CHAPTER 6

1315 Words
"Hey, I know it sounds weird that you have the same name with her. But yes, her name is Kyla Maxine Antonio and I love her so much." Hindi ako nakagalaw matapos niyang sabihin ‘yon. I feel like my own heart beat stopped and my heart slowly getting shattered. May bumara ata sa lalamunan ko na naging dahilan kaya hindi ako nakasalita at tumitig na lang sa kaniya. Sa mukha niya na bakas ang kasiyahan sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Kyla. And that Kyla is not me. There is a new Kyla in his life and that Kyla is the one he wants to be his girl. Not me. Not you, Kyla Marie. Si Kyla Maxine ang gusto niya at napakatanga ko para isiping ako 'yon. I scoffed. Umasa lang pala ako. Sana inisip ko na hindi lang naman ako ang Kyla sa mundo. Hindi lang ako ang Kyla na dadating sa buhay ni East. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung gano’n? Of all the names? Bakit kasi kapangalan ko pa? I want to cry. I badly want to cry and shout pero walang lumabas sa mga mata ko kahit isang luha. Should I be thankful about it? Ano na lang ang sasabihin niya pag umiyak ako sa harapan niya pagkatapos niyang sabihin 'yon? That I'm affected? Tears of Joy? I can't even feel a small happiness. ‘Yong pakiramdam na may malaking masikip na lugar noon tapos bigla na lang naging empty space ngayon? Parang may malaking bagay na nawala sa ‘kin at pilit kung kinakapa para ibalik pero hindi ko na maabot, hindi ko na mahanap. Hindi ko na alam kung saan napunta. Nakakahiya ako. Napakakapal ng mukha ko para isipin na mahal ako ni West higit pa sa kaibigan. Napakatanga ko para hindi isiping hindi pala ako yung Kyla na tinutuloy niya. Napakagaga ko para umasang magiging kami pero malabo pala talaga. Best friend niya lang ako. Hindi niya ako kayang tignan bilang isang babaeng higit pa don. His sweet actions are just his way of telling me that he loves me as his best friend or maybe as his sister. Kapatid at best friend ang tingin niya sa ‘kin at ako naman itong si tanga na umasa na hihigit pa ‘yon. Bakit ba kasi hindi na lang ako nakuntento sa kung anong meron kami? Bakit imbes na suportahan ko siya sa mga nagugustuhan niya, ito ako at nasasaktan? Ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na. Nahulog na ako sa kanya noon pa pero hindi niya ako sinalo. Ibang Kyla ang gusto niyang saluhin. I bit my lips and chuckled, "K-kaya pala ang weird. Ikaw talaga, Boo, bakit hindi mo na lang kinompleto ang pangalan niya?" Sana kinompleto mo nung mga oras na magka-usap pa lang kayo ni Evvo para naging aware ako. Nanginginig ang boses ko pero hindi ko ipapahalata sa kanyang nasasaktan ako. I want to be brave, ayaw kong mapahiya. Tumawa siya, "Sorry na. I just want to see your reaction." Gusto niyang makita ang reaksyon ko? Bakit? May alam ba siya sa nararamdaman ko sa kanya? "Alam mo ikaw, ang dami mong alam, ewan ko sa ‘yo," pabirong sagot ko. I'm talking as if this is just a normal conversation but my body is about to give up. Parang gusto ko na lang matumba at umupo sa sahig. "Is she your girlfriend already?" I asked. Umiling siya kaya lumukso sa saya ang puso ko. Masama ba ‘to? Na dinadasal ko na sana ‘wag siyang sagutin ni Kyla Maxine? "I'm still courting her," sagot niya. "You know how I hate waiting, mababa lang ang pasensya ko kaya sana sagutin na niya ako." "K-kapag ba hindi ka niya sinagot agad, hindi mo na itutuloy ang panliligaw sa kanya?" tanong ko ulit pero hindi ko ipinahalata sa kanya ang gusto kong mangyari. Kilala ako ni West at alam kong madali niyang malaman ang expression ng mukha ko kaya dapat galingan ko ang pagtago. He shrugged, "Well, let's see." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "Alam ko namang sasagotin niya agad ako, kaya ‘wag kang mag-alala ikaw ang unang makakaalam kung kami na." Ayaw kong malaman. Mas gugustuhin ko pang itago mo na lang para hindi ako masaktan, Boo. "She's coming. Na traffic ata," sabi niya at tinignan ang relo niya. Now I know, the prepared table is not for me. May date pala sila ni Kyla Maxine tapos nag paganda pa ako ng sobra dahil akala ko kami ang magde-date ngayon. "I t-think I have to go, Boo. Nilalamig na ako e, mauuna na lang ako sa cabin mo," sabi ko sa kanya dahil ayaw ko talagang makita ang babaeng 'yon. Hindi ako galit sa kanya. Ayaw ko lang talaga siyang makita pa sa ngayon. "Ahm...I already prepared your hotel room. Pupunta kasi si Kyla Maxine sa cabin ko mamaya." Ang sakit na talaga. Ngayon pinapaalis na niya ako sa cabin niya, baka next time sa buhay niya na? Oh gosh, Kyla. As his sweet best friend, I tipped toe and kiss his cheeks. "S-sige, doon na ako." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Wala namang nagbago sa actions niya, sweet pa rin siya sa ‘kin. "Goodnight, Bee." "Goodnight, Boo. Enjoy your night." I managed to say those words even though it breaks me. Gusto kong ako lang ang babaeng nakakasama niya. Gusto kong sa akin lang siya pumirmi. Gusto ko sa akin lang siya at hindi na sa iba. Pero ano ang magagawa ko kung may umaagaw na sa kanya at nag papakuha na rin siya? Tumalikod na ako sa kanya at akmang maglalakad paalis pero napahinto ako nang may babae akong nakasalubong. Her beauty is like a goddess. Napakaganda to the point na kapag dadaan siya sa maraming tao, mapapalingon ang lahat sa kanya dahil nakakaagaw atensyon ang mukha niya. Hindi siya nakangiti pero hindi rin siya nakabusangot. Pang model ang tayo niya na mukhang sinanay pati ang paglalakad. "Hi. You are West's best friend?" she asked. At first akala ko maldita siya magsalita dahil gano’n ang mukha niya, but her voice is formal na parang nasa isang business meeting kami. This is West's type? I've been his best friend for how many years pero hindi ko alam na ganito pala ang hilig niya sa babae. Pormal ang pananalita at hindi masyadong magalaw. Mahinhin at pino. Ako? Malikot, madaldal at makulit. Nagsawa ba siya sa ugali ko kaya naghanap siya ng babaeng kabaliktaran ko? Hindi ako nakasagot dahil natulala ako sa ganda niya. Mas matangkad siya sa ‘kin pero pareho lang kami ng katawan, mas malaki lang ang dibdib niya kaya napaka sexy niya tignan. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Wala akong panama sa kanya, sobrang layo ko. Alam ko namang maganda ako pero hindi ako kasing ganda niya. I want to congratulate her for having that kind of beauty and for having West in her life. Napakaswerte niya. "Y-yes," sagot ko. Ngumiti siya at nilahad ang kamay. Professional ang galaw niya, hindi malambing ang ngiti niya pero nababagay lang din sa ekspresyon ng mukha niya. "Nice to meet you. I'm Kyla Maxine." Tumango ako. "I'm Kyla. Kyla Marie." Nagulat siya ng malamang pareho kami ng pangalan pero tumawa lang siya ng mahina at tumingin kay West na natutulala sa ganda niya. "West, sorry I'm late." Ilang segundo pa bago nakasagot si West, "I-It's okay. I'm sure you're hungry already, let's go?" Tumango si Kyla Maxine at nilampasan na ako. Kumaway na ako kay West at tinignan silang mabagal na naglalakad papunta sa table na hinanda ni West. Mahina silang nag-uusap at nagtatawanan, siguro kung hindi lang kami magkakilala ni West masasabi ko talagang bagay silang dalawa. I turn around and walk slowly but I end up running. Running away far from them, far from the reason of the pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD