"Kyla…"
Nagising ako dahil sa pangungulit ni West. Paulit-ulit niyang tinutusok ang pisngi ko gamit ang daliri niya.
Ano na naman ba ang gusto nito?
"Come on, West. Maawa ka naman sa ’kin, inaantok pa ako," reklamo ko at dumapa sa kama pero alam kong hindi siya makikinig sa ’kin dahil naramdaman ko na lang bigla ang mga daliri niya sa baywang ko. Seconds later, tumitili na ako dahil sa pangingiliti niya sa ’kin.
"Stop it!" I laughed. Tumigil naman siya dahil akala niya babangon na ako pero kinuha ko ang makapal na comforter at pinulupot iyon sa katawan ko. Mabigat pa ang tulikap ng mga mata ko, gusto ko pang matulog.
"Bee, gising na! Nagugutom na ako!" sigaw niya.
Bahala siya riyan. Bakit kasi hindi siya marunong magluto at ako pa lagi ang aasahan sa pagkain niya?
"Inaantok pa nga ako!" sigaw ko pabalik at pinikit ang mga mata ko.
He tsked, seems like he's already pissed. "Saan ka ba galing kagabi? I told you to go home early, didn't I? Sino na naman ang kasama mo?"
Kung makapag-imbistiga naman ito akala mo boyfriend ko. Dinaig pa si Daddy.
Hindi ko siya sinagot dahil nga matutulog na ako pero bigla na lang akong napasigaw dahil bigla na lang niyang hinila ang comforter na nakapulupot sa katawan ko.
"Ano ba!?"
I saw his jaw clenched. He sat on the bed and look at me seriously. Oh, he's mad.
"Saan ka galing kagabi?" he asked.
Napalunok ako sa tuno ng boses niya. Para siyang boyfriend na nagalit kasi may kasamang iba ang girlfriend niya. But the thing is, hindi kami mag boyfriend-girlfriend dahil mag BESTFRIEND lang kami.
"Bar," maikli kong sagot at umiwas ng tingin. Kapag kasi ganitong naiinis na si West kinakabahan na ako dahil mahirap pa naman siya suyuin.
"Again?"
"Sa bar nga. Kasama ko si Rochel," sagot ko which is true naman. Sinundan kasi namin ni Roch 'yong boyfriend niyang si Carlo dahil sabi niya may babae raw.
"May lalaki kang kasama?" tanong niya.
Kita nyo na. Sinong hindi mai-inlove kung ganyan ang best friend n’yo? Gezz.
"Wala," mahina kong sabi at umiwas nang tingin.
Tumayo siya at iniwan ako sa kwarto dahil alam niyang nagsinungaling ako. Yes, I admit, may kasama akong lalaki kagabi sa bar pero wala naman kaming ginawang masama! That guy is my high school friend and we were just talking about things happened back then.
I sighed. Bumangon na ako at nag ligpit ng higaan. Nasa condo ako ni West pero may sarili akong kwarto dito na ginagamit ko kapag hindi ako umuuwi sa bahay namin. My parents are fine with it since they know West is my best friend and he respects me. Nakakahiya nga dahil ako pa itong may iniisip na kakaiba minsan sa best friend ko.
Nakaupo siya sa sofa at nanunood ng basketball nang lumabas ako. Humarang ako sa tv at tinignan siya.
I pouted. "Hey, are you mad?"
Hindi siya sumagot, it means na galit nga siya o nagtatampo o nagpapabebe lang. Napakaarte niya.
"Uuwi na lang ako, hindi mo naman ako pinapansin," sabi ko which is not true. Ganito kasi ang ginagawa ko kapag hindi niya ako kinakausap.
Akmang lalabas na ako kunwari pero nagsalita siya.
"Akala mo maniniwala ako? Hindi ka pa nakakapag suklay ng buhok, may laway pa ang gilid ng labi mo at wala kang suot na bra, I doubt the idea of yours going out with that face."
Hinawakan ko ang buhok ko na medyo sabog at ang gilid ng labi ko pero wala namang laway! And how did he know that I am not wearing a bra? Makapal ang t-shirt na suot ko pero napansin niya pa rin? Is he looking at my---Gezz!
"You! Pano mo nalaman---"
"’Wag kang OA, Kyla. Nakita ko lang sa sahig kanina ang bra mo so I assume na wala kang suot ngayon."
I pouted at lumapit sa kanya.
"Galit ka pa?"
Umiling siya at niyakap ako sa bewang. He then rested his head on my shoulder.
"Wala namang ginawang masama sa ‘yo ‘yong lalaking kasama mo kagabi ‘di ba? I think I should be more protective to you—"
"Hindi mo ako anak at kaya ko naman ang sarili ko," sabat ko. “Kung maka-ano naman ‘to.”
"But you are still a baby. You should stay at home."
I disagree. Mas bata pa nga siyang umakto kaysa sa ’kin, e. Pikon pa. Hays.
"I am not a baby anymore!"
"Yes, you are! You are my baby!"
I can't say a thing anymore. Nag-iba kasi ang takbo ng utak ko dahil sa sinabi niya though sanay naman ako na ganito lagi ang lumalabas sa bibig niya kahit hindi niya alam na iba na ang ibig sabihin no’n sa ’kin.
I rolled my eyes. "I am your baby but I am the one who's taking care of you. Wow naman."
He chuckled. "Let's switch then. I am your baby now. Magluto ka na, Mommy."
Akala ko talaga ibang 'baby' na ‘yong tinutukoy niya. 'Yon bang 'baby' na tawagan ng mag jowa pero hindi pala, he is pertaining to a 'baby' na mag-nanay. Gezz, Kyla.
"Ako na lang ba laging magluluto na pagkain mo? Paano kung lasunin kita?" tanong ko.
"I doubt that."
I doubt it too. Baka gayuma puwede pa.
I laughed at my own thought. I'm used to this already, 'yong mga bagay na puwedeng bigyan ng malisya pero ang totoo wala naman talaga dahil alam kong iba mag-isip si West kaysa sa akin. He sees me as his best friend only, but I see him more than it.
Tumayo na ako pumunta sa kusina at nagluto ng paborito niyang ulam tuwing umaga. He is just sitting and looking at me making our foods.
"Breakfast is ready!"
I used to put the foods on his plate every time na magkasama kami at nasanay na siya sa gano’n. Tama lang talaga ang ideya na siya ang 'baby' at hindi ako.
"Kumain ka nang marami, Kuya Payat," sabi ko matapos lagyan ng ulam at kanin ang plato niya.
Ngumiwi siya sa tinawag ko sa kanya. Ayaw na ayaw niya talaga na tinatawag ko siyang Kuya o Payat kahit mas matanda naman talaga siya sa ‘kin nang ilang taon.
"I am your Kuya but don't call me by that, ang weird pakinggan. And the word payat suits you more, kaya dapat ikaw ang kumain nang marami sa ating dalawa."
"Excuse me? I am sexy."
"Don't argue with me and just eat."
Itong lalaking ‘to ang sarap hampasin. How could he say na payat ako where in fact nagkakaroon na ako ng bilbil dahil sa mga pagkain na pilit niyang pinapakin sa ’kin? Agh!
Nang matapos kaming kumain ay siya ang naghugas ng plato na lagi naman niyang ginagawa kasi ako ang nagluluto.
"Pupunta dito si East mamaya," aniya.
Tumaaas ang kilay ko. Ayaw ko kasi talaga doon sa kakambal niya kasi nasasamaan ako sa ugali nito. Ang laki ng pinagkaiba nila ni West.
"May trabaho kayo ngayon?" tanong ko. Pupunta lang naman dito si East kung may trabaho sila o hindi kaya iinom.
"Ewan ko sa kanya, baka may pag-uusapan lang kami," sagot niya.
Tumango na lang ako at nagligpit ng kalat sa buong condo niya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako laging nandito ay para may tagalinis siya. Napakatamad kasi. Ayaw din naman niyang kumuha ng katulong kasi baka manakawan daw siya kaya ako na lang ang maglilinis.
Nang matapos ko nang malinis ang mga kalat, tumabi ako sa kanya sa sofa at tinuro ang mga gamit niya na naka ayos na.
"Ang galing ko maglinis, ‘no. Puwede na akong mag-asawa," I joke and laughed.
Tumingin siya sa ’kin at kinunotan ako ng noo. "Hindi pa puwede. Bawal rin ang boyfriend, bata ka pa."
Sinamaan ko siya ng tingin. Anong tingin niya sa ’kin, five years old?
"Grabe ka naman. Baka pati pagkakaroon ng crush bawal din?"
Tumango siya. "Bawal din pero sige, pagbibigyan. Pero dapat isang crush lang ang puwede."
Unbelievable! Seryoso ba siya? Kulang na lang talaga sabihin niya na siya talaga ang tunay kong ama dahil sa mga inaasta niya. Ni hindi nga ako sinasaway ni Daddy, e, in fact siya ang pa ang nagtutulak sa ’kin sa mga anak ng business partners niya.
"Pero unfair, ah. Ikaw puwede kang magka-girlfriend tapos ako hindi?"
"I'm a man with needs, Bee. Alam mo na ang sagot diyan," sagot niya.
Pinitik ko ang tainga niya. "'Yan! D’yan ka magaling sa needs mo! Babaero ka ring tukmol ka."
"Hey! ‘Wag mo nga akong itulad sa mga kaibigan ko. Hindi ako babaero at lalong hindi ako tukmol."
I pouted. "Boo, napaka unfair mo. Dapat kung may girlfriend ka dapat ako rin mayroong boyfriend para friendship goals!"
How I wish na sana ‘wag siyang magka girlfriend. Hindi ko ma-imagine.
"Hindi ko naman mga girlfriend ang mga 'yon, Bee. Alam mo naman siguro kung hanggang saan lang sila," aniya at pinatalikod ako dahil iipitan niya na naman ang buhok ko.
Ibig sabihin hanggang sa kama? Gosh, kung sana alam niya na nasasaktan rin ako kapag nalalaman kong may kinakama siyang babae kahit parausan lang!
Nag simula na siyang magsuklay ng buhok ko sa marahan na paraan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ayaw niyang masaktan ako kaya dahan-dahan ang galaw niya.
“Kasasabi mo lang kanina na hindi ka babaero pero binabawi mo na yata,” natatawa kong sabi.
“Alright, minsan lang.”
"E, paano kaya kung sa akin gawin 'yong ginagawa mo sa mga babeng 'yon. Paano kung maging isang parausan din ako?" mahina kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagsusuklay ng buhok ko kaya nilingon ko siya. I saw how his jaw clenched and anger was written on his face.
"That will never happen, Kyla. Hindi ako papayag."
Nag-iiba na naman ang takbo ng utak ko at gusto ko na naman mag-isip ng mga bagay na matatanggap ng puso ko pero muli siyang nagsalita...
"You are my best friend. No one can touch you or else I'll bring them to their death," pahabol niya kaya sinaway ko na lang ang utak ko para tumigil na ito sa kaiisip ng mga bagay na hindi naman dapat.