CHAPTER 01
“Good day, Class! See you on Monday and don't forget to bring your instruments.”
“Yes, Sir!”
Agad na nagsialisan ang mga kaklase ko sa classroom pagkatapos ng music class. Hinintay ko muna silang makaalis agad bago ako tumayo at naglakad palabas habang inaayos ang pagkakalagay ng gitara sa balikat ko. I’m too small for my guitar kaya nahihirapan akong magdala.
“Sasabay ka ba sa amin pauwi?” my friend Rochel asked nang makalabas ako ng music room. Hinihintay niya pala akong makalabas.
Yumakap ako sa kanya bago siya sinagot. “No na, Roch. Susunduin ako ni Daddy mamaya, e.”
Tumango siya at hinalikan ako sa pisnge. “Alright. Pupuntahan ko na lang si April sa Visual room. Sasabay daw siya sa amin,” aniya.
“Ingat kayo sa pag-uwi ah,” I said and bit my goodbye again before Rochel left at naiwan akong mag-isa sa labas ng music room.
Lumapit na lang ako sa bench at doon umupo para hintayin si Daddy na sunduin ako. Ayaw kong mag lakad-lakad dahil mapapagod lang ako sa pagbitbit ng gitara. Hindi rin naman ako puwedeng maghintay sa labas ng school dahil papagalitan ako ni Dad.
"Hi, Kyla!"
Napalingon ako sa boses na tumawag sa ’kin at napangiti ako nang makita si Eugene na papalapit.
"Hey," nahihiya kong bati pabalik.
My cheeks reddened when he sat next to me. Ang lawak pa ng ngiti niya na para bang sobrang saya niya na makita ako.
"Gumagaling ka na raw sa pag gigitara sabi ni Sir," aniya na ikinapula ng pisngi ko lalo.
Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko. "Hindi naman," I answered.
I heard Eugene chuckled and pinched my cheek. "Cute."
Ang lakas ng t***k ng puso ko. I can’t believe I’ll be reacting like this after he touched me. I’m mentally praying na sana hindi niya iyon rinig.
Eugene is my crush, obviously. Gwapo siya at marami ring nagkaka-crush sa kanya dahil mabait siya sa lahat. Classmate ko siya maliban sa music class dahil hindi naman siya mahilig sa instruments.
"Can you play for me next time? I really want to hear and see you play for me."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Does he mean that?
Excited akong tumango. "I will. Magpa-practice muna ako ng mabuti para hindi ako mapahiya sa ‘yo,” I jokingly said.
Umiling siya. “Nah. Kahit magkamali ka pa, ayos lang. I will still listen as long as you’re the one who’s playing.”
Hindi na ako nakasagot. I’m out of words to say kaya natawa siya nang mapansing bumubuka ang bibig ko pero walang lumalabas na salita.
“I’ll go no, Kyla. Ingat ka sa pag-uwi,” aniya at tumakbo na paalis.
Nang mawala siya sa paningin ko ay halos magtatalon ako sa kinauupuan ko. Good thing my phone beeped so I wasn’t able to do that embarrassing thing.
I saw a notification and open it. Message ‘yon galing sa group chat namin ng mga kaibigan ko saying that they got home na, ang iba naman ay pauwi pa lang.
"Ang tagal naman ni Daddy," nakanguso kong bulong.
I stood up and decided to walk while waiting. Hindi naman ako lalabas ng campus kaya siguro ayos lang. Titiisin ko na lang din kahit mabigat ang gitara na pasan ko.
Kumuha na rin ako ng pagkain sa maliit na bulsa ng case ng gitara ko at kumain habang naglalakad.
Nakarating ako sa playground ng school namin. Kaunti na lang ang naglalaro at puro First Year sila katulad ko. Nakuha ng atensyon ko ang basketball court. May grupo ng mga lalaki ang nag aagawan sa isang bola. Aalis na sana ako dahil mukhang naglalaro lang naman sila pero kumunot ang noo ko nang mapansing parang kinakawawa ang isang bata na nakikiagaw rin sa bola.
"Akin na kasi! Bola ko 'to! Binigay ‘to ni mommy sa ’kin, bakit ninyo inaagaw?!" sigaw noong lalaking maliit sa mga umaagaw ng bola niya kuno.
"Ang damot mo! Manghihiram lang kami!" sabat naman ng lalaking matangkad na nakikiagaw din.
Gezz. Nasaan ba ang guards ng school namin? If I know bawal ang nag aaway!
Pinagmasdan ko sila. Natigilan ako nang makita ang tag ng uniform nila. Lumapit pa ako lalo para makasiguradong tama ang nakikita ko at nga ako nagkakamali.
And I was right!
Base sa tag ng uniform nila sa dibdib, ang lalaking matangkad na nang-agaw ay Fourth Year na.
Bullying!
"Bakit ko naman ipapahiram, e, hindi naman ‘to sa inyo! This is mine!" sigaw ulit ng lalaking maliit na may-ari ng bola.
Kampe ako sa kanya. Kasi ‘di ba? May karapata naman talaga siyang tumanggi na ipahiram ang bola niya kasi kanya naman iyon. Hindi ba alam ng mga Fourth Years na ‘to ang salitang respect?!
"Aba sumasagot ka pa!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas ang kamao ng lalaking Fourth Year sa ere so I assume na susuntukin niya iyong batang may-ari ng bola.
Kusang gumalaw ang katawan ko dahil bigla ko nalang pinulot ang bato na katamtaman lang ang laki na nasa paanan ko at binato ang lalaking matangkad na mang-aagaw. Natamaan siya sa balikat.
"Sino 'yon?!"
Then I realized what I just did. Bigla akong kinabahan.
Oh my gosh! Baka ako na naman ang awayin! My gosh, Kyla! What the gezz did you do? Ngayon ikaw na naman ang pupuntiryahin ng mga 'yan! Stupid!
Kinurot ko pa ang sarili ko sa katangahan na ginawa ko.
"'Yong bata!" Tinuro ako ng isa pang lalaki na kasama ni mang-aagaw kaya napatingin silang lahat sa ’kin.
Did he just call me bata? Hello, dalaga na kaya ako!
Ngayon nakatingin na sa akin ang apat na fouth year at ang maliit na lalaki na may-ari ng bola na siguro ay first year high school din katulad ko. He is so thin so I assume that we're in the same grade.
"Hoy! Bakit mo ginawa 'yon, ha?!" Agad na naglakad palapit sa akin ang lalaking matangkad na mukhang nagalit na sa ginawa ko.
Umaatras ako dahil baka bigla na lang niya akong hawakan at saktan. Nakapa-OA pa naman ni Mommy kapag nakita niya akong may sugat.
Pero bago pa ako mahawakan ng lalaking fourth year, humarang na sa harap ko ang lalaking maliit na may-ari ng bola.
"’Wag mo siyang saktan! ‘Wag niyo na siya isali!” aniya na parang pinoprotektahan ako. He even harang his arms as if binabakuran niya ako.
Napangiwi lang ako kasi napakaliit niya naman tapos poprotektahan niya ako? Mas malaki pa ang katawan ko sa kanya.
"Buwesit!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang hinila ng fourth year na lalaki ang batang may-ari ng bola at sinuntok ito.
Ilang sigundo akong hindi nakagalaw dahil sa gulat pero agad na bumalik ang kaba ko nang makitang dumugo ang ilong ng batang may-ari ng bola kaya naghanap ako ng paraan para matulungan siya.
Sakto rin dahil hindi nakisali sa gulo ang mga alagad ni fourth year guy. Naghanap ako ng bagay na puwede kong gawing pamalo pero wala akong nahanap.
"Ay!" Napatili ako ng sinuntok na naman ng fourth year 'yong batang may-ari ng bola. Wala naman siyang magagawa kasi ang liit niya. Gagalaw pa lang siya, nasa sahig na siya ulit.
Hindi na ako mapakali. Dahil sa kaba kusa na lang gumalaw ang kamay ko at kinuha ang gitara na nakasabit sa balikat ko at mabilis na lumapit sa lalaki at hinampas siya gamit ang gitara ko.
Nabitawan ko ang instrumento at agad na nilapitan ang batang may-ari ng bola na ngayon ay dumudugo na ang ilong.
"Let's go! Let's go! Get up!"
Tinulungan ko siyang tumayo at hinila ito palayo sa court. Hindi man lang ako nahirapan kasi ang gaan niya, literal.
Hinahabol na rin kami ng mga fourth years. Hindi ata malakas ang pagkakahampas ko sa lalaking 'yon dahil nakakatakbo na siya ngayon. 'Yon nga lang ay dumudugo na ang ulo niya.
"Bilisan mo naman! Maaabutan tayo nito pag lalampa-lampa ka!" sigaw ko sa lalaki na hawak ko at binilisan pa ang pagtakbo. Nagpasalamat ako nang makarating kami sa garden at nakapagtago sa likod ng malaking halaman.
Sabay kaming napaupo sa damuhan at parehong naghabol ng paghinga. Tahimik akong nagdadasal na sana hindi kami makita ng mga humabahol sa amin dahil nakakapagod nang tumakbo.
"Bakit ka pa kasi nangialam do'n kanina?" naiinis na tanong ng lalaking kasama ko.
Napanganga ako at napairap. "Wow. I expected you to say thank you."
Hays. Ano pa ba ang aasahan ko sa mundo? Expectations vs. Reality.
Inirapan lang din niya ako.
I can’t believe this boy! Hmp! Maldito!
"I-report natin sila. Fourth years na 'yong mga 'yon pero nasa playground sila ng mga first year. Bawal 'yon hindi ba?"
'Yon 'yong napansin ko kanina. Malaki ang school namin kaya may sariling play ground or court ang bawat grade level lalo na ang lower grades para daw maiwasan ang pambu-bully ng mga higher grades.
Maiiwasan? E, ano 'yung nangyari kanina? Gezz.
"’Wag ka nang magtangkang mag-report. Walang saysay lang 'yan," sagot niya at lumabas na sa pinagtataguan namin kaya sumunod na rin ako at tinignan ang paligid.
"Bakit naman? Binu-bully ka ng mga fourth year so dapat isumbong mo sila kasi first year ka pa lang," kumbensi ko. Why won't he listen to me? I am willing to go with him pa nga sa office pero ayaw niya?
Humarap siya sa 'kin na nakakunot ang noo. "What? Ako, first year?"
Tumaas ang kilay ko. "Yes, ikaw. First year ka pa ‘di ba? Halata naman sa height at sa kapayatan mo."
Bumuga siya ng hangin. "I'm not! Fourth year na ako!"
What?
"Ha?"
"I said fourth year na ako! Maliit lang saka payat pero fourth year na ako."
Seriously?!
"P-pero bakit nasa first year ground ka?" nauutal kong tanong. Hindi kasi kapani-paniwala na fourth year ang lalaking 'to. Pandak saka payat, e! Ang bagal pa tumakbo! Mas natangkad pa ako sa kanya at mas malaman. Puwede na siyang pumasa bilang kawayan.
"Naglalaro malamang. Wala namang papalag sa mga first year kapag walang teacher," aniya.
"You’re such a bad guy! E, bakit wala kang tag ng fourth year?" tanong ko ulit. Kasi dapat may tag siya para malaman kung anong grade na siya.
"Obviously kasi hindi ako naka uniform," aniya at umirap. Tsk! Umiirap na kawayan!
Tinignan ko ang damit niya. Plain white t-shirt lang. Aish! Stupid ka rin Kyla.
"Salamat na lang sa pag tulong."
Nag umpisa na siyang maglakad papalayo sa akin. Okay, fine. Ayaw niya ng tulong ko? Okay! As if I care. Tumulong lang naman ako. Nagsayang pa ako ng pawis para ilayo siya at----oh my gosh!
Ang gitara ko!
"Hala, patay.” Napakamot ako sa ulo ko at tinignan ulit ang lalaki na naglalakad palayo. “Sandali!" Hinabol ko ang payat na lalaki. Mabuti na lang at mabagal siyang maglakad kaya agad ko siyang naabutan.
"Bakit?"
"Ang gitara ko!"
"Ewan ko sa 'yo. Bakit mo sa 'kin hinahanap?" tamad niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo ko. "Hinampas ko do’n sa lalaki kanina. Baka nasira na 'yon."
"So what?"
Grr.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bayaran mo! Dahil sa 'yo kaya nasira ang gitara ko, e!"
"Kasalan ko bang nangialam ka sa away namin ni Danny?"
Oh, so kasalan ko pa? Tumulong ako remember? Walang utang na loob ang kawayan na 'to!
"Kasalan ko rin bang lalampa-lampa ka? Mabait lang ako kaya tinulungan kita." Inirapan ko siya.
Sumama ang mukha niya. "Hindi ako lampa."
Whatever, lampa.
"Psh. Pikon ka rin." Binelatan ko siya. Pipikonin ko siya lalo.
"Hindi ako lampa! Hindi rin ako pi--"
"Hoy!"
Sabay kaming napalingon sa boses na papalapit sa amin.
"Si Danny!"
"The fourth years!"
Agad na naghawakan ang kamay naming dalawa at agad na tumakbo pero nauuna pa rin ako.
"Ang bagal mo talaga! Para kang hindi lalaki!" sigaw ko sa kanya.
"Shut up!"
"Bayaran mo ang gitara ko!" sigaw ko habang tumatakbo kami pero nakatingin pa rin ako sa daan dahil baka may bato at madapa pa ako.
"Ayoko!"
Ayaw?
Huminto ako sa pagtakbo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Tinignan ko rin siya ng masama.
"Why did you stop?!" naiinis na tanong niya sa 'kin.
"Ipapahuli kita sa mga lalaking 'yon kapag hindi mo babayaran ang gitara ko. Susuntukin ka nila at uuwi kang maraming pasa ang katawan. Gusto mo 'yon?" banta ko.
Come on, matakot ka please! You have to pay for my guitar!
Napapikit siya sa inis. "f**k. Bakit kasi ang payat ko."
Nilingon ko ang mga humahabol sa amin at unti-unti na nila kaming naaabutan. Pati ako kinakabahan na rin kasi alam kong kasali na ako sa pinag-iinitan ng mga ‘yon.
"Ano na, Kuya? Babayaran mo ba ang gitara ko o ipapahuli kita?" diniinan ko pa ang salitang 'Kuya'.
Sandali niya akong tinitigan at inis na ginulo ang buhok niya na kanina pang magulo.
"Fine!" Hinila na niya ako patakbo kaya napangisi na lang ako.
Salamat naman at babayaran niya ang gitara kong nasira dahil ayaw ko nang manghingi ng pera kay Daddy.
"But don't call me Kuya again, okay?" he said. We are still running.
Napaisip sya. "Bakit naman? Mas matanda ka naman sa 'kin kaya Kuya dapat kita."
"Basta! ‘Wag mo akong tatawaging Kuya or else hindi ko babayaran ang gitara mo," aniya.
Wala naman akong nagawa kun’di ang sumang-ayon. Simple lang naman ang pinapagawa niya kaya go na lang.
"E, ano ang itatawag ko sa ‘yo? Kyla ang pangalan ko, ikaw?”
"West,” he answered. “West South Martin."
"That's weird! Saan galing ang pangalan mo?"
"Don't ask me, okay? Just keep running!"
I chuckled. "Okay, Kuya!"
Sinamaan ako ng tingin ni West kaya malakas na lang akong napatawa at mas binilisan na lang namin ang pag takbo.
Syempre ako ang humila sa kanya. Ano pa bang aasahan ko sa lampang 'to?
---
"Anak! Nandito si West!" sigaw ng Daddy mula sa loob ng bahay.
Agad-agad akong bumaba sa tree house na nasa garden ng bahay namin at mabilis na tumakbo papunta sa sala.
"Payat!" tili ko at niyakap ng mahigpit si West.
Narinig ko agad ang mahina niyang pagreklamo nang marinig ang tawag ko sa kanya. “Stop it, Bee. Hindi na ako payat!" sagot niya pero yumakap rin naman sa akin pabalik.
"Pikon ka talaga, Boo," natatawang sabi ko at ginulo ang buhok niya kahit matangkad siya at hindi ko masyadong abot ang ulo niya.
Ilang taon na rin ang lumipas nang makilala at naging kaibigan ko si West. We're best friends now actually. Akala ko kapag binayaran na niya ang gitara ko noon ay hindi na kami mag-uusap pa pero palagi na lang kaming nagkikita sa mga party na pinupuntahan ng pamilya namin. At kapag nagkikita kami ay lagi ko siyang tinutukso.
It happened that my parents and his parents are friend’s kaya naging magkaibigan na rin kami.
"So, how are you?" I asked.
Kita ko ang pag ngiwi niya sa tanong ko. Ibig sabihin ay hindi maganda ang bakasyon niya sa ibang bansa.
"Hindi na ako babalik do’n. T*nginang East," mura niya sa kakambal niya. Yes, may kakambal siya na katulad niya rin ay weird ang pangalan.
I chuckled. "Pikon ka kasi kaya tuwang-tuwa si East na asarin ka."
East and West have the same face but not the personality. Mapang-asar si East at pikon naman si West.
"Tss. Sinong hindi mapipikon pag inagaw sa 'yo ang bago mong girlfriend?"
Napailing ako. "Babae na naman. Noong isang buwan sasakyan ang inagaw niya mula sa ’yo tapos ngayon babae."
"'Yon na nga, Bee. Hindi talaga ako napipikon, nagagalit ako. I like that girl."
Nagulat ako sa sinabi niya. "G-gusto mo?"
He nodded with a sad smile on his face. "Yeah. Pero parang mas gusto niya si East so, I back off."
"Baka naman hindi siya gusto ni East. He's a playboy, kaya nga ayaw na ayaw ko talaga siyang nakikita. Tapos lagi pa siyang nakangisi, parang may hindi magandang binabalak." Umirap ako. Sa tuwing naaalala ko talaga ang kambal ng kaibigan ko hindi ko mapigilang mainis.
"Gano’n talaga si East. Ewan ko nga kung kanino siya nag-mana, e," aniya at tumingin sa akin "How about you? Kamusta ka?"
"Ang saya ko ngayong bakasyon. Nag ro-roadtrip sa kusina, dadaan sa sala tapos uuwi sa kwarto," sagot ko na agad naman niyang ikinatawa. Gumagalaw tuloy ang mga muscles niya.
Ang laki na talaga ng pinagbago ni West ngayon. Noong highschool pa kami, mas matangkad pa ako sa kanya kahit first year pa lang ako tapos fourth year na siya. Mas may laman rin ako sa kanya noon pero ngayon matigas na ang mga muscles niya sa katawan at may abs na rin. Mas matangkad na rin siya at hanggang balikat na lang niya ako. Kaya ngayon ako na ang inaasar niya na pandak.
"I'm sorry, hindi kita nasamahan noong bakasyon," aniya at hinalikan ang noo ko.
He is always like that. Sweet.
"It's okay. Maayos lang naman kasi kasama ko naman si Mom, Dad at Tantan," sagot ko.
Tantan is my brother. Sinabi kong magkasama kami pero ang totoo ay lagi itong tutok sa online games noong bakasyon kaya si Mom at Dad ang kasama ko palagi.
Napa-aray ako ng pitikin niya ang noo ko. "I told you to eat a lot, didn't I? Bakit lalo ka atang pumayat?"
I rolled my eyes. "Come on, Boo, sexy ang tawag d’yan hindi payat."
"Kyla look at yourself, mukha ka nang kawayan---"
"That's you! Ikaw ang kawayan sa ating dalawa," pang aasar ko sa kanya at agad na tumayo dahil alam kong hahabulin niya ako.
"Noon 'yon!" sagot niya. Pikon na naman ang bestfriend ko.
Tumawa lang ako at tumakbo papunta sa garden. Nakasalubong ko pa si Mommy na may dalang cookies.
"Be careful, baby. Baka madulas ka," paalala niya.
"Yes, Mom."
Narinig ko na naman ang sigaw ni West. "Kyla! Don't run away from me, hindi pa tayo tapos mag usap!"
"You'll just scold me!"
Nagtago ako sa likod ng malaking halaman pero agad ring napatili dahil naramdaman ko ang pagkiliti niya sakin mula sa likod.
"Huli ka."
"Hey!" Sinampal ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ako at agad akong nakatakbo.
"Kyla, come back here!"
"Sabihin mo munang sexy ako!"
"No! Payat ka!"
Tinatawanan ko lang siya dahil nakakunot na naman ang noo niya at inis na inis na siya sa ’kin.
He's so handsome. Makapal ang kilay, maganda ang mata, matangos ang ilong at ang labi niya...shit, maraming babae ang gustong makahalik sa mga labi niya.
Sikat siya sa mga kababaihan dahil isa siya sa anak ng isang negosyanteng may-ari ng mga magagandang resort sa bansa.
He had it all. The wealth, the face and the body that can make every woman drool.
"I got you again, Bee."
Bumalik ako sa riyalidad nang maramdaman ko ang paghawak niya sa ’kin.
"Tulala ka? Epekto iyan ng hindi kumakain at puro diet ang nalalaman."
He thinks like that. Always making fun of me when I look serious. Akala niya natutulala ako dahil kulang daw sa kain o kung ano pa man.
But West, you are wrong. Sa ’yo ako natutulala. It is because of you!
Palagi naman talaga akong natutulala sa mukha nitong best friend ko.
"Kumain ka na nang marami, ha?"
Wala sa sarili akong tumango. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang siya naman ay inaayos ang buhok ko.
Hindi talaga nakakasawang tignan ang mukha niya. Parang hindi nauubusan ng kagwapohan hindi katulad ng ibang mukha na mabilis mapagsawaan.
"I love you, Kyla."
Tumalon ata ang puso ko sa sinabi niya. Ang bilis ng t***k nito at umaasa akong ‘wag na niyang dugtungan pa iyon. Please, West, ‘wag mo nang dagdagan.
Pero sa tingin ko ay malas na naman ako ngayong araw dahil kumirot ang puso ko sa sunod niyang sinabi.
"I love you, best friend."
Masakit. Sobra.
Kasi matagal na akong umaasa na sana ‘wag na niyang dugtungan ang una niyang 'I love you' dahil nasasaktan ako.
Why? Why do I feel this?
Bakit nga ba?
Niyakap ko na lang si West para matago ko ang sakit na maaari niyang makita sa mga mata ko.
I love you too, West. Pero hindi bilang best friend lang. I love you more than that. Gusto ko 'yong sabihin sa kanya pero natatakot ako.
I sighed. I’ll have to be contented and love him from a far. That’s the least I can do.