"You better prepare yourself, Kyla. My brother is in love with someone else."
Deretso kong ininom ang alak na dapat ay para kay Welmar. Tuwing naaalala ko ang sinabi ni East parang gusto ko na lang punuin ng alak ang katawan ko.
I already told my friends that I am not coming with them tonight but East's words linger in my mind. Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil sa mga salitang binitawan niya.
May mahal si West? Hindi makapaniwala akong bumuga ng hangin. Hindi dapat ako naniniwala sa mga sinasabi ng lalaking ‘yon.
Kung may mahal si East, e ‘di dapat sinabi niya sa ’kin kasi best friend niya ako! Minsan nga ako pa ang unang nakakaalam ng sekreto niya kaysa kay East. Dapat hindi niya tinatago ang mga ganoong bagay sa akin.
"What happened to you?" Rochel asked.
Kaming tatlo lang nila Welmar ang nandito dahil kapag pumunta sila sa dance floor ay pagkakaguluhan sila ng mga nakakakilala sa kanila. Welmar is a famous model and Roch is an actress. They want to enjoy the night without fans disturbing them kaya mas pinipili na lang nilang
Sinabi ko sa kanila ang sinabi sa ’kin ni East kanina. Hindi pa nila ito nakikita pero sinabi kong kakambal ito ni West at mas masama ang ugali nito. Hindi ko naman ramdam na ayaw sa ’kin ni East para kay West pero parang sinasabi niya minsan na wala akong pag-asa.
"E, paano kung meron na nga talagang minamahal si West?"
My lips pouted. "Kung may mahal siyang iba dapat sinasabi niya na sa ’kin kasi best friend niya ako at palagi naman kaming magkasama," sagot ko. Araw-araw kong nakakasama si West kaya walang bagay na hindi niya masasabi sa ’kin.
Hindi ko alam pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na paniwalaan ang sarili kong salita.
"Kaya mong marinig ‘yon mula sa kanya? Kaya mong marinig sa lalaking mahal mo na may mahal siyang iba?" tanong naman ni
Rochel na bahagyang nakataas ang gilid ng labi. She’s smirking.
Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko naisip 'yon pero mahal ko si West. Siguro tatanggapin ko na lang ang katotohanang may mahal siyang iba?
Pero hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang pakiramdam ko titigil na ang puso ko sa pagtibok.
Tumabi sa akin si Rochel at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
"Darling, kung hindi na kaya ‘wag mo nang ipilit pa, okay?"
Umiling ako. "Kaya ko. I will stay until he can feel that he loves me too. Hindi bilang best friend, kundi bilang isang babae na higit pa do’n."
Malakas ang loob ko dahil alam kung walang ibang mahal si West. Sinasabi niya sa ‘kin lahat ng nangyayari sa buhay niya kaya sigurado akong sasabihin niya rin kung may nagugustuhan siyang iba. West will never keep a secret from me.
"Hanggang kaylan, Kyla? Hindi sa lahat ng oras ikaw lang ang babaeng nakakasama niya."
"Oo, alam ko. Pero alam ko ring iba ako sa kanila. I’m his best friend. Ilang taon na kaming magkasama at alam kong ibang-iba ang trato niya sa ‘kin sa ibang mga babae. Kahit sa mga pinsan niya ay hindi siya masyadong malapit."
"Best friend ka niya kaya hindi ka niya magugustuhan." sabat ni Glendel na kakarating lang galing sa dancefloor. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil sa sinabi niya kanina pero ito na naman siya ngayon at nag-uumpisa. “Kaya ka nga tinatawag na best friend kasi friends lang kayo tapos asa ka ng asa riyan,” dagdag niya pa.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Will you please stop, Glen? Hindi porke tinatawag niya akong best friend ibig sabihin hindi niya na ako magugustuhan more than that,” naiiyak kong sagot dahil nakakaramdam ako ng galit.
"Nababaliw ka na sa kanya. Hindi mo kayang tanggapin na magkakaroon ng ibang mahal ang best friend mo, ‘di ba? What if West is really in love with someone else? Anong gagawin mo?"
Why is she like this? She is also my best friend but why isn't she supporting me? Hindi ba dapat tulungan na lang ako?
Bakit imbes na makaramdam ako ng tulong sa kanila ay parang gusto pa nilang ilayo ako kay West kahit alam naman nilang mahal ko ito?
"You don't care---"
"Don't say that. Kung wala kaming pake sa ‘yo hindi kami nagkakaganito sa ‘yo," putol niya sa sinabi ko.
I calmed myself, "Really? Nasaan ang pake mo, Glendel? Gusto kong maramdaman ang suporta niyo sa gusto ko pero bakit hindi ko maramdaman? Bakit baliktad?"
"Kasi hindi lahat tama! Sa tingin mo ba nakakabuti sa ‘yo iyang ginagawa mo kahit alam mong malabong magkagusto sa ‘yo si West dahil pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan niyo?" she sighed. "Anong gusto mo suportahan ka namin dyan kahit alam naming sa
dulo ikaw lang din ang masasaktan? Kyla, stop being delusional. Walang mapupuntahang mabuti ‘yang pagiging delulu ko, sis.
Binibigyan mo ng ibig sabihin lahat ng mga ginagawa at sinasabi sa ‘yo ng lalaking ‘yon.”
"Glendel's right. Hindi mo iniisip ang susunod na mangyayari sa ‘yo. Tumigil ka na bago pa lumala ang nararamdaman mo. Baka hindi na ‘yan love," sabat naman ni April.
What? Are they thinking something like----
"Are you saying na baka obsession itong nararamdaman ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. It's not like that! Mali ba na mag mahal ako? Mali ba na mahalin ko ang best friend ko?
Walang sumagot sa kanila. Hindi naman ako tanga para hindi ito maintindihan kaya tumayo na ako at umalis. I heard Marienel's voice calling my name pero hindi na ako lumingon.
I don't want to stay there anymore. Baka kapag nagtagal pa ako don ay may masabi pa akong makakasakit sa kanila o may masabi rin silang mas masakit sa ‘kin.
Sumakay na ako sa kotse ko at wala sa sariling nag drive. Mabuti na lang at wala ng masyadong sasakyan sa daan kaya hindi ako napano. Nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng condominium na pagmamay-ari ng kaibigan ni West na si Skett kung saan din ang condo ni West.
Bumaba ako sa sasakyan ko at sumakay sa elevator. Huminto ako sa harap ng pintuan at tinitigan iyon. Hindi ako nagpaalam sa kanya na lalabas ako kaya sigurado akong galit siya sa ‘kin ngayon. Kasalan 'to ng kakambal niya, kung ano-ano na lang pinagsasabi sa ‘kin.
Pero....paano nga kung totoo ‘yon? Alam kong gago si East kaya hindi ko alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o niloloko niya lang ako?
I shook my head. Maybe he is just playing around. Mahilig siyang mang-bad trip ng mga tao at isa ako sa nga biktima niya. Hindi ka pa nasanay, Kyla.
Binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa akin ang maliwanag na condo ni West. Ibig sabibin lang nito ay hindi pa siya natutulog dahil hinihintay niya ako o busy siya sa trabaho niya.
Dumeretso ako sa kusina para tignan kong nando’n siya pero wala akong nakita. Tinignan ko rin kung ginalaw niya ang niluto ko kanina pero wala iyong bawas.
Sa labas ba siya kumain?
Pero alam naman niyang kapag ako ang nagluto ay kakainin niya.
Nagkibit balikat na lang ako at pumunta sa kwarto niya. I saw him leaning on the window while talking to someone. Tatawagin ko sana siya para sabihin na nandito ako pero hindi ako nagsalita. Parang gusto ko na lang marinig ang pinag-uusapan nila ng kausap
niya sa kabilang linya.
"---tomorrow maybe? Shut up, you idiot, alam ko ang gagawin ko hindi ako katulad mo."
I think he is talking with his friend? Evvo or Skett? Imposible namang si Seth kasi alam naman nitong hindi ito masyadong pala salita.
"I'll surprise her and tell her that I love her so much," he chuckled. "Don't laugh! They said that surprising is romantic, idiot."
Wait, what? Surprise? Her? Love her?
Pakiramdam ko nanlamig ang katawan ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba.
Who is he talking about? Totoo ba talaga ang sinabi ni East na may iba ng mahal si West?
Nasapo ko ang bibig ko at napaupo na lang sa malamig na sahig. Gusto kong umiyak ng malakas kaso baka mahuli niya ako dito kaya kahit nahihirapan ay tumayo ako at akmang tatakbo palayo sa kwarto niya nang marinig ko ang pangalan ko.
"Mahal ko na si Kyla. I think I can't be happy if she's not with me always. She's like a drug, dude, i feel like i can't live without her," he paused. "I want her to be mine and I will f*****g announce it to the world."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya pero hindi dahil sa sakit. I'm so damn happy. Pakiramdam ko ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
West just said that he loves me! Oh my god! How can I calm? Noon pa lang alam kong may pag-asa na magkagusto siya sa ‘kin kaya hindi ako sumuko, at ngayon narinig ko na rin sa wakas.
"I will ask her to be my girlfriend," he said. Ilang sigundo siyang natahimik bago sumagot ulit sa kausap niya sa kabilang linya. "I-ll tell her, of course."
He will ask me to be his girlfriend? Really? Gusto ko sanang ligawan muna niya ako pero parang gusto ko rin ang idea na maging kami na agad.
I can't help but to smile. Ilang beses ko na ring kinurot ang sarili ko kasi baka nananaginip lang ako pero nang maramdaman ko ang sakit ay napapangiti na lang ako.
I'm sorry, West. Alam ko na ang plano mong pag sorpresa sa ‘kin pero magpapanggap akong walang alam.
I chuckled on my own thoughts. Kanina lang ay sinabihan ako ni East na may ibang mahal si West at sinabihan rin ako ako ni
Glendel na malabong mahalin ako ni West pero ito ang nangyari ngayon, I just heard West said that he loves me so much and he can't leave without me.
Oh God.
Narinig kong nag paalam na si West sa kausap niyang si Evvo pala. Inayos ko ang sarili ko at umatras ako sa pinto para hindi niya mahalatang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila kanina. I won't ruin his plan for us.
Hinintay ko siyang lumabas bago ako nagpanggap na papunta pa lang sa kwarto niya. Nagulat siya nang makita ako.
"Bee, saan ka galing? Kanina ka pa ba dumating?" he asked.
Tumikhim ako, "Ahm...kakarating ko lang. Pumunta ako sa bar kasama sina Welmar."
Akala ko ay magagalit siya kasi hindi ako nag-paalam pero hindi. He just nodded and kissed my forehead.
"Matulog ka na, okay?" aniya pero nararamdaman kong may gusto pa siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.
"What is it?" I asked and smiled. Sasabihin na ba niya ngayon ang nararamdaman niya para sa ‘kin?
Napangiti ako nang kumamot siya sa ulo niya na parang nahihiya, "Ahm...I want to… talk to you tomorrow?"
Kunware akong nag-isip na parang nagdadalawang isip pero kalaunay tumango rin ako. "Okay. Saan tayo mag-uusap?"
"I'll fetch you, after work," sagot niya.
Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa sobrang excitement. "Okay then. I'll ready myself."
Tumango siya at hinalikan ulit ang ulo ko. Hinatid niya rin ako sa harap ng pinto ng kwarto ko.
"Goodnight. Sleep well, princess."
"Goodnight, Boo."
Kilig na kilig ang katawan ko kaya bigla na lang akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisnge---malapit sa labi. Tumakbo agad ako sa loob ng kwarto at nagpagulong-gulong sa kama. Para akong teenager na kiniliti ng sampung tao dahil pinansin ako ng crush ko. Oh gosh, dinaig ko pa ang mga high school students.
Dapat sa mga oras na to ay natutulog na ako dahil galing ako sa bar pero hindi ako makaramdam ng antok. Gusto ko na lang tumitig sa kisame at isipin ang mukha ni West buong magdamag.
I think I am so crazy in love. Gosh!
I smirked when I remembered East's words at what my friends said earlier. Ano sila ngayon? Aamin na sa akin si West na mahal niya ako kaya humanda sila.
"Mahal ko na si Kyla. I think I can't be happy if she's not with me always. She's like a drug, dude, i feel like i can't live without her. I want her to be mine and I will f*****g announce it to the world."
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang ito hanggang sa tangayin na ako ng antok.
I love you too, West. So much.