Chapter 18 Nang makalabas ng opisina si Evan ay saka naupo na muli sina Trios, Alastor at si Ignatius. Nabigla si Alastor nang surpresahin na naman siya ni Evan sa kapangyarihan nito. Hindi niya akalain na magkakaroon ng yelo sa paligid dahil sa tensyon ng kapangyarihan ng pinakabatang prinsipe ng Doumentry Kingdom. “Ngayon na nakaalis na si Evan, maaari mo na ba ikuwento ang nangyari sa pangay mong anak, Ignatius?” tanong ni Trios. Ang palabirong hari ng Liverion ay seryosong nakatingin kay Ignatius habang ang huli naman ay nakahalukipkip na nakatingin lamang sa mga papel na nasa lamesa. Nabigla rin ang hari nang malaman niya kay Alastor ang tungkol doon. Isa pa, hindi niya inaasahan na maglalagay ng mahika si Alastor upang maprotektahan si Evan at malaman kung ano ang nangyayari sa ka

