto kong pag hirapan yung pang luho ko kaya sana hayaan mona ako sa isang ito please" please pumayag ka, ayukong gamitin ang pera mo pang luho nakakaguilty kasi baka mamaya galing trabahong sindikato iyan tapos gagastosin ko. No!
"Fine, pero hindi ngaun dahil aalis tayo. Maybe next time" ngumiti ako at saka tumango.
Thank god at pumayag ang kumag.
Tamang tama magagamit ko agad yung damit na binili ko kahapon papunta sa bahay nila, at yung ibang damit ko pang bahay nalang syempre magiging taga linis lang ako doon kaya dapat pang bahay nalang dalhin ko.
Sino kaya ang kamukha ng lalaki na ito yung mama niya at papa niya.
"After ng school mo mag handa kana para makaalis tayo agad" ani Owen.
"Two weeks pa bago matapos pero kung mapapas nanamin bukas yung research puwede na kaming hindi pumasok at next pasukan na ulit ang pag kikita kita namin" paliwanag ko. Nag lapag ng pancake si ate Lyn sa mesa siya yung kasambahay kong kasama.
Agad naman akong natakam kaya kumuha ako agad at kumain.
"Good then mamimili tayo ng mga damit mo" kumurap ako habang ngumunguya. Nilunok ko muna ito at nag salita.
"Bakit naman marami naman akong damit diyan at saka dalawang buwan lang naman tayo" ani ko at kumagat ulit ng pancake.
"Right. At saka baka pala ipag shopping karin nila kaya sure ako na marami kang gamit na maiiuwi" aniya. Hindi ko siya gets kumain nalang ako since busy siya.
********