Chapter 36 Nakarating kay Alastor na nahuli sila ng pagpasok sa Trayus nang araw na iyon. Kaya’t nang sumapit ang oras ng pahinga para sa lahat ng mga mag-aaral ay kinausap siya nito. Isinama na rin siya si Kasimiro dahil isa rin ito sa nahuli. Mahigpit ang patakaran ng Trayus sa mga estudyante lalo na at lahat sila ay mga prinsipe at prinsesa. Walang espesyal na pagtrato sa kung sino man, ang lahat ay pantay-pantay doon. Mabuti na lang rin at hindi sila pinarusahan ng kanilang guro. Nalaman niya kay Kasimiro na ang guro nito ay hinayaan na lamang ang nangyari. Ngunit alam niya na ang pagiging huli sa klase ay may karampatang parusa. “Saan ba kayo nanggaling? Ang oras ng alis ninyo sa palasyo ay palaging sobra ng isang oras, hindi ba? Bakit nahuli kayo?” tanong ni Alastor. Narito

