Chapter 12 “Merry Christmas!” Maingay at puro tawanan ang naririnig ni Evan. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nagulat siya nang makita niya ang kaniyang pamilya noong si Mikaelo pa lang siya. Naglakad siya palapit sa kaniyang kapatid na si Gian, tumanda na ang itsura nito. Napatingin siya sa katabi nitong lalake. Napaawang ang kaniyang mga labi, ito na ba ang anak na panganay ng kaniyang Kuya Gian? Ang laki na. “Oh, siya, kumain na! maraming masasarap na pagkain ang iniluto ko para sa inyo!” Napalingon siya sa kaniyang ina. Puro puti na ang buhok nito at nasa tabi nito ang kanilang ama na matanda na rin. Namuo ang luha sa mga mata ni Evan habang nakatingin sa masaya niyang pamilya. Nakita niya na kumuha ng pagkain ang kaniyang ina. Sinundan niya ito dahil naglakad ito paalis at

