Silver's P.O.V
Buti at nakalabas na ako mula sa pagamutan. Lumaban ang team namin kahit wala ako. Pwede naman daw iyon as long as hindi bababa ng apat na members ang wala. Nabalitaan kong pasok kami sa Grand Battle, kasama ang team nina Aeoulus, Chester at yung babaeng maarte na pinaalis ako sa kinauupan ko. Remember, last chapter?
Ang unang maglalaban ay ang team namin at dun sa babaeng maarte. Gigil na gigil ako sa kanya kaya ngayon ko ilalabas ang gigil ko.
"LET THE RUMBLE BEGIN!!" pagkasigaw ng MC ay nagsimula ng umatake yung kabilang team, may naging invisible. Buti na lang at natrain yung senses ko habang nandun ako sa Magarta.
Naramdaman kong papunta sa akin yung invisible woman kaya agad akong umilag. Kailangang mapintahan siya para maging visible siya at maging madali na lang siyang patalsikin. Kaso wala naman kaming paint, baka pwede siguro yung putik. YES!!! Tama, buti na lang kaya kong magsummon ng ganun.
"Magia Magira mar mira.. (Magic Rune take charge..)" sambit ko.
Itinaas ko ang kamay ko, umilaw ito at lumabas dito ang isang magic circle na kulay brown. Itinutok ko sa invisible woman yung kamay ko, kaso masyado siyang makulit kaya hindi na ako makapagtimpi at tinadtad ko ito ng putik hanggang sa matamaan ko siya, bigla naman siyang naging visible ulit.
"Yuck!" sigaw nito. Ang arte, parang putik lang eh, parang hindi siya naglaro ng ganun nung bata siya.
"Look what you've done!" paninisi niya.
“Luh, kasalanan ko? Kung sana hindi ka na lang sumali dito para hindi ka madungisan.” Sabi ko dito at kita ko ang pagtitinpi sa mukha nito.
"Magbabayad ka sa ginawa mo!!! Ahh!!" bigla siyang lumutang. Gumawa kaagad ako ng sealing magic.
"Seal!" sabi ko, at nagkaroon ng magic circle sa paanan at sa ulo niya kaya napigilan ko yung force na ginawa niya. Naramdaman ko na lang na tumilapon na pala ako. Pagkatingin ko sa may gawa ay yung babaeng napaarte pala.
"Jessie ako ang harapin mo!" sigaw sa kanya ng kasamahan ko. Oh, Jessie pala pangalan niya.
"Sorry, not sorry, ito muna ang haharapin ko." sabi nito at pinalutang niya yung isa sa kasamahan ko at sa isang kumpas lang ng kamay niya ay tumilapon na siya. Levitation, how interesting.
"And for you...." sabi niya habang nakangisi, tumabi naman sa kanya yung invisible woman, hindi niya muna magagamit yung magic, pansamantala. Yung magic na ginamit ko sa kanya ay may kasamang spell na magpapawalang-bisa ng invisibility power niya, that's magic.
Nagsimula ng umatake yung invisible woman, nagtaka naman siya kasi hindi niya magamit yung kapangyarihan niya.
"Anong ginawa mo sa akin?!" galit na tanong nito sa akin, hindi ba siya namamaos kasisigaw. Tsk. Gusto ko na rin 'tong patalsikin eh. Tinutok ko yung kamay ko sa kanya at may lumabas na kulay green na magic circle.
"Weaken." pagkasabi ko nun ay bigla na lang siyang nanghina.
"Tanggapin mo 'to!!" sigaw sa akin ni Jessie. Ginamit niya yung levitation magic niya. Pinalutang niya ako, pero may pumipigil sa kanyang force.
"What the heck is happening?!!" inis na tanong nito sa sarili.
"I think the air pressure repels your magic, remember, levitation is a sub-magic of Air or Wind, like in Science, if negatively charged electron gets nearer to another negatively charged electron, then it repels. Gets." mahaba-haba kong dada, I'm just explaining.
"And one more thing, it also depends on the user." dagdag ko.
"Are you saying that I'm weak?!" bwisit na tanong nito sa akin.
"Wala akong sinasabi..." mapaglaro kong sabi. Itinaas ko ang kamay ko. Lumabas mula sa palad ko ang isang Magic Circle na kulay blue. Itinuro sa akin ito nung nasa Magarta ako. Lumabas dito ang isang pana.
"How can you-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi dahil pinana ko na siya ng sunod-sunod. Wala namang sinabi sa rules na bawal gumamit ng weapons, so ayos lang na gamitin ko ito.
Pinana ko siya ng pinana hanggang sa matamaan ko yung damit niya, sumabit siya sa pader ng arena.
"Weaken!" sigaw ko, unti-unti naman siyang nanghina hanggang sa mawalan siya ng malay at naging puti na yung bracelet niya. Tiningnan ko yung paligid ko at nakita kong wala na pala kaming kalaban. It means nanalo kami.
"PASOK NA SA GRAND BATTLE ANG TEAM NI YOJER!!!" sigaw ng mc at naghiyawan naman yung mga nanonood.
Pumunta naman ako sa mga kateam ko at binati sila nang hawakan ako ni Yojer sa braso. Napatingin naman ako sa kanya, bigla na lang niya akong niyakap, dahil sa gulat ako ay hindi ako makagalaw. Pero niyakap ko rin ng maglaon dahil na rin sa sayang nadarama ko.
Nang mahimasmasan ay naglakad kami papunta sa likod ng arena. Sinalubong naman kami ni Ice.
"Congrats to you guys, gagalingan din namin para makapasok kami sa Grand Battle at makalaban ulit namin kayo." mahaba nitong lintana.
"Magaling naman na talaga tayo Ice, don't state the obvious." sabi ng nasa likod niya. Oh, yung sumakal sa akin.
"Ang yabang talaga kahit kailan" bulong ko sa sarili ko.
"Are you saying something?" tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya, like duh. Hindi ako interesado sa mga sinasabi mo.
"Yojer nakita ko yun, pahokage-moves ka rin eh...." sabi ng kapatid niya sabay siko. Ano kayang pinag-uusapan nila.
"Shh, tahimik ka na lang." sabi naman ni Yojer tapos tumingin ito sa akin. Nginitian ko lang siya at ganun rin siya sa akin.
Pumunta na lang muna ako sa isa sa mga benches para manood ng susunod na laban. Lumabas na ang mga kalahok at ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban. Pinaapoy bigla ni Chester ang paligid, 'di ito inaasahan ng kanilang kalaban kaya ang iba sa kanila ay nawalan ng malay, ang iba ay nilalabanan ito pero ang iba ay wala lang sa kanila, lalo na't may sub-magic sila ng Fire element. Si Aeolus naman ay lumipad, kaya hindi siya masyadong naapektuhan ng sunog o apoy.
Ilang sandali pa ay itinaas ni Aeolus ang mga kamay niya, at may lumabas na liwanag sa magkabilaang palad nito na kulay sky blue. Bigla na lang nagkaroon ng malakas na bagyo, at nagkaroon nga ng bagyo sa loob ng arena. Unti-unti namang naapula ang apoy. Protektado naman ang arena ng force field na ginawa para hindi matamaan o masaktan ang mga nanonood. Nagkaroon pa ng hailstorm dahil na rin sa lakas ng hangin. Kinontrol naman ni Ice yung mga nagsisihulog na bitak ng yelo dahil nga sa hailstorm. Itinuro ni Ice si Aeolus at inatake ito ng mga yelo. Umiwas naman agad si Aeolus pero natamaan siya sa likod, medyo malaki yung bitak ng yelo na tumama sa likod nito kaya bumagsak ito.
Pinaapoy naman ni Chester ang buong paligid dahil nawala naman na yung bagyo. At yun nga, natalo sina Aeolus, ibig sabihin, nakapasok sila sa Grand Battle. At ibig sabihin lang din nito, kalaban ULIT namin siya, sila.
Pinapunta muna kami sa isang room para makapagpahinga kami ng fifteen minutes bago ang laban. Nakita ko namang papunta sa pwesto ko di Chester pero ‘di ko na lang ito pinansin at naglaro sa aking phone ng kung ano-ano. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro nang may pumitik sa aking noo. Inis kong tiningnan ang may gawa nun pero nagulat ako nang magkalapit ang mukha namin ng kinaiisan kong nilalang.
"Anong ginagawa mo?" bulong na tanong nito.
"A-ah, naglalaro, bakit, anong kailangan mo?" sabi kong ganyan sa kanya. Ngumisi ito na parang ewan, kung kanina ay naiilang ako sa kanya, ngayon ay nabubwisit ako. Hmm, you wanna play a game ahh.
“Hmm, mukhang ‘di pa gumagaling iyang paso mo diyan sa leeg ah, gusto mo bang dagdagan natin?” nakangising tanong nito na para bang nang-aasar. Ngumisi din ako sa kanya saka ko inilapit pa ang mukha ko na ikinagulat niya.
“Then why don’t you choke me right now?” nakangisi ko ring saad dito at mas inilapit pa ang mukha ko. Kita ko ang pagpula ng mga tenga nito senyales na nahihiya siya. Agad niya akong itinulak palayo saka tumayo ng mabuti bago magsalita.
"Ehem.. M-may sasabihin lang naman ako." sabi ulit nito, pero hindi ito makatingin sa akin ng deretso.
"Kung walang kwenta yan, hindi ako interesado." sabi ko kay Chester. Lumapit siya sa akin, sa tenga ko.
"Hindi ko hahayaang manalo kayo, gusto ko rin palang sabihin na gusto kong ikaw ang makaharap ko mamaya." bulong nito. At agad naman siyang tumayo ulit ng tuwid. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo ko, lumakad din ako palapit sa kanya, sa tenga niya. Akala niya siya lang.
"Sige, payag akong kalaban mo ako mamaya, pero sa oras na natalo kita, gusto kong......" syempre pasuspense ako.
"Gusto kong baguhin mo iyang ugali mo ha. Mastado kang mapagmatas, hindi mo alam na nakakatapak ka na ng kapwa mo. Gusto ko ring magsorry ka sa lahat ng mga nagawa mo sa kapwa mo..” bulong ko sa kanya, lumayo ulit ako sa kanya, hindi ko na ulit siya nilingon kasi mag-uumpisa na mamaya yung laban.
"And this is the day kung saan malalaman natin ang mananalo ng unang titulo ng last team standing ng MAGI SUPREMO!!!" pasigaw na sabi ng MC sa last part ng speech nito,haha speech talaga.
"First team.... We have the team of Yojer Madrigal!!" pagpapakilala niya sa team namin. At lumabas na kami isa-isa at kumaway-kaway, narinig namin ang sigawan sa paligid, inilibot ko ang paningin ko lahat ay nagsisigawan, ang iba ay sumusuporta sa amin at yung iba bashers lang eh. Dumako yung tingin ko sa mga Hari't Reyna ng bawat kaharian, ang gaganda talaga ng suot nila, elegant haha.
"And the second team..... The team of..... CHESTER DELA CRUZ!!!!" pagpapakilala niya sa pangalawang team, ani yun. Favoritism lang ang peg mong MC ka. Ang lakas nung sa kanila samantalang mahina sa amin, tsk.
"And now for the Grand Battle, you'll choose your opponent by picking these hidden cards with respective colors. Pagkatapos niyong mabunot yung card at nakita niyo na yung color ng card pumunta kayo dun (*sabay turo sa stage na may board na may iba't-ibang kulay*) para makilala niyo yung kalaban niyo. Paramihan lang ang bawat team ng panalo. Ngayon isa-isa kayong bubunot." pagpapaliwang nito. Kakaiba ngayon yung rules.
Nang makabunot ay agad naming tingnan yung kulay, sa tingin ko hindi ko siya kalaban dahil sa rule na ito. Kulay Blue ang akin.
"Pumunta na kayo sa respective stages." utos ng MC. Maliliit lang naman yung stages kaya may space para sa mga maglalaban. Nalagyan na rin ito ng force field para hindi kami madamay. May mga pagkain na rin at syempre, couch. Nang makapunta sa upuan ay nagrelax na ako dahil nga baka hindi ko siya kalaban, pero laking gulat ko nang naglakad papunta sa pwesto ko.
Does that mean? Oh damn!!
"Hello." bati nito sabay ngisi ng nakakaloko.
"Hello din..." bati ko rin na hinaluan ko ng nang-aasar na tono.
"Akala mo siguro hindi mo ako makakalaban, nagkakamali ka. Alam kong takot ka na ngayon." sabi nito.
"Ooh... I'm scared. My God, hindi na yan uubra pa sa akin." paliwanag ko rito.
"Oo na nga." sabi ulit nito sabay ngisi. Sapakin ko 'to e.
"Alam mo bang tayo ang susunod kina Yojer?" sabi nito sa akin. Bigla akong kinabahan nang marinig ko iyon mula sa bibig. Natawa naman ang katabi ko, ba’t ba kasi kailangang katabi ko ‘tong damuhong ‘to.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" inis na tanong ko rito.
"Ang cute mo kasi." Bulong nito, bigla akong napatingin sa kanya pero wrong move. Nagdikit ang aming mga ilong. Huwag kaying mag-expect na mahahalikan ko siya, yuck, kadiri.
"Next batch, from the team of Yojer, please welcome Silversmith Silverknight!" pagpapakilala sa akin ng MC.
"At sa team 2, please welcome, CHESTER DELA CRUZ!!" Favoritism talaga 'tong MC, may gusto ata sa prinsipe eh,sigawan naman yung mga manonood, 'di wow na lang.
------------
Third Person's P.O.V
Sigawan lahat ng tao nang tawagin o banggitin ang pangalan ni Chester, sabi nga ni Silver, favoritism.
"Mahina lang yung kalaban ni Chester, kita mo naman sa tindig pa lang, para na siyang liliparin oh. " tawa ni girl 1 habang sinasabi yun kay girl 2. Nagtawanan sila.
Samantala, nagtititigan lang yung dalawa sa gitna ng arena na para bang iniisip kung sino ang unang aatake, o kaya iniisip kung paano sila makakaatake sa isa't-isa.
Bigla na lang nag-apoy ang katawan ni Chester na ikinagulat ni Silver pero hindi na ito bago sa paningin niya. Samantalang yung mga audience nila ay nagwawala. Yung iba nagsasabi ng 'hot' daw siya. Totoo naman, anyway, pinaapoy ulit ni Chester ang buong paligid.
Habang nag-aapoy na ang buong paligid ay hindi gumagalaw si Silver na tila ba may iniisip. Nasa ganoong pag-iisip si Silver nang inatake siya ni Chester ng ball of fire, marami ito, pinaulanan niya ito ng mga daan-daang fireball. Kaya bago pa man maka-iwas si Silver ay inulan na siya ng mga bolang apoy. Habang inuulan si Silver ng bolang apoy ay pinapanood lang ito ni Chester ng nakangisi.
"Easy win haha.." bulong nito sa sarili sabay ngiting panalo.
Ilang sandali pa at umuusok pa yung pwesto ni Silver, nang mahawi ang usok ay nagulantang ang lahat ng may parang force na pumoprotekta rito. Ang ngisi kanina ni Chester ay napalitan ng pagkainis. Pero ang mas ikinagulat ng lahat ay nang pinunit ni Silver ang pang-itaas niya, lumantad dito ang napakakinis na balat nito, ang katawan nitong mala-porselana, pero may pagka-umbok naman yung dibdib nito at may konting abs, konti lang naman kahit maliit siya, mga apat lang, konti pa naman ata yun, diba. Kakatraining din kasi sa Magarta.
Natulala ang lahat ng makita iyon maging si Chester, hindi nila mawari kung bakit niya pinunit yung damit niya. Natulala lang ang binata nang makita ang katawan ng kalaban niya.
"Sh*t, ba't ganun, parang ang sexy niyang tinganan sa lagay niya.." pero umiling na lang siya, bakit ganun yung iniisip niya.
"Like what you see?" ang malokong tanong ni Silver kay Chester.
Samantala, si Yojer naman ay parang nababaliw na sa kanyang inuupuan nang makita niya ang katawan ng minamahal niya, hindi nito maiwasang maisip na bakit ganun ang ginawa niya, pero may sinasabi naman yung kabilang side niya at sinasabing "Nagustuhan mo rin naman yung nakikita mo kaya sulitin mo na."
Si Aeolus naman ay tinititigan lamang nito si Silver, tinatanong nito ang sarili 'ano bang ginagawa niya, nang-aakit ba siya?' tanong nito sa sarili. Pero may part sa isip niya na sinasabing 'Ang sarap naman niyang titigan'. Halos ilang minuto din ang biglaang pagkatahimik ng paligid.
Ilang sandali pa ay lumabas ang isang magic staff sa harapan ni Silver. Magic staff na kulay silver din. Simple lamang ito, may kristal ito sa gitna na kulay sky blue.
Itinaas ito ni Silver at ilang sandali pa ay biglang nagkaulap sa paligid, ang pressure naman sa paligid ay bumibigat, nagkakaroon na rin ng kaunting pagpatak ng tubig, unti-unti itong lumakas. Ang hangin ay napakabilis. Isa lang ang ibig sabihin nito ginagamit niya ang elemento ng hangin pati na rin ang sub-magics nito.
Lumutang si Silver sa himpapawid, habang si Chester ay naghahanda ng apoy na buhawi, at papalabasin na rin nito ang kanyang ibon. Ang Cosmic Phoenix, ang phoenix na may kulay lila at isa sa nakamamatay na hayop na gawa sa apoy.
Si Silver ay gumawa naman ng isang Agila ngunit may kalasag ito. Lumipad pa ng pagkataas-taas, hindi na siya tanaw ng mga manonood dahil na rin sa mga ulap.
Umatake naman na si Chester, ginawa niya ang special tactic niya noon, ang palabasin siya sa dilim atakihin ng fire tornados, tapos ay papakawalan niya ang kanyang Cosmic Phoenix. Nang umatake siya ay umayon ito sa mga plano, napalabas nga niya si Silver pero nang palapit na ang buhawi sa kanya ay bigla itong nawala. Illusion. Ito ang nasa isip ng mga tao.
Nagulat naman si Chester dahil dun, nang biglang narinig niya, nila ang malakas na huni ng isang ibon. Isang agila. Pabagsak ito sa pwesto ni Chester, kaya hindi na niya nagawa pang sundin ang plano nito at inilabas na ang kanyang alas, ang Cosmic Phoenix. Nang magbanggaan ang dalawang ibon ay gumawa ito ng isang malakas na pwersa. Gumawa ito ng malakas na pagsabog.
Nang mahawi naman ang usok ay tumayo kaagad si Chester, gagawa ulit sana siya ng isang fire tornado nang-
"PARALYZE!!" sigaw ni Silver mula sa itaas, hindi naman na makagalaw si Chester, umubra sa kanya ang Paralyze. Ilang sandali pa ay-
"WEAKEN!!!" sigaw ulit nito at unti-unting namang nanghina si Chester. Wala na itong lakas kaya wala na siyang magawa.
Bumaba naman si Silver mula itaas at lumakad papunta kay Chester.
"Don't you ever mess up with me again, dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin." tatalikod na sana ito nang may sabihin ulit ito.
"At isa pa nga pala, yung request ko sa'yo, gawin mo na yun simula ngayon dahil natalo kita." dagdag pa nito at saka umalis, bumibigat naman na ang talukap ng mga mga mata niya.
"A-ang nanalo ay si Silversmith Silverknight ng team 1." yun lang ang huling narinig ni Chester at nawalan ng malay. Isa lang ang nasabi niya sa kanyang sarili.
Kakaiba siya….