Chapter 13 Humarap siya kay Philiph at umiling. “Hindi ko magagawa iyon. Sa tagal ng panahon na alam mong sinasaktan ako ni Osvar, nasabi ko na rin sa iyo na kahit kailan hindi ako gagawa na hakbang para malaman ng papa ang tungkol dito.” Kahit naman gusto kong makita na umiiyak si Osvar at nagmamakaawa hindi ako magsusumbong sa papa. Kahinaan iyon, kung nais kong gantihan si Osvar sa tamang panahon ay hindi ako hihingi ng tulong sa kahit na sino. Kayang-kaya niyang tapatan ang kapangyarihan ni Osvar nang hindi hinihingi ang tulong ng kanilang ama. “Sa aking isipan, mabuti na rin na nangyari ito, Evan. Ang pisngi mo ay namamaga pa rin hanggang ngayon, ang sugat sa pang-ibabang labi mo ay namamaga rin. Malaking proweba na iyan sa papa kahit hindi niya marinig ang totoo kay Kuya Osvar.

