“SERYOSO ba si Teacher Annie? Tree planting talaga ang gagawin natin? Is this some kind of a scam? Nagbayad tayo tapos papahirapan niya lang tayo? What the—”
“May sinasabi ka ba, Nikki?”
Pigil ang pagtawa ni Aliyah nang biglang dumating si Teacher Annie habang nagrereklamo si Nikki sa kanila nina Destiny at Jillian. Nakaupo sila at nagbubungkal ng lupa sa isang parte sa gubat na puro damuhan lang at walang puno. Umulan pa kanina sandali kaya maputik sa kanilang kinaroroonan. Dumikit na ang putik sa mga sapatos nila.
“Nikki?” Muling tawag ng guro.
Napipilitang tumayo si Nikki. “Wala po, teacher!” anito sabay ngiti. “Ang sabi ko po ay masaya itong tree planting na naisip ninyo. Nakakatulong tayo sa kalikasan. I love Mother Earth!”
“Mabuti naman kung ganoon at naiintindihan mo itong ginagawa natin, Nikki!” Naglakad si Teacher Annie papunta sa gitna at muling nagsalita. “Class, alam kong halos lahat kayo ay hindi gusto ang ganitong klase ng school trip. Some of you, ini-expect na sa isang magandang lugar tayo pupunta kung saan makakapag-enjoy kayo. This year, gusto kong maiba naman. Gusto ko’y maging makabuluhan ang school trip na ito para sa ating lahat. Napanood ninyo naman siguro sa balita noong nakaraan na taon na sa lugar na ito ay may gumuhong bundok. Nandito tayo mismo sa spot na gumuho. Napatag na ito. Naisipan kong magtanim tayo dito ng mga puno para hindi na mangyari ulit ang pangyayaring iyon. Hindi lang tayo makakatulong sa kalikasan kundi sa kaligtasan na rin ng mga nakatira malapit dito…”
Matapos magsalita ni Teacher Annie ay naglakad-lakad na ito para tingnan ang iba pa nilang kamag-aral.
Ipinagpatuloy na lang ni Aliyah ang pagbubungkal ng lupa. Gusto na niyang matapos ang pinapagawa na ito sa kanila para makapagpahinga na siya. Hindi sinasadyang napatingin siya sa kaniyang unahan at nakita niya si Rocco na nakatayo malapit sa isang puno.
Sinenyasan siya ni Rocco na lumapit siya dito. Luminga siya at nang makita niya si Teacher Annie na abala sa pag-istima sa iba nilang kaklase ay binitawan niya ang pagbungkal ng lupa at tumayo.
“Your Highness! Saan ka pupunta?” Napahinto siya sa akmang paglapit kay Rocco nang tanungin siya ni Nikki.
Inginuso niya si Rocco at tumango-tango na lang ito.
Naglakad na siya palapit sa nobyo. “Bakit? Tapos ka na ba sa pinapagawa ni Teacher Annie?” tanong ni Aliyah pagkalapit dito.
“Kalokohan lang `yang tree planting na iyan. Bahala siya sa buhay niya.”
“Ano ka ba? Paano kung i-check niya ang mga gawa natin? Saka bakit mo ba ako tinawag? May kailangan ka ba?”
“Meron. May sasabihin ako sa iyo. Siguro naman ay hindi mo pa nakakalimutan ang naging usapan natin, `di ba? Mamayang gabi. Gagawin na natin.”
Natigilan si Aliyah sa sinabi ni Rocco. “A-anong gagawin?” Kahit alam niya ang ibig nitong sabihin ay tinanong niya pa rin ito. Talaga ngang seryoso ito na makuha ang kaniyang p********e.
“`Wag ka ngang masyadong pa-inosente, Aliyah. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. I’ll f**k you. Remember? Huwag mong sabihin na umuurong ka na?”
Umiling siya. “Hindi!” Mabilis niyang sabi. “P-pero saan natin gagawin?”
“Diyan sa gubat. Walang tao diyan. Tayo lang.”
“Aalis na tayo mamaya. Baka maiwanan tayo.”
“Ako ang bahala. Kaya kong gawan `yon ng paraan. Basta, kapag sinabi na ni Teacher Annie na aalis na tayo, maghanda ka na. Iyon na ang hudyat na magkikita tayo sa labas ng bus. Naiintindihan mo ba?”
Tumango si Aliyah. “O-oo.”
“Good!” Iniwan na siya doon ni Rocco.
Hindi agad nakagalaw si Aliyah sa kinatatayuan. Ilang segundo siyang nakatulala. Hindi pa talaga siya handa na isuko sa kahit na sino ang kaniyang p********e kahit pa kay Rocco. Ngunit mukhang kailangan na niyang gawin iyon para hindi siya iwanan nito. Natatakot din siya na baka kapag hindi siya tumupad sa kanilang usapan ay magalit ito at iyon pa ang maging dahilan para makipaghiwalay ito sa kaniya.
“MA’AM, hindi pa po tayo makakaalis. Flat po ang dalawang gulong ng bus, e. Parang sinadyang butasin, ma’am. May mga pako kasi akong nakita malapit sa mga binutas na gulong,” sabi ng driver ng bus kay Annie.
Ala-sais na ng gabi at oras na ng pag-alis nila pabalik Laguna. Nakaupo na silang lahat kanina nang mapansin niyang hindi pa umaakyat sa bus ang driver. Kaya bumaba siya at nakita niya itong tila namumroblema habang nakatingin sa gulong. At nang tanungin niya ito ay doon niya nalaman na binutas daw ang dalawa sa gulong ng bus.
“E, paano tayo makakaalis niyan? Kaya mo bang ayusin `yan, kuya?” tanong ni Annie.
“Kaya ko naman po kaya lang…” Kakamot-kamot ito sa likod ng ulo. “Wala po akong reserbang gulong, ma’am. Pero huwag po kayong mag-alala. Tinawagan ko na iyong kakilala kong driver din at papunta na siya dito. Dito lang po siya sa Quezon kaya darating na rin iyon maya maya.”
Ayaw nang ma-stress ni Annie kaya umakyat na siya sa bus. Sinabi niya sa kaniyang mga estudyante na hindi muna sila makakaalis dahil kailangang palitan ang dalawang gulong ng bus. “Dito lang tayo sa loob at walang lalabas. May mga pagkain pa naman yata kayo. Iyon muna ang kainin ninyo kapag nagutom kayo. May darating na tulong kaya wala kayong dapat ikabahala.” Maayos niyang paliwanag. Mahinahon ang kaniyang pagsasalita upang hindi mag-panic ang kaniyang mga estudyante.
Paupo na sana siya nang may mapansin siya. May bakanteng upuan. Sa pagkakatanda niya ay puno ang mga upuan kaya paanong magkakaroon ng bakante?
Lumapit siya sa bakanteng upuan. “Sino ang nakaupo dito?” tanong niya.
“Sina Aliyah at Rocco!” Si Candice ang sumagot na nasa likuran ng bakanteng upuan.
“Nasaan sila? Alam mo ba?”
Kumibit-balikat si Candice. “Hindi ko alam. Naku, baka kung saan na nagpunta ang dalawang `yon, Teacher Annie. Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila, ikaw ang masisisi!” May himig pananakot na wika nito.
Natigilan si Annie. Tama si Candice. Kargo niya ang lahat ng mga estudyante niya. Mabilis siyang nagdesisyon. “Class, hahanapin ko lang sina Aliyah at Rocco. Dito lang kayo. Walang bababa ng bus. Nagkakaintindihan ba tayo?” Kinakabahan siya para sa dalawang estudyante niya na nawawala.
“Yes, Teacher Annie!” Magkakasabay na tugon ng kaniyang mga estudyante.
Nagmamadaling bumaba si Annie ng bus. May dala siyang flashlight dahil sa tingin niya ay nagtungo ang dalawa sa gubat. Iyon lang naman ang pwedeng puntahan ng mga ito dahil kalsada na ang nasa tabi ng bus. Walang bahayan doon. Ibinilin din niya sa driver na bantayan nito ang mga bata habang wala siya.
NAPANGISI si Candice pagkaalis ni Teacher Annie. Umaayon sa kaniya ang lahat para sa plano niya para kay Aliyah. Nakikini-kinita na niya ang magiging reaksiyon nito oras na isiwalat na nila na umaarte lang sina Nikki, Jillian at Destiny na kaibigan nito. At pati na rin si Rocco—walang kaalam-alam si Aliyah na palabas lang ang lahat!
“Hindi ito pwede! Natalo ako ng Aliyah na iyon! Ang pangit niya kaya! Nakakahiya! Pinahiya niya ako!” Galit na galit na sigaw ni Candice habang naroon sila ni Rocco sa kwarto nito. Matapos ang pageant ay nagkita sila doon ng kaniyang nobyo.
Nilapitan siya ni Rocco habang nasa tabi siya ng bintana. Niyakap siya nito mula sa likuran. “Relax… Natalo ka man ni Aliyah, para sa akin ay ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa buong mundo!” Pabulong nitong turan at hinawi nito ang buhok niya sa likuran. Binigyan nito ng maliliit na halik ang kaniyang batok.
Nakasimangot siyang humarap dito. “Kahit na! Pinahiya niya ako kaya dapat ay mapahiya rin siya,” naniningkit ang mata niya sa sobrang inis.
“May magagawa ba ako para mabawasan naman iyang inis mo?”
Tumahimik si Candice. Nag-iisip siya. Ang gusto niya ay mapahiya rin si Aliyah gaya ng naranasan niya sa harapan ng mga tao sa RNHS. Hanggang sa isang plano ang nabuo niya. Napangiti siya.
“Hey! Why are you smiling?”
“May naisip na kasi akong plano na ipapagawa ko kina Nikki, Jillian at Destiny. At may ipapagawa din ako sa iyo…”
“Really? Ano `yon? Sabihin mo. Alam mo naman na lahat ay gagawin ko para sa aking queen!”
“Later. Sasabihin ko din sa iyo. Pero dahil alam kong papayag ka sa ipapagawa ko, may premyo ka sa akin…” Pinalambong niya ang mga mata.
Hinubad ni Candice ang kaniyang suot na blouse at humantad sa harapan ni Rocco ang kaniyang dibdib. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata nito. Agad siyang kinabig nito at hinalikan sa labi…
Muling napangiti si Candice nang bumalik na sa kasalukuyan ang kaniyang isip. Ang pagpapanggap ni Rocco bilang nobyo nito ang balak niya. Papaibigin ito ni Rocco at kapag hulog na hulog na ito ay saka nito bibitawan si Aliyah. Gagawin nila iyon sa isang lugar kung saan wala itong kalaban-laban. At naisip niya na ang lugar kung saan sila nag-school trip ang tamang lugar. Ang balak nila ay dadalhin nila ito sa lugar na walang tao at doon ay sasabihin nila na palabas lang ang lahat. May dalang video camera si Nikki at ito ang kukuha ng video. Ipapanood nila iyon sa buong RNHS para mapahiya ito nang husto.
Tumayo si Candice at tiningnan niya si Nikki, Destiny at Jillian. Nag-usap ang mga mata nila at alam na ng tatlo ang ibig niyang sabihin. Tumayo na rin ang mga ito at magkakasama silang bumaba ng bus. Pagkababa nila ay hinarang sila ng driver. “Saan kayo pupunta?” tanong nito sa kanila.
“Wala kang pakialam! Tumabi ka nga, tanda!” Pinanlakihan niya ito ng mata.
“Hindi kayo pwedeng umalis. Ibinilin kayo sa akin ni ma’am. Bumalik na kayo sa—”
Malakas na itinulak ni Candice ang driver. Natumba ito at napaupo sa lupa. Walang imik na naglakad sila palayo. Papunta sila sa gubat kung saan dinala ni Rocco si Aliyah. Panay ang sigaw sa kanila ng driver pero hindi nila ito pinakinggan.
“Saan ba sa gubat tayo pupunta?” tanong sa kaniya ni Jillian.
“May palatandaan na sinabi si Rocco. Kapag may lumang balon daw tayong nakita, doon daw,” sagot naman ni Candice.
“We’re going to pop Aliyah’s bubble!” Bungisngis ni Destiny habang papasok na sila sa gubat.
SA gitna ng kadiliman ng gabi ay magkahawak ang kamay na tinatahak nina Aliyah at Rocco ang kasukalan ng gubat. Wala silang dala kundi isang flashlight na siyang nagsisilbing tanglaw sa kanilang daraanan. Hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman ni Aliyah. Kanina pa kasi sila naglalakad ni Rocco pero parang wala pa itong balak na huminto. Parang paikot-ikot na nga lang sila sa gubat, e.
“Rocco, b-baka hinahanap na tayo nina Teacher Annie,” turan niya.
Kanina nang sabihin ni Teacher Annie na pumasok na ang lahat sa bus dahil aalis na sila ay pumuslit na sila ni Rocco. Hinila siya nito at dinala sa gubat.
“Malamang hinahanap na niya tayo kaya nga hahanap tayo ng lugar kung saan hindi niya tayo makikita. Doon natin gagawin ang napagkasunduan natin.”
“Rocco, pwede naman siguro na sa ibang araw na lang natin ito gawin.”
Huminto ang lalaki ang tiningnan siya. “Anong sabi mo? Umuurong ka na? Sige, `wag na nating gawin pero huwag kang iiyak kapag bumalik ako kay Candice!” hamon nito.
Labis na natakot si Aliyah sa sinabi ni Rocco. Mariin siyang umiling. “H-hindi! Sige, ituloy na natin.” Napipilitan niyang sabi.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa wakas ay huminto na si Rocco. “Dito na lang tayo,” anito habang nakatalikod sa kaniya. Marahan itong humarap at hinubad ang suot na polo.
Napalunok ng sariling laway si Aliyah. Naging malikot ang mata niya at kinilabutan siya nang may makitang lumang balon sa bandang likuran ni Rocco. Bigla niyang naalala iyong balon na napanaginipan niya. Kamukhang-kamukha ng balon na iyon ang nakikita niya ngayon.
Napayakap siya sa sarili. “Pwede bang sa ibang spot na lang tayo?” Hindi talaga siya kumportable dahil sa balon na iyon.
“Ano ba? Wala na tayong oras para maghanap pa ng ibang lugar. Huwag ka nang umarte. Dito na lang tayo. Maghubad ka na. Bilis!” Wala man lang kalambing-lambing si Rocco kung kausapin siya.
Sa pangamba na baka tuluyang magalit si Rocco sa kaniya ay isa-isa na niyang inalis ang pagkakabutones ng kaniyang blouse. Hinubad niya iyon at maingat na isinampay sa tuyong sanga malapit sa kaniya. Nagtama ang mata nila ni Rocco at unti-unti itong lumapit sa kaniya. Napasinghap siya nang hawakan nito ang magkabila niyang braso. Ang init ng palad nito. Tila nawala ang lamig na nararamdaman niya dahil sa hangin na panggabi.
Nang makita niyang marahang lumalapit ang mukha nito sa mukha niya ay pumikit siya. Alam niyang hahalikan siya nito sa labi. Matagal siyang nakapikit pero wala siyang naramdaman na humalik sa kaniya. Agad siyang nagbukas ng mata nang makarinig siya ng kaluskos malapit sa kanilang kinatatayuan. Ganoon na lang ang gulat ni Aliyah nang makita si Candice sa tabi nila ni Rocco. May hawak pa itong video camera na nakatutok sa kaniya!
“Anong ginagawa mo dito?! b***h ka!” Akmang kukunin niya ang blouse pero naunahan siya ni Candice sa pagkuha niyon. “Akin na `yan!” gigil niyang turan.
“O, bakit hindi niyo ituloy ang ginagawa ninyo, Aliyah? Ipakita mo sa video kung gaano ka kapokpok!” At ngumiti ito na parang isang demonyo. “Sige na… Wala ka namang hiya, `di ba?”
Tumiim ang bagang ni Aliyah sa inis. Paano sila nasundan dito ni Candice?