Chapter 35 Dumagundong ang boses niya sa buong sentro. Galit ang kaniyang nararamdaman sa nalaman na sitwasyon ng ibang naroon. “A-A-Anong... a-ang prinsipe... a-a—“ lumuhod ang nakaunipormeng lalake sa kaniyang harapan. “Ipagpaumanhin po ninyo ang pangyayaring ito, mahal na prinsipe! H-hindi ko po kayo nakilala!” “Ang Prinsipe Evan at Prinsipe Kasimiro? Ano ang ginagawa nila dito sa sentro?” “Baka narito sila para bumisita, pero wala naman anunsyo sa taas, ‘di ba?” Nilingon niya si Kasimiro at sinenyasan na lumapit. “Alalayan mo muna sandali si Lolo Tomas, kakausapin ko lang ang mga tao na iyon sa gilid,” sabi niya. Tumango si Kasimiro. Naglakad siya palapit sa mga tao na napansin niya kanina sa gilid na nakatingin sa mga nakakuha na ng ayuda. Lumuhod sa kaniyang harapan ang mga

