CHAPTER 33

1758 Words

Maagang natapos ang trabaho ko at wala na rin akong meeting kaya nagpaalam na ako kay Ashlyn na uuwi. "Ingat, Miss Ky!" Masigla niyang sabi at kumaway pa gamit ang dalawa niyang kamay. Tumawa ako at kumaway din sa kanya bago ako pumasok sa sasakyan. Umalis na ako sa parking lot at tinahak ang daan pauwi nang bigla na lang nag vibrate ang cellphone ko. Huminto ako sandali para basahin ang message na galing kay Kristian. Pangalan pa lang niya ang nakita ko, napairap na agad ako. Alam ko na kasi kung anong itetext niya. Ate alam kong pauwi k n bilhan m nmn ako ng bondpaper at lapis bayaran kita paguwi. Alam m n kung anong shade wg kng magksksmsli Sabi ko nga may kailangan, e. Tinamad nanaman ata siyang lumabas ng bahay at pati sa text ay tinatamad rin siyang ayosin ang pinagsasabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD