Chapter 20 Maagang gumising si Evan kinabukasan. Iyon ang araw na sasama siya sa kaniyang ama sa Wereniya upang tingnan ang mga sakahan at ang mga tao nila doon. Hindi niya ikakaila ang pagkasabik na nararamdaman. Iyon rin ang unang beses na aalis siya sa kaharian at mapupunta sa ibang lugar. “Evan! Evan!” Bumukas ang pinto ng kaniyang silid at pumasok si Kasimiro. “Nariyan na sa labas ng silid mo ang kawal! Hinihintay ka na ata ni papa, natutuwa ako para sa iyo, Evan! Sana lahat!” sabi nito. Inayos niya ang kaniyang kasuotan at nakangiting tumingin kay Kasimiro. Totoo ang kaligayahan nito para sa kaniya. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniya. Naglakad siya at hinawakan ang kamay nito. “Ssa susunod, tiyak magkakasama na tayo kapag dumalaw tayo sa mga lugar na ating nasasakupa

