Chapter 37 Sama-sama silang muli na naghapunan nang gabing iyon. Napansin ni Evan ang pagtingin-tingin sa kaniya ni Osvar. Sa tingin pa lang ay may ideya na siya kung bakit. Mukhang nakausap na nga niya ang papa. Pero naisip rin niya na maaaring nagsumbong kay Osvar ang mga opisyal sa bayan ng Obi. Imposible kasi na hindi makarating kay Osvar ang nangyari kanina. “Nabalitaan ko na nahuli kayo sa pagpasok kanina sa Trayus, Evan at Kasimiro?” tanong ng kanilang ama. “Opo,” sabay nilang sagot ni Kasimiro. “Oh? Saan naman kayong nagpunta na dalawa? Kung kailan magtatapos na kayo ng pag-aaral sa Trayus ay saka pa kayo gumagawa ng kalokohan?” tanong ni Jeremiah. “Iyon nga ang dahilan, Jeremiah, patapos na kasi sila kaya’t may lakas na ng loob gumawa ng kalokohan,” sambit naman ni Plavo n

