Tanghali na ako nagising kinabukasan. I felt the pain on my head because of hangover so I massage it and remembered what happened last night.
Natigilan ako nang maalala ang mga salita ni West kagabi.
"Panaginip lang ba ‘yon?" I asked myself. Hindi ko alam kung totoo ang narinig ko kagabi dahil medyo lasing ako kaya nga masakit ang ulo ko ngayon.
Kahit masakit ang ulo, tumayo ako at pikit matang lumabas ng kwarto. Hindi ko nakita si West, ibig sabihin ay nasa trabaho na ito.
I pouted and tears are starting to come out in my eyes because I thought that what happened last night is just a dream. Pero nang pumunta ako sa kusina ay nakita ko ang note na iniwan ni West.
'Good morning, Bee. Eat your breakfast and drink your milk. I'll fetch you after work, love you.'
Napatili ako dahil sa kilig. It means that I am not imagining things or dreaming last night! Totoo! Totoong narinig ko na sinabi ni West na mahal niya ako at niyaya niya akong lumabas mamaya kasi sasabihin na niya sa ‘kin.
Tinignan ko ang lamesa, may pagkain at may gatas na doon na mukhang pina-dilever niya lang kasi hindi naman siya marunong magluto. Kinilig ulit ako kasi alam niyang umiinom ako lagi ng gatas tuwing umaga kaya kapag nauuna siyang umalis at hindi pa ako nagigising ay nagtitimpla siya para ready to drink na.
Puwede na akong tawaging baliw dahil nakangiti akong kumain at medyo tumatawa pa. Hindi ko alam kung anong level ang happiness ko kaya hindi ko na napansin ang sunod-sunod na tawag ng nga kaibigan ko.
Marienel called me fifteen times, three from Glendel, five from April, eight from Rochel and ten from Welmar. They seem to be worried so I texted them that I'm fine. Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang nangyari kagabi. Mas mabuti kung sabay kami ni West na magsabi nito sa kanila.
Walang kalat ang condo niya pero naglinis pa rin ako para mapawisan bago ko ginawa ang trabaho na pinapagawa ulit sa akin ng daddy ko. If this is just a normal day, I will surely complain because of my work but because of what happened last night, I did it all with a smile.
Nakangiti lang ako habang nagtatrabaho hanggang sa matapos ko ito sa hindi ko inaasahang oras. Again, kung nasa normal na araw lang ako baka hanggang hating gabi ko pa to bago matapos.
Nagbihis ako at umalis para ihatid ang mga papeles sa opisina ni Daddy at para na rin makauwi ako.
Five thirty na, ibig sabihin malapit ng matapos ang trabaho ni West at susunduin na niya ako kaya nagmadali akong inabot sa secretary ng ama ko ang papeles at agad rin akong umalis. I'm sure magtataka si Dad kasi ang aga kong natapos ang pinagawa niyang trabaho, well, masaya lang naman ako at excited.
"Mommy! Umuwi si Kyla!" sigaw ni Tantan nang makita niya ang kotse ko na tumigil sa garahe namin.
Ang bastos talaga ng batang ‘to. Pinitik ko ang tainga niya. "Sabing tawagin mo akong ate. Kahit mas matangkad ka sa ‘kin mas matanda pa rin ako sa ‘yo."
"Bakit naman kita tatawaging ate? Kapatid ba kita? Minsan ka lang naman umuwi rito."
"Sus, nagtatampo ka? Kiss kita gusto mo?"
Tumawa lang siya at hinalikan ang pisnge ko bago umakyat sa kwarto niya. Ang arte.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mommy na tumutulong magluto sa mga katulong.
"Mom." I called her.
"Oh my daughter, I missed you!" lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Kakagaling ko lang dito nung isang araw e," sagot ko.
Hinila niya ako papunta sa lamesa at pinatikim sa ‘kin ang luto niya. Napapadyak ako sa sobrang sarap. It really is. Sa kanya ko namana ang galing sa pagluluto.
"Kumain ka ng marami, pumapayat ka na naman. Hindi ka ba pinapakain ni West?"
Tinignan ko ang katawan ko. "Mom, hindi ako payat. Why do you always say that? Napaka sexy ng anak mo oh." Tinaas ko ang kamay ko at tiniro ang sarili ko mula ulo hanggang paa. "Remember, hindi marunong magluto ang isang 'yon kaya ang tamang term is ako ang nagpapakain sa kanya," dagdag ko pa.
"But you should eat a lot too. Ang liit ng baywang mo." Kumuha siya ng cookie at akmang isusubo sa ‘kin pero tumanggi ako.
"I have a date later, mommy. Baka tumaba ako,” tanggi ko.
"Hindi ka agad tataba sa isang cookie, anak. And a date? With who?" she asked.
Ngumiti lang ako at humalik sa pisnge niya bago nagpaalam na magbibihis na ako kasi maya-maya ay dadating na si West para sunduin ako. I don't want him to wait kaya pumili agad ako ng dress na susuotin ko. Pinili ko iyong dress na binili ko sa ibang bansa na hanggang tuhod ko lang. After choosing what to wear, I put a light make up on my face and did the rest as fast as I can.
Lumabas ako sa kwarto ko na nakangiti. Tamang-tama naman ang paglabas ko dahil hinihintay na pala ako ni West. Nakaupo siya sa sofa at nakatakikod sa ‘kin kaya nang marinig niya ang tunog ng takong ko ay lumingon siya at unti-unting tumayo.
I feel like I became a princess for a moment and West is a prince waiting for me downstairs. Idagdag pang nakatitig siya sa akin habang bumaba ako na para akong main character sa isang movie.
"Hey! Alis na tayo, " tawag ko sa kanya kasi hindi pa rin siya nagsasalita.
"Ha?" wala sa sarili niyang tanong at mariing napapikit. "What's with the outfit, Bee? Alam mo bang maraming manyak sa kanto?"
"It's not like we're going to go there, duh," sagot ko at inirapan siya.
"Hindi nga, pero anong meron sa suot mo? May lakad ka pa ba pagkatapos nating mag-usap?" he asked.
Gezz. Saan pa ba sa tingin niya ako pupunta? Hindi naman siguro obvious na pinaghandaan ko talaga ang gabing ‘to para sa pag-amin niya sa ‘kin?
"Halika na nga." Nagpaalam siya kay mommy na nakataas ang kilay sa aming dalawa. Maybe nagtataka siya kung bakit ko sinabing magde-date kami ni West?
Well, mommy, my best friend is going to be my boyfriend soon.
"Ingat kayong dalawa! West anak pakainin mo si Kyla ha, pumapayat na yan," paalala ni mommy kaya napairap ako.
"Opo, tita. Kaso lang minsan ayaw makinig sa ‘kin kasi sexy nga raw siya," sagot ni West kaya inirapan ko siya. Nagsumbong ba naman.
"Sexy, e parang kawayan na nga."
Natawa si West kaya ngumuso ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay at tinungo ang kotse niya.
Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko which is lagi niyang ginagawa kapag sumasakay ako sa kotse niya.
Akala ko pupunta kami sa resto para kumain pero lumiko ang sasakyan nya.
"Pupunta tayo sa Resort?" I asked him.
He nodded. "Yes. Doon ka na rin matutulog mamaya tapos ihahatid kita bukas ng maaga para hindi ka ma-late sa trabaho."
Puwede namang 'wag na lang muna akong magtrabaho bukas.
Natawa ako sa naiisip ko. Baka lalo akong pagalitan ni Daddy kapag naging kami na.
Magdadalawang oras din ang binyahe namin bago kami nakarating sa Resort nila ni East at sa loob ng mga oras na 'yon ay hindi ako
masyadong kinakausap ni West. Maybe he's nervous?
Pero wala naman siyang dapat ipag-alala kasi mahal ko rin naman siya katulad ng nararamdaman niya sa ‘kin.
Bumaba na kami sa kotse at sabay kaming naglakad. Binabati kami ng mga taong nakakasalubong namin at hindi ako nawalan ng ngiti dahil sa excitement na nararamdaman ko.
Pumunta kami sa mataas na parte ng resort which is our favorite spot. It'a a small bridge where you can see the beauty of the whole resort and the people enjoying the night.
Hindi kalayuan sa tulay ay may nakita akong naka-ready na table at may pagkain at wine iyon sa lamesa. Malapit ‘yon sa cabin ni West na napapalibutan ng gumagapang na halaman.
Akala ko pupunta kami doon sa table na hinanda niya para sa aming dalawa pero sa gitna ng tulay kami huminto. Sumandal siya at tumingin sa mga taong nagsasayawan malapit sa dagat.
Nagtataka ako kasi dapat dumeretso na kami sa table ‘di ba?
"Boo?" I called him.
Hindi siya sumagot at bigla na lang pumikit ng mariin.
Why is that? Kinakabahan ba siya?
I called him for the second time before he stood up properly and faced me.
"B-bee…"
He is trembling. Natawa ako sa isipan ko. My best friend is so cute! Well, soon to be my boyfriend.
"Bakit?" nakangiti kong tanong.
He took a deep breath and said, "I... think I'm in love."
I know. I know. I'm in love with you too.
Kinunot ko ang noo ko at nagkunwareng naguguluhan at walang nalalaman. "Huh? Kanino naman?"
He bit his lips where I find so sexy. Gezz, Kyla.
Hindi siya sumagot dahil nagdadalawang isip ata siya.
"Sino ba yan, Boo? Magtatampo na ako kapag hindi mo sasabihin sa ‘kin," I pouted, showing my pink lips.
He chuckled and ruffled my hair. Annoying!
"Her name is Kyla and I love her so much, "aniya at ngumiti ng malapad.
Oh my gosh! Puwede na ba akong mamatay sa kilig? Hindi ko alam na mas nakakakilig pala pag harap-harapan na niyang sinabi. Nakakanisay!
Na try ko ng magka-boyfriend noong highschool pero hindi ganito ang naramdaman ko nung sinabi niya sa ‘king gusto niya ako.
Hindi rin naman kami nagtagal ng lalaking ‘yon kasi nahuli siya ni West na may kahalikang iba.
I can't hide my smile and my teary eyes. I was about to kiss him but his next words stopped me. Feeling ko tinusok ako ng napakaraming kutsilyo sa dibdib dahil sa narinig ko.
Why? West, why?
"Hey, I know it sounds weird that you have the same name with her. But yes, her name is Kyla. Kyla Maxine Antonio and I love her so much."