CHAPTER #1.

1358 Words
MATAPOS ang klase may gagawin pa akong reasecrh stress na stress ako dahil nung isang araw pa nangungulit si papa sa'kin. Isang buwan na simula nung ikasal kami ni Owen, hindi kami madalas mag sama ni Owen minsan uuwi lamang siya kapag gusto niya. At isang bagay pa ang natuklasan ko isa rin pala siyang sikat na businessman at talaga namang mayaman, syempre bukod pa yung dark business niya. Mafia.. "Autumn plan B, kapag hindi ko naipasa ito mag aasawa nalang ako ng mayaman" ani ni Sara ang kaibigan ko. Maski siya walang alam na kasal na ako. "Walang mayaman na papatol sa'yo kaya mag aral ka ng maayos" si Josh isa kapang kaibigan. "Josh, kapag ako yumaman ikaw ang unang tao na kakalimutan ko" "Parang mang yayari iyan" ani ni Josh at nag asaran na yung dalawa. Sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay nila tapos dagdag pa si papa. Nang hihingi siya ng pera ang malala pa malaking pera ang kaniyang hinihingi. Saan naman ako kukuha ng 50thousand? May pera nga ako binigay ni Owen pero pang school ko daw iyon dahil sinabi ko kay Owen na gusto kong makatapos buti nga pumayag siya at saka tatlong araw na simula nung huling umuwi si Owen sa bahay kaya hindi korin siya makausap. "Siya nga pala saan kayo mag o-ojt?" tanong ni Josh. "Hoy, matagal iyan next pasukan pa iyan. Pero malapit narin kasi march na" ani ni Sara. Malapit na graduation it means next pasukan 4year college na kami at mag sisimula narin kaming mag Ojt. Well may company naman sila Josh pero siya mismo ayaw mag ojt doon dahil aasarin lang daw siya ng mama at ate niya. "Siya nga pala Autumn si aleng Rita nag hahanap ng part timer kasi mamaya daw may party na gaganapin sa restaurant niya baka gusto mo sumama sayang rin?" agad na kuminang ang aking mata dahil trabaho iyon it means pera. Ang kaso kasi susunduin ako ni Finn. Yung taga hatid sundo ko na inassign ni Owen. Well papayag naman siguro iyon kapag sinabi kong group project sandili. "Sige sama ako" "Ako rin" "Wag kana Josh mayaman kana" "Palagi naman akong nasama sa inyo ah" Hindi ko alam kung alam ni Owen na nag tatrabaho ako dati habang nag aaral, pero kasi wala namang siyang pinag babawal sa'kin kaya siguro puwede ko namang ituloy iyon ngaun. Hindi porke mayaman ang asawa ko mag ssty nalang ako sa bahay, hindi puwede. Mayaman si Owen at kahit sinong babae gustohin niya makukuha niya. At puwede na niya akong itapon balang araw kapag nag sawa na siya sa'kin kaya habang maaga dapat mag ipon na ako at saka bago niya ako bitawan e, naka graduate na ako. Kagaya ng inaasahan dumating si Finn. "Finn" kumatok ako sa pinto na siya niya namang binaba. "Mamaya na ako uuwi may group project kami e, at saka bukas na kasi pasahan kaya kailangan naming tapusin ngaun" pag sisinungaling ko. "Sige, text mo nalang ako mamay kapag tapos kana" tumango ako sa sinabi ni Finn. At saka na ako bumalik sa loob ng school nakita ko yung dalawa na nag lalakad palabas kaya hinintay kona sila. "Ang tagal niyo" ani ko sa dalawa. "Ito kasing si Josh parang babae" "Kasalanan kopa na tinulungan kang mag linis kasi iniwan ka mag isa sa room niyo" nakangiti ako habang pinanood yung dalawa na nag tatalo. Nung nag sawa na sila umalis narin kami at buti nalang wala nasi Finn kasi baka mamaya sundan niya ako pero safe naman. Nag jeep kami papunta sa restaurant ni Aleng Rita at pag dating namin busy na yung mga stuff. "Akala ko hindi na kayo dadating halina kayo" nag palit mona kaming tatlo sa locker room at pag tapos noon lumabas na kami para tumulong at saka ko naalala. Hindi ako nakapag text kay Owen. Bilin niya sa'kin na kapag malalate ako mag tetxt ako sa kaniya. Iyon lang ang nag iisa niyang bilin nakalimutan kopa. Nag focus nalang ako sa pag hahanda, isang malaking party kasi magaganap birthday party. 8pm nag simula yung party at nandito parin kami syempre part timer. Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos medyo pagod narin kaming tatlo kasi galing pa kami ng school pero kailangan namin mag mukhang hindi pagod dahil kailangan. Inabot kami ng 10pm. "Wag na kayong tumulong diyan sila na ang bahala ito yung bayad niyo, Salamat sa tulong" inabutan kami ng tig iisang envelope. At nag tatalon kami sa saya. "Autumn bili tayo ng books bukas" masayang sabi ni Sara. Hindi school books iyon mundi romance books, fiction. "Sige ba, Salamata po" nag pasalamat na kami at nag bihis, matapos naming mag bihis nag paalam na kami sa mga stuff doon kasi sila natutulog sa second floor ng restaurant kaya kahit abutin sila doon ng umaga okey lang. Kami kasi hindi. "Guys mag kakaibang jeep ang sasakyan natin" ani ni Josh. "Hindi ka susunduin?" tanong ni Sara. "Tulog nadaw si Mom, at si ate busy pa walang mag susundo kaya jeep nalang ako" tumingin ako sa gilid ko at nagulat ako ng makita ang kotseng itim sa di kalayuan at nakatayo si Owen sa tabi nito. "Um.. guys... una na ako pagod narin kasi ako.. dito na way ko" turo ko sa kanan ko. "Sige iyan narin yung jeep na sasakyan ko, sabay kana Josh" hinila ni Sara si Josh. "Mapapalayo ako" reklamo ni Josh. "Shunga oh, dadaan iyan doon sakayan papunta sa inyo" ani Sara. Nag paalam na yung dalawa at ako rin lumapit na sa asawa ko, nakaramdam tuloy ako ng takot kasi what if galit siya? hindi pa naman ako nag text sa kaniya. Ni hindi konga rin chineck yung phone ko. "Done?" tanong nito nung nakalapit na ako. Tumango ako at hindi nag salita, binuksan ni Owen ang pinto ng passenger seat kaya pumasok na ako. Pag pasok ako umikot ito sa driver seat at pumasok na. Pag pasok umalis narin kami, pagod ako pero mukhang dahil sa takot ko mawawala nag pagod ko. "Akala ko babalikan ako ni Finn, itetxt ko lang siya" ani ko. "Pinag pahinga kona si Finn kaya ako na any sumundo sa'yo" aniya. Tumango ako at saka tumingin nalang sa daan. "You lied, Autumn" bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. "Sorry" "I told you to text me kapag malalate ka" tumango ako at hindi na nag salita. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "Mag kano yung binayad sa inyo?" tanong ni Owen, napatingin ako kay Owen dahil sa tuno niya ay parang curious siya. "1,000. Tumulong lang naman kami" sagot ko. "hmm... did you enjoy?" tanong nito. And for some reason unti unting nawala ang kaba at takot ko. "Yeah, kasi after ng pagod may pera na matatanggap kaya worth it rin" sagot ko. Pinag siklop ko ang aking dalawang palad. "Anong gagawin mo diyan sa pera na kinita mo, dahil ang pag kakaalala ko i give you a money for school" napalunok ako doon. Puwede kobang sabihin na para sa luho ko since may money ako pang school e, itong kita ko naman is for luho. First time kong bibili ng luho... "Umm... many things" sagot ko nalang at nanahimik. Wait, ito na ang chance ko para sabihin yung kay papa. "Um, Owen" "Hmmm?" "Si papa kasi humihingi ng pera and malaki ito" nakakahiya, pero kailangan kesa naman mabaliw ako sa stress kay papa. "I already give him last week, ubos na agad?" tumingin ako kay Owen at tumango. Bumuga ng hangin si Owen. "Fine" aniya. Madiin akong pumikit dahil sa kakahiyan. Syempre kahit na asawa ko siya nakakahiya. Medyo hinihila na ako ng antok buti nalang nakarating na kami bago ako tuluyang makatulog. "Hungry?" tanong ni Owen, umiling ako. "Kumain na kami sa party" tumango si Owen at saka na kami bumaba, nagulat ako ng kunin ni Owen ang dala kong gamit at saka na pumasok sa loob. Bumuga ako ng hangin. Wala naman siyang ginagawang masama sa'kin pero kasi hindi ko maiwasang matakot. Hindi siya galit sa'kin ngaun tinanong pa niya ako kung ang enjoy ako. At saka hindi siya mukhang galit. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD