Someone's P.O.V
Napangisi ako habang pinapanood ko ang aking mga alagad na nag-eensayo sa ibaba. Kailangan naming magpalakas, hindi namin hahayaang magapi ng mga inaakala naming mga mahihinang nilalang.
"Mahal na Hari, narito na po ang mga impormasyong nakuha ko mula sa mga mangkukulam sa silangan." sabi ng isa sa mga kawal ko.
"Magaling! Magaling! Sige, makakaalis ka na." sabi ko sa kawal.
Tiningnan ko ang hawak kong impormasyon na nakalap ng aking kawal.
“Sayang lang papa at nawala ka na, magiging masaya sana ang larong ito lalo na’t gusto kitang makitang nagmamakaawa. Alam ko namang hindi ako matatalo ng panganay mo dahil kailanman ay hinding-hindi niya mapapantayan ang kapangyarihan ko o kahit pa ang anak ko.” Napangisi ako nang mabanggit ko ang mga katagang iyon.
“Ipatawag ang aking anak..” utos ko sa isa sa mga kawal.
Marami akong planong gustong mangyari at matupad ngunit hindi ko muna ito mamadaliin. Hahyan ko muna silang magsaya at gawin ang mga gusto nila. Dahil sa oras na makuha ko ang mga nilikha ng kataas-taasang Bathala, hindi na sila makakawala mula sa aking pagkakasakal sa kanilang mga leeg.
“Ama, pinatawag niyo daw ako?” saad ng babae kong anak.
“Oo, gusto kong sabihin na mag-ensayo kang mabuti dahil kaunting tiis na lang. Ikaw ang tutupad sa mga planong aking inihanda.” Saad ko rito at humarap sa kanya. Napangiti naman ito dahil sa aking tinuran.
“Opo..” maikli nitong sabi saka umalis.
Ngumisi ako saka ako nagpakawala ng malakas na aura bilang babala.
------------
Chester's P.O.V
Naglalaro ako sa cellphone ko nang makaramdam ako ng isang malakas na aura, purong itim. Hindi kaya....
*tok tok tok*
Agad ko namang pinagbuksan yung kumatok. Si Aeolus.
"Anong kai-" naputol ang sinasabi ko ng hilahin niya ako palabas.
"Kailangan mo itong makita." sabi niya sabay turo sa langit na parang dugo sa sobrang pula nito.
"Hindi kaya naghahanda na ang kalaban, sa tingin ko babalik sila." sabi nito. Imposible, matagal nang nawala ang itim na bituin o ang Shirin Orhwa. Gumamit ng isang malakas na incantation ang aming magulang para makulong sila’t hindi na makapanggulo tulad nang nangyari noon.
"Hindi yun pwede. Sa pagkakaalam ko'y malakas yung magic na ginamit para ikulong nilalang na yun." sabi ko.
"Pero may mga nagsasabing patay na siya kaya't hindi na gumagalaw ang kanilang samahan.." sabi niya.
"Whatever it is, kailangan nating magahanda." dagdag pa nito.
Napagpasiyahan naming papuntahin ang mga miyembro ng Elemental 6 sa Hideout namin. Pinag-usapan namin lahat ng mga posibleng dahilan nung pangyayari kanina.
"May malakas na current, actually, dark aura dun sa Sea of Black Water. Nakakapangilabot ang aura na inilalabas ng dagat na iyon." Report ni Ice sa aming lahat.
"Kailangan nating ihanda ang ating mga sarili. Kung anuman yun, maaring magdala ito ng masamang epekto dito sa mundong ito." sabi naman ni Aeolus.
"Hey, sorry I'm late." sabi ng asungot.
"As always." iritado kong saad sa kaniya.
"Hindi mo naman ako masisi, madaming nagkakandarapa sa akin." ang hangin talaga ng bwisit kong kapatid, yeah, he’s Asher.
"Ikaw Asher, tumahimik ka na lang at makinig sa amin. It's very urgent yet you're here just making fun. Ano? Ganyan ka na lang ba lagi?" panenermon ni Ice.
"Mabuti pa at umupo ka na lang." pagsingit ni Leo.
"Well, may nakita kasi akong cutie dun sa CR kanina. Masisis niyo ba ako kung lapitin ako ng chicks ‘di ba..” mahangin talaga ‘to kahit kailan.
"Tsk."
Dumiretso ako sa cafeteria para kumain, ang haba ng pila kaya medyo naiinip na ako.
"Hayss..." pagmamaktol ng nasa harapan ko.
"Hindi ka talaga marunong maghintay." bulong ko sa sarili ko, kilala ko itong nasa harapan. You know who he is right? Yeah, it’s Silver. Don’t get me wrong, it’s just that, kinikilala ko lang ang mga kaaway ko, that’s it.
"Ehh sa nagugutom na ako." sagot niya pabalik.
"Tsk."
"Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan. Hindi ba pwedeng ipaktay ko na lang siya. May his soul be rest in peace..” bulong nito, napairap na lang ako sa tinuran nito.
"Bubulong ka na nga lang, eh yung naririnig pa..” pambubuska ko rito.
“It’s my intention though, para naman malaman mong hindi lahat ay gusto ka..” sagot nito sa akin. Ang sarap sapakin ng bwisit na ‘to eh. Magsasalita na sana ako nang mabilis umusad ang pila.
Nang maka-order ay umalis kaagad ako dahil naiinis ako sa Silver na yun. Dumiretso na lang ako sa tambayan aka hideout namin. Nadatnan kong nag-uusap ang kambal na Madrigal.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo Ice" panimula ni Yojer. Napagdesisyunan kong huwag mang-istorbo.
"Ano yun?" -Ice
"I think, I'm attracted to a guy, actually, I'm in love with this cute little guy." Paalis na sana ako nang marinig ko ang mga katagang iyon at matigilan. Guy? Ibig sabihin may gusto siya sa isang lalaki, sinong hindi magugulat doon.
"Aww, who's this lucky guy, I want to meet him." Seriously?
"Actually, you've already met him, it's Sil, Silversmith Silverknight." pangalan pa lang ay nabad trip na ako.
"Ooh, I knew it! Since nung magkita kayo ay nakita ko na yung spark."
"Okay that's enough, seriously, Yojer. Hindi ko alam na may gusto ka sa bwisit na yun. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?” hindi ko mapigilang sumabat sa kanilang usapan. Nagulat naman sila nang makita ako.
"What’s wrong with that? Hindi ba pwedeng gusto ko siya, dahil gusto ko siya. Hindi ko na kailangan ng dahilan para sagutin kung bakit ko siya nagustuhan. Saka bakit ka ganyan makareact? May gusto ka rin ba sa kanya?” napasimangot ako nang marinig ko ang huli nitong sinabi. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kwinelyuhan si Yojer.
“Anong sinabi mo?!” nanggagalaiting tanong ko rito.
“May gusto ka ba sa kanya?” seryoso nitong tanong sa akin. Itinulak ko ito palayo sa akin.
“Hell no!! Never!!” sigaw ko rito.
“Yun naman pala eh!! Kung umakto ka, para kang nagseselos na boyfriend!!” naiinis na saad ni Yojer. Sa inis ko ay padabog kong nilisan ang silid na iyon at dumiretso sa likod ng abandonadong building.
Silver's P.O.V
“Ahhh, ang sarap talaga..” wala sa sarili kong saad. Nakailang frappe na ba ako ngayong araw? Baka makasama ito sa akin, but, let me enjoy the taste of heaven just for once. Ang weird pakinggan, pero hell yeah.
"Hey b*tch, can you get your a*s off on our seat!" Maarteng saad ng kung sinuman. Tiningnan ko ang likuran ko at nakita kong nakatayo ang mga babaeng nakataas ang kilay sa akin.
"Tell me who are you? And don’t call me b*tch, b*tch, meron akong pangalan okay..” saad ko at ginaya ang pananalita nito.
"Ako lang naman ang Diyosang bumagsak sa lupa para inying sambahin..” luh, taas ng self-confidence ng babaeng ‘to.
“Wow ha, kaya pala basag yang mukha mo. Saka, sa’yo ‘tong upuan? Saan yung resibo’tmga katibayan na sa’yo nga itong upuan?” Taas-kilay kong tanong rito.
“Girls, can you carry this poor b*tch out of our seats. But, be sure to have an alcohol after. Baka mahawaan kayo ng germs niya.” Napakaarte talaga, sarap sundutin lahat ng buhok sa ilong nito eh.
“You don’t have too, b*tch. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo.” Pairap kong saad saka umalis.
"What the f*ck did you- Whatever." saad nalang niya. Naglakad na lang ako palabas ng cafe nang makasalubong ko na naman ang isang problema. Hindi ko na lang siya pinansin. Pero hinawakan niya ang braso ko. Napalingon naman ako sa kanya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko rito.
“I need to talk to you..” seryoso nitong saad saka ako sinubukang hilahin pero agad kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa akin.
“I said, I need to talk to you..” ngayon naman ay para na itong papatay dahil sa tingin nito sa akin. But, I don’t give a damn, marami akong kailangang gawin.
"Whatever." sabi ko na lang at aalis na sana nang hilahin niya ako.
"Hindi ka pwedeng umalis." Sabi nito saka hinila niya ako, or should I say kinakaladkad niya ako papunta sa isang bulkan. Susunugin ba niya ako? Nababaliw na ba ‘ton lalaking ‘to?
"Pwede ba bitawan mo ako!! Hindi ko alam kung bakit mo ako kailangang kausapin, at talagang kinaladkad mo pa ako papunta rito sa bulkang ‘to ah. Are you crazy?” pagpupumiglas ko na naging dahilan para mabitawan niya ako. Lumingon naman siya sa direksyon ko at kita kong nag-aapoy na yung mata niya sa galit, oo, literal na nag-aapoy. Nagsisimula na ring masunog yung mga kamao niya.
"Why are you doing this?!" pasigaw na tanong nito na ikinagulat ko.
“What the heck are you saying?! Wala naman akong ginawang kasalanan sa’yo ah!!” sigaw ko rito pabalik. Bigla niya akong inatake ng fireball na ikinagulat ko, nakailag ako, pero nadaplisan ako sa braso.
“Wow!! Playing dumb again huh?! Can you just stop pretending?! Alam mo bang may gusto sa’yo si Yojer?!” nagulat ako sa tinuran nito. Si Yojer, may gusto sa akin?
“Acting surprised? Wow, you’re such an actor?!” sigaw nito na ikinainis ko.
“Yun lang?! Yun lang sasabihin mo? Oh, anong masama doon? Bakit ka sa akin galit?!” tanong ko rito.
“Galit ako dahil may gusto siya sa’yo, and it’s f*cking damn wrong!!”
“Ahh, eh ‘di lumabas din ang ipinuputok ng butsi mo!! Talagang isinisi mo sa akin iyon ah?! You’re sl damn insensitive and immature!! Why can’t you just support his decision, after all, it’s his life, not yours- ACKKK!!” naputol ang aking sinasabi nang bigla ako nitong sakalin.
“No!! It’s your fault!! And I don’t want my friend be judged by other people!! I don’t want him to go to hell, where people like you belongs!!” mas nasaktan ako sa sinabi nito kaysa sa pagkakasakal nito. Nagliliyab na rin ang mga kamay nito, pero ni sakit na dulot ng apoy ay hindi ko maramdaman, namanhid na ako.
Nawawalan na ako ng hangin, bumibigat na yung talukap ng mga mata ko. Unti-unti akong nawalan ng malay. Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa.
Ice's P.O.V
Naglalaro kami ng kapatid ko ng chess, malapit na akong manalo eh. Nang makaramdam kami ng pamilyar na enerhiya. Chester.
"Yojer, si Chester." sabi ko sa kaharap ko.
Agad naming pinuntahan ang pinanggagalingan ang enerhiya, and it led us to a familiar place. Volcano of Chester, napansin ko ring nakasunod sa amin sina Aeolus, Leo, at si Asher. Damn, what is happening.
“No!! It’s your fault!! And I don’t want my friend be judged by other people!! I don’t want him to go to hell, where people like you belongs!!" sigaw ng kung sinuman. Nakita na lang naming sakal-sakal ni Chester si Silver? At ang mas malala pa nito’y nag-aapoy ang kanyang mga kamay. Bumagsak si Chester pati na rin si Silver na wala ng malay.
Natulala kami sa aming naabutan maliban kay Aeolus na unang pinuntahan si Silver. Agad namang inakay ni Asher at Leo si Chester habang si kambal ay nakatingin kina Aeolus na buhat-buhat si Silver. Mababanaag sa mga mata nito ang lungkot at selos.
Yojer's P.O.V
Makita kong buhatin ni Aeolus si Silver ay para na akong sasabog sa galit, eh sa mahal ko yung taong binuhat ni Ae, mahal ko na siya, ngayon, baka may kaagaw pa ako. Mas lalo akong nagngitngit dahil sa nakita ko, sinasakal ni Chester si Silver. Masakit yun sa part ko, yung kaibigan ko pa ang mismong nanakit sa taong mahal ko.
Nagiging possessive na ako pero ayokong may nanakit kay Silver and I failed on that part. Ayoko ring maagaw ng iba si Silver, kung kailangang ipagdamutan ko siya ay gagawin ko.
Nandito na kami sa pagamutan, at imbes na ako ang magbanay kay Silver ay si Aeolus ang nasa tabi nito. Seriously?!
"I know that face, gusto mong ikaw ang magbantay kay Silver pero hindi mo magawa kasi nasa tabi nito si Aeolus. Chill bro, huwag kang mag-alala, hindi naman aagawin ni Ae yang si Silver. Unless may gusto din siya sa kanya..” pang-aasar nitong katabi ko which pissed me off kaya napatingin ako sa kanya.
“Can you just shut your damn mouth! You’re not helping me..” naiinis kong turan nito. Napairap ito dahil sa aking inakto.
"Nagseselos ka 'no." Pang-aasar pa nito.
"Obvious ba? Bahala ka sa buhay mo!!” iritado kong sabi sa lumabas ng pagamutan at pumunta nang cafeteria.
Aeolus' P.O.V
Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Chester ang bagay na iyon. Pero isa lang ang alam ko, naiinis talaga siya kay Silver, or talagang may galit siya sa kanya. Ang weird lang kasi kapag galit yan, hindi iyan nananakit at nananahimik na lang. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.
Kanina, nakita ko yung tingin sa amin ni Yojef, parang gusto niyang siya yung magbuhat kay Silver. Nagseselos ba siya?
Nakita kong gising na si Chester. Tumingin siya sa direksiyon ko, tumingin naman siya sa walang malay na si Silver. Tiningnan niya ito ng masama na para bang may nagawa itong mali. I can sense his anger. It's one of my ability, I can sense someone's aura or his/her feeling by the aura he/she is emitting. In this case, I can sense anger in his aura, b****y red to be exact. It's like a deathly aura but not exactly, because deathly aura is an aura emitted by a magi with bad intentions.
May galit nga siya kay Silver.
"Anong ginagawa ng p*tang yan dito?!" pagalit na tanong ni Chester.
"Of course, for medication isn't it obvious" sagot ko rito.
"Dapat hinayaan niyo na lang mamatay yan." sabi nito na ikinagulat ko. What the heck! Is this the real attitude of Chester. Gusto niyang mamatay ang isang inosenteng nilalang.
"Wait! What are you saying, are you out of your mind. Muntik na siyang mamatay dahil sa'yo. At paanong nasikmura mo ang sabihin yan, is that the right attitude of a good leader?" pangangaral ko rito.
"Whatever, gusto ko na munang magrest." saad niya.
Napailing na lang ako at tiningnan ulit si Silver. Kawawa ka naman.
Silver's P.O.V
Nandito na naman ako sa Magarta, nakita ko na naman yung mga Diyos at Diyosa.. Sigurado akong mag-eensayo na naman kami nito.
"Maligayang pagbabalik anak.." bungad ni Diyosa Ezmeralda.
"Uhm, hello?" sabi ko sabay wave ng kaunti, nahihiya ako.
"Nandito ka ulit para masanay ang stamina at ang iyong paggamit ng maraming runes pati na rin yung senses mo ay sasanayin natin." sabi niya.
"And for now, tatlo magtuturo sa'yo. Si Diyosa Pyra, Bathala Hirai at si Diyosa Eira. Pagkatapos ay ibibigay na namin sa iyo ang basbas namin." sabi ni Diyosa Ezmeralda. Hindi masyadong naeexpose 'tong mga Diyos at Diyosa sa story na 'to pero at least may pa-cameo tulad na lang ni Bathala Martino. Ayun kita mo nagmumuni-muni dun sa may falls, tambayan talaga nila ito. Tapos itong si Bathala Hirai, bigla-bigla na lang nagfe-flex ng muscles. Talaga 'tong mga 'to, para silang mga bata.
Nagsimula na yung pagpractice namin. Sa stamina daw muna kami.
--------- After One Eternity ----------
Natapos rin kami ngayon, wala pa lang gabi dito sa Magarta, ngayon ko lang din napansin. And oh, nakita ko ring may cellphone sila dito. Paano nangyari yun?
Tinanomg ko sila kung paanong nagkaroon sila ng Cellphone eh nasa Spiritual Realm kami.
“Walang imposible sa amin anak..” yan lang ang sagot nila.
Bago ako babasbasan ay nagselfie muna kami ni Diyosa Eira. Messy Hair, Don't Care, Sweaty Body, Kering-keri.
"Ngayong natapos na ang iyong pag-eensayo. Ibibibigay na namin ang aming mga basbas sa iyo." wika ni Diyosa Ezmeralda.
"Wait, ininvite ko si Rama dito, on the way na daw siya. Wait lang daw tayo." sabi ni Diyosa Eira. Ayy may paganun.
“Wait, tanong ko lang po kung bakit kailangan naming kami ang humarap sa mga bad guys. Bakit po hindi niyo na lang kami tulungan?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muna sila na ipinagtaka ko.
“Bawal na kaming makialam sa mga gawain ng mga nilalang sa lupa, simula nang huling pagtutuos ng isang Diyos at ang ama m- este, ni Ace..” paliwanag ni Diyosa Pyra.
“Pero bakit niyo po ako tinutulungang mag-ensayo?” tanong ko ulit sa kanila.
“Because you’re the next generation, not the reincarnation..” makahulugang saad ni Diyosa Eira. Magtatanong na ulit sana ako kaso biglang dumating ang isang Bathala.
"Late na ba ako?" tanong ng isang lalaking bigla na lamang lumitaw sa harapan ko.
"Hindi pa, magsisimula pa lang naman kami Rama." sabi ni Bathala Hirai.
"Hey kid." bati sa akin ni Bathala Rama sabay g**o ng buhok ko.
"Uhm. Hello po." bati ko pabalik.
"Nice to meet you." sabi nito sa akin tapos tumalikod na.
"Rama sinasabi ko sa’yo!! Huwag kang gagawa mg eksena ha!!” pagsuway sa kanya ni Diyosa Pyra. Kaya pala umalis itong si Bathala Rama kasi magulo yung mga kasama niya dun sa Mortana.
Pumaikot naman sila sa akin tapos, naghawakan sila ng kamay. Nagsimula na silang bumigkas.
Mga Diyos at Diyosa ng Mortana, ipinagkakaloob sa'yo ang aming mga basbas. Linawin ang isip, linisin ang puso, buksan ang mata nang makita, buksan ang tenga nang marinig, aming babanggitin. Basbas mula sa langit, iyong tanggapin, tagapagbantay mo'y piliin, kapalaraan mo'y sundin.
"Ayan, ngayon ay may basbas at proteksyon ka na mula sa amin." sabi ni Diyosa Eira. Hinalikan nila ako isa-isa sa noo. Nagulat ako nang sa pisngi ako hinalikan ni Bathala Rama.
“At sa panghuling basbas.....”
Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi niya.
“Tanggapin ang Diyos ng Kadiliman bilang tagapagbantay at tagaprotekta ng itinakda…”
Pagkasabi nun ay nagliwanag ng violet yung wrist ko at dun lumabas ang chain-like tattoo.
"Baliw ka na ba huh? Rama. Alam mong bawal yan eh." sabi naman ni Diyosa Eira.
"Alam ko, pero nagawa ko na 'to, dalawang beses, nang magkagusto ako ng dalawang magi sa lupa." sabi niya na nagpagulantang sa lahat.
"ANO!!!" histerikal na sabi ni Diyosa Eira.
"Baliw ka na talaga, Rama! Hindi mo ba alam na pwedeng magkaroon ng immortal babies yung mga babae kapag nabuntis mo yun." sabi naman ni Diyosa Pyra.
"Alam ko, kaya play safe ako, kaya hanggang hawak lang sila." sabi ni Bathala Rama sabay ngisi, napailing na lang ako sa mga kakulitan at kalokohan ng mga Bathalang ito.
"RAMA!!!!" inis na sigaw ni Bathala Hirai at hinabol yung kapatid. Saktong nagliwanag yung katawan ko.
Unti-unting bumukas yung mga mata ko at naaninag ang buong kwarto. Medyo nasilaw ako, pero nakapag-adjust naman agad yung mata ko. Tiningnan ko yung wrist ko at nandun nga yung tattoo na parang chain.
Eh?! Totoo ba yung nakita ko, Diyos ng Kadiliman, babantayan ako.
"Oh!! Silver gising ka na...." pasigaw na sabi ni Yojer sabay takbo papunta sa akin, yumakap siya sa akin.
"Ano ba Yojer, alam mong kakagising lang ni Silver eh.." Pagsaway sa kanya ng kapatid niya.
"Oo na. Eto na nga." sabi niya sabay pout.
“Sus, huwag ka ngang magpacute!!" sabi ko sabay pisil ng pisngi niya. Ang cute niya eh..
"Ehem..." pag-ubo ng kung sino. Si Aeolus pala.
"Okay ka na ba?" tanong nito sa akin sabay lakad papunta sa direksiyon namin.
"O-oo." simpleng sagot ko na lamang dito.
"Hays, buti at nagising ka na, ano bang ginawa sa'yo ni Chester?" tanong ni Ice.
"Malamang sinakal siya, nakita mo naman eh." sabat naman Yojer.
"What I mean is, bago mangyari yung sakalan." paglilinaw ni Ice.
"Gusto niya daw akong kausapin pero tumanggi ako kasi may gayawin talaga ako, kaso nagpumilit siya. Pero hinila niya ako papunta sa isang bulkan, nagsagutan kami tapos nagalit siya’t sinakal ako..” pagsasalaysay ko.
"Hayyss...." napabuntong hininga na lang si Ice tapos umiling.
"Pupuntahan ko talaga mamaya si Chester." sabi ni Ice.
"Hey guys, pinapatawag kayo sa office natin." singit ng isang lalaki na may ash gray na buhok at mata, may pagkamaputi siya.
"Punta na kami dun mamaya Asher, and wait, sa'n yung kuya mo?" tanong ni Ice.
"Ahh, nauna na sa office. Why?" -Asher.
"Hayyysss, malalagot talaga sa akin yang lalaking yan." sabi ni Ice.
"Oh, alis na muna kami Sil, punta lang kami office namin. At pagaling ka pala." pagpapaalam ni Ice.
"Bye Sil!" pasigaw na paalam ni Yojer tapos pumunta na sa office, naiwan naman si Aeolus.
"Oh. Bakit hindi ka pa umalis?" tanong ko rito.
"Well, late na naman yung iba sa kanila, so dito muna ako." sagot nito.
Nagkwentuhan muna kami hanggang sa lumipas ang oras at umalis na rin siya. Kapag nandiyan si Aeolus, feel kong safe ako, hindi ko alam, pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Whatever it is, kailangan ko munang siguraduhin kung ano itong nararamdaman ko.