"Oh, the best friend is here," ani East nang pagbuksan ko siya ng pinto.
I rolled my eyes as I see his smirking face. "Oh, the irritating brother is here,” gaya ko sa tuno ng pananalita niya.
Inis na inis ako sa kanya at gano’n rin naman siya sa ’kin. Ang sama kasi ng ugali at parang walang sinasanto. Oo nga't magkamukha sila ni West pero maamo ang mukha ng best friend ko at sa kanya naman ay laging naka ngisi.
"We're twins, in case you didn't know."
Of course, alam ko!
I just rolled my eyes again and didn't talk to him. Bahala siya, masyado pang maaga para mainis ako sa kakambal ni West.
Pumasok silang dalawa sa isang kwarto kung saan ang opisina ni West. They’ll be talking about business. Nabanggit kasi sa akin ni West na may bagong resort na naman daw silang gagawin.
Martin’s are known for being the owners of the famous resorts in the Philippines, gano’n din sa ibang bansa. Kahit ako ay napapahanga sa mga resort nila kapag sinasama ako ni West.
Pumasok ako sa kwarto ko para sana matulog ulit pero nakita kong nag text si Daddy at sinabing trabahuin ko na raw ang pinapagawa niya.
I groaned in annoyance. One fact about me is I really hate working and doing office works. Kung minamalas nga naman kasi gano’n ang business ng mga magulang ko at ako pa ang panganay. Masyado pang bata ang kapatid kong si Tantan para sa gano’n. Mabuti na lang at hindi pa retired si Daddy as C.E.O kaya medyo nagagawa ko pa ang gusto ko.
I was about to start doing my work when my phone rang again. Hindi ko pinansin kasi baka si Daddy iyon at papagalitan na naman ako, pero pauli-ulit na tumunog kaya tinignan ko na para malaman kung sino ba talaga ito.
Mr. Brief Calling....
Agad kong sinagot ang tawag nang mabasa ang caller ID at tumili. "Darling!"
I heard my friend Welmar groaned in annoyance after hearing my voice. "You witch, that voice of yours is so annoying."
I pouted kahit hindi naman niya nakikita. "Ang harsh mo na sa ’kin."
Hindi ko siya narinig sumagot dahil isang tili na naman ang narinig ko. Now let me guess, inis na inis na siguro si Welmar ngayon.
"What's up, people!" sigaw ni Glendel galing sa kabilang linya.
"You know what, nagsisi ako kung bakit ko pa kayo tinawagan," ani Welmar.
"Excuse me? For your information, may trabaho ako tapos tatawag ka na lang bigla at ikaw pa ang maiinis?” Glendel answered.
Magsasalita na rin sana ako pero may nauna na sa ’kin. "Hey, Welmar. Why are you calling? May shoot kami ngayon."
Oh, that's Rochel.
Ano na naman ba kasi ang trip nitong si Welmar at bakit gustong makipag conference call?
"Welmar, darling. Gusto mo bang ipakain ko sa ’yo itong tela at karayom na hawak ko?" malamig na tanong ni April nang sumali siya sa tawag.
"I'm cooking! What's with the call?!" inis naman na tanong ni Marienel. Rinig ko pa ang tunog ng mantika sa background niya na para bang nagpiprito.
These are my friends. Marienel, April, Rochel and Glendel are my friends since elementary while we met Welmar noong college na.
Demonyong tumawa si Welmar. "Mga busy b***h. Gusto ko lang sabihin na marami akong pera kaya manlilibre ako ngayon. Arat sa Midnight Bar!"
"Talaga? Hindi 'yan scam?" tanong ni Marienel.
"Mukha ba akong scammer, darling?"
"Anong tingin mo sa amin walang pera?" mataray na tanong ni April.
"Bakit, kung may pera ba kayo, nanlilibre ba kayo? ‘Di ba hindi?"
Sasama sana ako kaso naalala kong baka pagalitan ako ni West dahil sa Bar din ako galing kagabi. Naman!
"Can't make it, darling. Papagalitan ako ni West," I said with my soft voice.
If I can see them right now, I know that they are rolling their eyes because of what I said. Alam naman kasi nilang may gusto ako kay West---No, mahal ko siya.
"The guy best friend again," I heard Rochel mumbled.
They hate the fact that I am in love with my best friend. Naiintindihan ko naman 'yon kasi alam kong ayaw lang nilang nakikita
akong nasasaktan. For them, loving West is a torture for me, pero para sa ’kin hindi, ang mahalin siya ay isang napakasayang
pangyayari sa buhay ko.
If he is a mistake, then West is my favorite mistake.
"You're coming tonight, I'll fetch you," ani April.
"April ‘wag na, may trabaho rin ako," sagot ko. I don't want to come. Ayaw kong magalit si West dahil kapag nagpumilit ako
mapipikon na naman siya at hindi na naman niya ako papansinin. I don't want that to happen.
"Nagiging sunod-sunoran ka ba riyan kay West, Kyla?" Glendel asked with a serious tone. Hindi ko nagustohan ang sinabi niya kaya nainis ako.
"I'm not! Ano bang hindi n’yo maintindihan sa sinabi ko na ayaw kong sumama?"
Kinagat ko ang labi ko matapos sabihin 'yon. Ayaw kong sumisigaw sa galit pero hindi ko lang talaga nagustuhan ang sinabi ni
Glendel. Hindi ako sunod-sunoran kay West.
"Tama na. Hindi naman ako tumawag para mag-away kayo," Welmar said and hang up the phone.
Hindi naman kasi talaga ako sunod-sunoran. Gusto ko ang ginagawa ko at hindi naman iyon inuutos ni West kaya walang mali ro’n.
Ayaw ko lang namang magalit siya sa ’kin kapag nagpumilit akong sumama sa bar dahil doon ako galing kagabi at hindi gusto ni West na palagi na lang akong pumupunta sa gano’ng lugar.
Nawalan ako nang gana mag trabaho nang pinapagawa ni Dad kaya lumabas na lang ako ng kwarto. Tamang-tama namang natapos na si West at East dahil nakita kong lumabas na rin sila.
"May kukunin lang ako sa kwarto, Kuya."
Tumango si East na umupo muna sa sofa habang hinihintay si West. Pupunta sana ako sa kusina kasi ayaw kong kasama si East kaso natigilan ako sa pag tawag niya.
"Will you still stay if you’ll find out that you are not his priority anymore, Kyla?"
Sa tuno ng pananalita niya ay parang may alam siyang hindi ko alam.
Sly snake, eh? But what does he mean by that? Alam ba niya na may gusto ako kay West?
Am I too obvious? Pero kung obvious ako, e, ‘di dapat napansin rin ni West na may gusto ako sa kanya o sadyang manhid lang talaga ang best friend ko?
Tumikhim ako at sumagot "Hindi niya naman talaga ako priority, East. Ikalma mo.”
Suminghap siya na parang hindi niya alam ang sinasabi ko. "Ah, hindi ba?"
"You know what. Nakakasira ng utak ang isang taong katulad mo," inis na sabi ko.
He smirked. "You are just too obvious and my brother is just too numb."
Napalunok ako sa sinabi niya. Does it mean na alam niyang may gusto ako kay West?
"You better prepare yourself, Kyla. My brother is in love with someone else."