LESSON 17- Red Rope

2209 Words
                “WALA ba talagang nakakatanda sa inyo kung nasaan ang balon na iyon? Kanina pa tayo naglalakad pero hindi natin makita ang hinahanap natin!” Napairap si Candice nang marinig niya ang pagrereklamo ni Destiny. Kanina pa kasi nagrereklamo. Pagod na daw at ang init daw.             Ano bang akala nito? Na ito lang ang napapagod at naiinitan? Lahat naman sila ay ganoon pero hindi sila nagrereklamo. Si Destiny lang talaga ang panay ang reklamo sa kanila.             Hindi sila kumpleto dahil hindi nila kasama si Nikki. Natapos na lang sila sa pag-aalmusal ay hindi pa rin ito bumabalik sa bahay mula sa kung saan man ito nagpunta. Problema rin nila si Nikki dahil may hinala sila na baka naligaw ito sa gubat. Kaya bukod sa paghahanap ng balon ay hinahanap din nila ito. Halos mag-iisang oras na silang naglalakad at paikot-ikot sa kagubatan pero hindi pa rin nila nakikita ang balon kung saan naroon ang bangkay ni Aliyah. Ang paalam nila kay Alexander ay mangangaso lang sila. Mamamaril ng hayop na makikita sa gubat. Kaya ipinahiram nito sa kanila ang tatlong air gun. Pero hindi naman nila talaga iyon gagamitin dahil iba ang pakay nila sa gubat. Hawak niya ang isang air gun, isa kay Rocco at ang natitirang isa ay kay Samuel. Nakasukbit naman sa likod ni Jillian ang isang bag kung saan nakalagay ang mga gagamitin nila para makababa sa balon oras na matagpuan na nila iyon. Gaya ng lubid. “Sana lang nakakatulong iyang pagrereklamo mo, `no?” Hindi na napigilan ni Candice na lingunin si Destiny at pagsabihan. “At kung may nakakaalala pa kung nasaan ang punyetang balon na iyon, sa tingin mo ba ay naglalakad pa rin tayo ngayon. Utak muna bago putak, Destiny!” Nasa unahan silang tatlo nina Samuel at Jillian. Habang nahuhuli naman sina Rocco at Destiny na ang babagal maglakad. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng dalawa iyon o ano pero naiinis na talaga siya. Imbes na mapabilis ang paglibot nila sa gubat ay hindi dahil sa kabagalan ng mga ito. “Wow, ha! I have all the rights para magreklamo. Ikaw ang wala!” sagot ni Destiny. Nagpanting ang tenga niya. Huminto siya at hinarap ang babae. “At bakit?!” “Dahil ikaw ang naglagay sa ating lahat sa sitwasyon na ito. Ikaw ang naiinggit noon kay Aliyah. Ikaw ang tumulak sa kaniya at ikaw ang sumaksak sa kaniya. You killed her. Baka nakakalimutan mo?” Tumiim ang bagang ni Candice. “Pero sinuportahan ninyo ako. May kasalanan din kayo sa—” “Pwede ba? Tumigil na kayong dalawa!” Pumagitna na si Rocco. “Hindi makakatulong ang pagbabangayan ninyo. Hanapin na natin ang balon at si Nikki para matapos na ang lahat ng ito!” At naiinis na nauna sa paglalakad si Rocco. “Nakita mo na ang ginawa mo? Ginalit mo si babe ko!” Maarteng turan ni Destiny sa kaniya sabay habol kay Rocco. “Babe, wait! Hintayin mo naman ako!” Napailing na lang siya habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Maya maya ay kinausap siya ni Jillian. “Sa tingin ninyo, mas okay ba na maghiwa-hiwalay tayo? Tapos kung sino ang unang makakakita sa balon ay tawagan lang ang lahat,” suggest nito. “Mahina ang signal sa lugar na ito. Baka mahirapan tayo na ma-contact ang isa’t isa,” ani Samuel. Nakapameywang na iginala ni Candice ang mata sa paligid. Napahinto ang tingin niya sa isang bagay na nakasabit sa sanga ng puno hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. May plastic doon na may laman sa loob na hindi niya alam kung ano. Nakatali ang plastic sa isang sanga. Itinuro niya iyon sa mga kasama. “Ano `yon?” Agad na tiningnan ng mga ito ang itinuro niya. Magkakasama silang naglakad papunta sa bagay na iyon. Nang malapitan ay doon nila nalaman na isang cellphone ang laman ng plastic. Sinubukan iyong abutin ni Samuel dahil ito ang pinaka matangkad pero hindi nito iyon kayang abutin. Kaya sumampa siya sa balikat ng nobyo at itinaas siya nito hanggang sa maabot na niya ang plastic. Pagkababa sa kaniya ni Samuel ay sinira niya ang plastic at kinuha ang cellphone na nasa loob niyon. “Kay Nikki iyan, a!” ani Jillian. Nagkatinginan silang tatlo. Nagtataka sila kung bakit napunta doon ang cellphone nito. Hindi alam ni Candice pero unti-unti ay nagkakaroon na siya ng hindi magandang pakiramdam kung ano na ba talaga ang nangyari kay Nikki. “Buksan mo,” utos ni Samuel. Ganoon nga ang ginawa niya. Naka-off ang cellphone kaya binuksan niya. Mabuti na lang at walang password iyon kaya wala silang naging problema. Tama nga si Jillian. Kay Nikki ang cellphone dahil ang mukha niyon ang nasa wallpaper. Kinalikot niya ang cellphone ni Nikki. Mula sa messages at contacts. Wala silang nakitang kakaiba. Umabot sila sa gallery nito. Iisang file lang ang naroon. Isang video file. Nang buksan nila ang video ay nagulat sila nang malaman na kuha ang video sa gubat. Gabi kaya madilim pero sa tulong ng isang flashlight na dala ng kumukuha ng video ay nakikita nila ang nasa video kahit papaano. “Wait… Dito `yan, o!” sambit ni Jillian. “`Yong puno na iyon. Iyan `yon.” Tiningnan ni Candice ang puno na nasa video at ang punong tinutukoy ni Jillian. Tama ito. Iisa lang ang dalawa. Hindi nagpapakita ang kumukuha ng video. Ipinapakita lang nito ang paligid. Hanggang sa naglakad na ang may hawak ng cellphone. Mabagal ang bawat hakbang. Nagkatinginan silang tatlo at nagkaunawaan sila agad. Sinundan nila ang pupuntahan ng kumukuha ng video. Malakas ang pakiramdam nila na kung si Nikki ang kumukuha ng video ay nais nitong sundan nila ang pupuntahan nito. Medyo nahirapan sila dahil madilim ang video. Ginawa na lang nila ang lahat para masundan iyon. Pina-pause nila minsan ang video para masiguro na tama ang kanilang dinadaanan. Makalipas ang halos kalahating oras na paglalakad ay dinala sila ng kanilang mga paa sa kanilang kanina pa hinahanap—sa balon! Kulang na lang ay mapatalon sa sobrang tuwa si Jillian. “Yes! Ang galing natin!” Hindi napigilang sigaw pa nito. “Huwag ka ngang maingay!” sita niya sabay pause sa video. “Si Nikki ba ang kumuha ng video? Nahanap niya na pala kagabi ang balon. Hindi man lang niya tayo sinabihan?” “Importante pa ba kung sino? Ang mahalaga ay nakita na natin ang balon.” Nauna na si Jillian sa paglapit doon. Sumunod sila dito ni Samuel. May nakita silang kulay pulang lubid na nakalabas. Nakaipit iyon sa mismong balon at sa takip. Pinagpatuloy nila ang panonood sa video. Ilang minuto na lang ay matatapos na iyon. Baka may ipinakita pa sa video kaya mas maganda kung tatapusin nila. Naglakad ang may hawak ng video papunta sa balon. Umikot iyon at ganoon na lang ang gulat nila nang makitang nasa likod ng balon si Nikki. Nakatali ang mga kamay sa likod, nakasandal sa balon at tila walang malay. Itinutok ang camera sa mukha ni Nikki. Ipinatong ang flashilight sa ibabaw ng takip ng balon para mailawan si Nikki. Hindi nagtagal ay gumalaw-galaw ang talukap ng mata ni Nikki. Marahang bumukas ang mata nito at nanlaki iyon nang makita ang may hawak ng cellphone. Kitang-kita nila ang takot sa mukha ng kaibigan. Sigaw ito nang sigaw. Pero biglang sinipa sa mukha si Nikki. Napahiga ito sa putik. Nanghihina at duguan ang bunganga. “Huwag mo akong s-sasaktan, p-please…” Hirapang pakiusap ni Nikki. Itinihaya si Nikki. Nakatutok pa rin sa mukha nito ang camera ng cellphone. Alam nilang umiiyak ito kahit na nababasa ng ulan ang mukha nito at buong katawan. “A-ano `yan? A-anong gagawin mo sa akin?!” At malakas na sumigaw si Nikki. Naputol ang sigaw nito nang mariing tapakan ito sa leeg. Nanatili itong nakanganga na parang kinakapos sa hangin. Uubo-ubo ito. Hindi magawang makalaban dahil siguro sa nanghihina pa rin ito dahil sa malakas na sipa na natanggap kanina. Maya maya ay nagulat silang tatlo dahil may isang matulis na sanga na isinaksak sa bunganga ni Nikki! Bumulwak doon ang malapot na dugo. Tumirik ang mata ni Nikki. Nawalan ng puti. Kumisay-kisay ito. Nabitawan ni Candice ang cellphone dahil hindi na niya kinaya ang pinapanood. Kanina pa nanginginig ang kamay niya pero tinitibayan na lang niya ang loob. Si Jillian ay tahimik nang umiiyak at nanginginig din ang buong katawan. Si Samuel ang kumuha ng cellphone at ipinagpatuloy ang panonood. Hindi na sila nanood ni Jillian. Yumakap ito sa kaniya habang umiiyak. Maya maya lang ay natapos na sa panonood si Samuel. Kahit ito ay mukhang na-shock sa nakita. “A-anong nangyari?” tanong niya. Ang tinutukoy niya ang iyong ginawa kay Nikki sa video. Huminga muna nang malalim si Samuel bago nito idinetalye ang mga hindi niya napanood sa video. “P-pagkatapos siyang saksakin ng sanga sa bunganga ay tinapakan iyong sanga hanggang sa bumaon nang husto at… at…” Huminto muna si Samuel sa pagsasalita. Para bang hindi nito kayang ikwento ang kalunos-lunos na sinapit ng isa sa kanilang kasama. “At ano?” tanong niya. “At tumagos iyon hanggang sa likuran ng ulo ni Nikki. Hinugot ng taong iyon ang sanga at kumuha siya ng lubid. Kulay pula…” Sa sinabi ni Samuel ay napatingin silang lahat sa lubid na ang kulay ay pula na nakalabas mula sa balon. Pagtingin niya sa nobyo ay marahan itong tumango at alam na niya ang ibig nitong sabihin.   INIWANAN saglit ni Samuel sina Candice at Jillian sa may balon. Bago niya iwanan ang dalawa ay umiiyak pa ang mga ito. Alam niya na masakit para sa mga ito ang nangyari kay Nikki. Sa ngayon ay kailangan niyang hanapin sina Rocco at Destiny. Maganda na kumpleto silang lahat bago nila buksan ang balon. Ayon kasi kina Candice ay sigurado ang mga ito na iyon ang balon kung saan itinago ng mga ito noon ang katawan ni Aliyah. Habang naglalakad sa gitna ng kagubatan ay napahinto siya. Meron siyang naririnig. Boses ng dalawang tao. Sa wari niya ay sina Rocco at Destiny na iyon. Boses ng lalaki at babae kasi, e. Nag-concentrate siya at pinakinggang mabuti ang boses para malaman niya kung saan iyon nagmumula. Kung hindi siya nagkakamali ay sa kaliwa niya iyon nanggagaling. May matataas na halaman at puno doon. Tila nasa likod ng mga iyon ang may-ari ng boses. Naglakad na siya papunta doon. Hinawi niya ang mga halaman at hindi nga siya nagkamali dahil sa wakas ay nakita na niya sina Destiny at Rocco. “Faster, babe! Harder! Harder!” hiyaw ni Destiny. “f**k you! Wawasakin kitang puta ka!” Nakapikit na sambit ni Rocco. Natulala na lang si Samuel. Hindi niya kasi inaasahan ang eksenang kaniyang makikita. Hubo’t hubad ang dalawa at nagtatalik. Nakatayo at nakasandal si Destiny sa puno habang nasa harapan nito si Rocco. Nakasampay ang isang hita ng babae sa beywang ng lalaki. Mabilis na umuulos si Rocco sa p********e ni Destiny. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin ng dalawa ang ganoong bagay sa ganitong uri ng lugar. Marahil ay normal lang sa dalawa ang ganoon. Maya maya ay nakita siya ni Destiny. “Babe!” Tinapik nito sa balikat ang nobyo. “Si Samuel!” Huminto si Rocco sa paggalaw at tiningnan din siya. “Hoy! Anong ginagawa mo diyan?!” sita nito sa kaniya. Lumapit ang dalawa sa kaniya nang hindi na nag-abala na magbihis. “Binobosohan mo ba kami?” Pagpapatuloy ni Rocco. Umiling siya. “Hindi—” “Babe, I don’t think na namboboso siya. Kasi kung namboboso iyan, nakatago dapat siya. Maybe, he want to join us…” pilyang sabi ni Destiny. Tumingin pa ito sa kaniya at kumindat. Muli siyang umiling. “Nagkakamali kayo. Hinahanap ko lang kayo at hindi ko naman alam na maaabutan ko kayo na ganiyan ang ginagawa.” Huminga siya nang malalim. “Nakita na namin ang balon at si Nikki… Siguro,” aniya. “Siguro?” “Hindi kami sigurado kung pati si Nikki. Ang mabuti pa ay sumama na lang kayo sa akin.” “Okay. Pero tatapusin lang namin ang ginagawa namin ni Rocco.” “Babe, later na lang. Mas importante na makita na natin ang katawan ni Aliyah.” “What?!” Disappointed na react ni Destiny. Nang magbihis na si Rocco ay wala nang nagawa pa ang nobya nito kundi ang magbihis na rin. Nauna na siya sa dalawa at sinundan siya ng mga ito hanggang sa makarating na sila sa balon. Hindi na umiiyak sina Candice at Jillian pero namumugto ang mata ng dalawa. “Anong nangyari sa inyo? Cry much?” Natatawang turan ni Destiny nang makita sina Candice. Si Rocco ay tiningnan nang maigi ang balon. Hinawakan iyon at sinipat-sipat. “Ito na nga iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Paano ninyo ito nakita?” “Dahil dito…” Inilabas ni Candice ang cellphone at iniabot iyon sa lalaki. “May video diyan. Sinundan lang namin at dinala na kami dito. Nasa video din ang nangyari kay N-nikki…” Kumunot ang noo ni Rocco. Pinanood nito ang video. Pati si Destiny ay nanood na rin. “f**k…” Mahinang mura ni Rocco pagkatapos ng pinapanood. “Babe! I’m afraid much!” Maarteng yumakap si Destiny dito. “Ang ibig ninyong sabihin ay nasa balon na rin na iyan si Nikki? Diyan siya itinapon ng hayop na pumatay sa kaniya?!” bakas ang galit sa mukha ni Rocco. Lahat sila ay tulala at tahimik. Hindi maalis sa utak ni candice ang imahe ni Nikki nang saksakin ito sa bunganga ng matulis na sanga. Naalala niya tuloy noong sinaksak niya si Aliyah sa leeg gamit din ang ganoong uri ng sanga ng puno. “Iyang pulang lubid… nakakabit iyan sa katawan ni Nikki,” ani Samuel. Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Nagtulong sina Samuel at Rocco sa pag-alis ng takip ng balon. Lahat sila at napatakip ng kamay sa ilong pagkabukas niyon. Umalingasaw ang isang hindi kanais-nais na amoy. “Ang baho! Gross!” reklamo pa ni Destiny. Halos masuka-suka pa ito. Dahil umaga ay nakita nila ang loob ng balon. May tubig iyon. Hinawakan na ni Samuel ang kulay pulang lubid at inumpisahan na iyong hilahin para malaman na nila kung totoo ba ang nasa video na nakakabit sa dulo niyon si Nikki…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD