Silver's P.O.V
Natapos ang unang Magic Rumble, at ang nanalo ay ang team namin, ang tinanghal na Magi Supremo ay si Yojer. Bakit hindi ako, kasi masyado na akong nanghihina nun kaya agad akong na-eliminate. Samantala, hindi pa rin tinutupad ni Chester yung usapan namin which is nakakainis. I understand kasi nagpapagaling pa siya. Pero tapos na yung medication niya, at pumapasok na rin siya, kita ko pa nga kung paano siya lumandi. Don't get me wrong huh, kaso naiinis ako kasi mas inuuna niya yun lkesa sa usapan namin. Gigil niya ako.
Two weeks after nung laban ay pinost na yung ranks namin, I hope na tumaas rin yung rank ko. Nandito ako ngayon sa gymnasium kung saan pinost yung results. Nakasalubong ko si Aeolus, nginitian ko siya, ganun din siya sa akin. Nalaman kong tumaas ang rank ng mga kaibigan ko.
Si Lie ay tumaas mula Section S papuntang Section SS kasi nga nanalo siya sa Grand Battle, pero hindi yung team nila ang nanalo kasi nga kami yung last team standing. Si Nicholai ay napunta sa Section S. Ako napunta ako sa Section S haha, lucky me. So yun na nga, classmate ko si Nicholai woohooo...
Sina Yojer eh sa Section R pa rin. Na-dethrone na si Chester bilang Magi Supremo pero nasa Section R pa rin siya dahil na rin sa pinakita niyang laban namin.
Matapos malaman ang kani-kaniyang rank ay bumalik na sa kani-kaniyang room ang mga estudyante. Alam ko naman na ang pasikot-sikot rito sa school. Nang makapasok ay tumabi ako kaagad kay Nicholai. I'm so happy kasi katabi ko yung isa sa mga kaibigan ko.
Pumasok na ang prof. namin this first subject. Naiba na rin sched ko, at may isa kaming add-on subject , which is Advanced Magic at ito na rin yung first subject namin.
"Hello, Good Morning class." bati ng lalaking professor namin, or should I say Marta, I prefer calling them professor.
"Bago tayo magsimula, may I call on our new students, please come and introduce yourselves." sabi ng teacher, mga apat naman kaming napromote.
"Hi guys, my name is Ezra Wickholder, an elite warrior in an Elven Villages, my magic is hypnotism a sub-magic of Dark magic. I hope we can all be friends." pagpapakilala ng babaeng mas maliit sa akin, rude naman kasi 'pag sinabi kung pandak. May highlights ng green yung brown hair niya.
"My name is Gerard Nickman, Advanced Intelligence is my magic which is a sub-magic of Mind magic." pagpapakilala ng nakasalamin na lalaki. Ang cool ng magic niya, halata namang matalino siya, pero baka hindi pa fully developed yung magic niya.
"Hi my name is Dexie Mariano, my magic is Dream Manipulation, a sub-magic of Light Magic." sabi jung lalaking may bad boy aura.
"Hello, name is Nicholai Martinez isa akong werewolf, may kapangyarihan ng lupa at apoy pero 50-50 lang, meron rin pala akong super strength at may roon ring pakpak. Nice to meet you all and I hope na maging friends tayo." mahaba nitong pagpapakilala.
"Name is Silversmith Silverknight, my magic is Wind. I hope that we could be friends." pagpapakilala ko.
"I am your Proffesor, Proffesor Zigg Marcelino." pagpapakilala ng prof. namin.
"So let's start our lesson with the Elements of Nature and it's sub-magic." pag-iintro ni Sir.
"So we have six elements, we have Fire (Pyrokinesis), Earth (Geokinesis), Water (Hydrokinesis), Wind or Air (Aerokinesis), Dark and Light Magic. So, who knows the sub-magics of the following elements?" tanong ni Sir.
Tatlo kaming nagtaas ng kamay, ako, si Nicholai at yung si Gerard, remember, yung may Advanced Intelligence.
"Yes, Mr. Silverknight." pagtawag sa akin ni Sir.
"Sir we have:
Fire (Pyrokinesis)
- Lightning (Fulgurkinesis)
- Lava
- Fire Making
- Energy Manipulation
- Ash Manipulation
Earth (Geokinesis)
- Metal (Ferrokinesis)
- Crystal
- Wood (Chlorokinesis)
- Mud
Water (Hydrokinesis)
- Ice
- Weather Manipulation
- Blood
Wind (Aerokinesis)
- Force Manipulation
- Weather Manipulation
- Air Pressure/Pressure Manipulation
- Levitation
Light
- Illusion
- Dream Manipulation
Dark
- Void
- Shadow
- Nightmare Manipulation
- Hypnotism
We have levels of Fire Magic
- Blue Ray Flame
- b****y Fire
- Deathly Fire/Cosmic Fire
- Holy Fire
That's all sir." mahaba kong eksplenasyon, umupo na rin ako.
"Very well said Mr. Silverknight." sabi ni sir, pumalakpak naman sila dahil dun. Pero nang dumako ang tingin ko kay Gerard ay masama ang tingin nito sa akin. Sorry na lang siya, joke, eh ako yung tinawag ng professor namin eh. DUH.
"So we can say that we all have one element, or even two or more. But sometimes, we only have the sub-magic of an element. We are blessed because we have these magic, because some Magis don't have magic, and it is called Undefine. The first Undefine was Ace..... Blah blah blah...." marami pang sinabi si sir.
Hanggang sa matapos ang pang-umaga namin. Hays... Gutom na ako. Tatayo na sana ako para sundan si Nicholai nang may kamay na humawak sa braso ko. Napatingin naman ako sa may ari nito. Si Gerard, ano namang kailangan nito.
"What?" simpleng tanong ko, ayaw ko nang mahabang tanong kaya sinimplehan ko na lang.
"Mag-ingat ka sa kung sinong kinakalaban mo. Malay mo, baka yung simpleng ahas naging anaconda na pala." sabi nito na may halong pagbabanta.
"And please layuan mo na si Chester." dagdag pa nito.
"And why would I?" palaban kong tanong.
"Dahil naiinis ako kapag magkausap kayo, layuan mo na rin ang mga kaibigan niya, masyado ka ng sipsip." ang lakas ng loob nitong sabihin ang mga bagay na yun.
"Wala akong ginagawang masama sa'yo okay. Saka-"
"Anong sinasabi mong wala? Meron kang ginagawang masama. Meron, kaya huwag ka ng magmamaang-maangan pa." pagputol nito sa sinasabi ko. Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito.
"Teka, sino ka ba para sabihin o utusan ako, hindi naman tayo close, hindi rin naman kita boss, hindi rin ako utusan. Kaya huwag mong pinapakialaman yung mga ginagawa ko. Kuha mo?" sabi ko rito, aalis na sana ako ng bigla niya na lang akong sabunutan, hindi ako naghahanap ng away pero sinusubukan talaga ako nito. Kaya itinulak ko na siya bago niya pa ako iuntog sa pader.
"Huwag mo akong sinusubukan Gerard dahil hindi lang ako basta maliit na ibon, isa akong dragon na kayang sunugin ang isang anaconda. Hindi ako naghahanap ng away pero sinusubukan mo talaga ang pasensya ko." sabi ko rito at tumalikod na.
"Huwag mo rin ako subukan dahil hindi lang isa ang kaya kong gawin sa'yo. Hindi lang isa ang magic ko, hawak ko rin ang dalawa pang sub-magic ng mind magic o baka hindi mo pa alam yun. Sige, sasabihin ko sa'yo meron akong-" bago niya pa maituloy ang sinasabi niya ay pinutol ko na.
"Yeah, Telekinesis and Advanced Techno. Alam ko yun. Sige na, mauna na ako. Mag-ingat ka." sabi ko rito. At saka umalis.
------------
Third Person's P.O.V
Habang naglalakad palayo si Silver ay tinitingnan lang ito ng masama ni Gerard. Sinasabi niya sa kanyang sarili, 'Akin lang si Chester, akin lang!' sigaw nito sa kanyang isip, nanginginig na rin ito sa galit.
Samantala papuntang cafeteria si Silver ng may nagtakip sa kanyang ilong niya, nagulat naman ito at nagpumiglas pero naamoy nito ang pampatulog sa panyo kaya nawalan siya ng malay. Binuhat ang katawan ni Sil papunta sa isang liblib na lugar sa loob ng eskwelahan ng isang lalaki. Nakangisi lamang ito na para bang umaayon ito sa kanyang mga plano.
Ipinunta niya ito sa lugar kung saan nakahanda ang kanyang mga gamit para sa plano nito.
Nang maibaba ito ay agad niya itong itinali, nilagyan niya na rin ng takip yung bunganga niya para hindi siya magbunganga, nilagyan niya rin ito ng pantakip sa ulo nito.
Habang ginagawa iyon ay nakangisi ito ng nakakaloko. Hindi mawari kung ano ang gagawin nito kay Silver.
Ilang sandali pa'y nagising na si Silver mula sa pagkakatulog.
"Hmmm!!! Mmmm!!" sigaw nito at nagpupumiglas. Tinanggal ng lalaki ang nakatakip sa ulo ni Silver, nanlaki naman ang mga mata nito ng makita kung sino ang nasa harapan nito..
Ang lalaking nasa harapan niya ay si......