Silver's P.O.V
Nagising ako dahil sa masakit yung leeg ko, hahawakan ko na sana ito pero nagulat ako kasi nakatali ako, pati yung mga paa ko. Anyare sa'kin? Pilit kong inalala yung mga pangyayari.
Matapos yung away namin ni Gerard ay umalis na ako para kumain, nang malapit na ako sa cafeteria ay biglang may nagtakip sa ilong ko, nagpumiglas ako pero sadyang malakas yung humahawak sa akin. Nalanghap ko yung pampapatulog, ganito pala yung amoy niya, masyadong mabango. Unti-unti akong natumba at nawalan ng malay. Ibig sabihin lang din nito.... DINUKOT AKO!!! WAHHHH MAMA HELP ME!! 'YOKU PANG MAMATAY!!!!
Nasa ganun akong pag-iisip o pagrarant sa isip ko nang biglang tinanggal yung nasa ulo ko, unti-unti bumungad sa aking harapan ang dumukot sa akin.
Si..... Si Chester?
Chester?
Si Chester?!
SI CHESTER ANG DUMUKOT SA AKIN????!!!!
"Hmmmm!!!! Mmmmm!!!" pinilit kong sumigaw, hayop talaga 'tong lalaking 'to. Una, kamuntik-muntik na niya akong masunog ng buhay, tapos ngayon naman, dinukot niya ako para i-salvage. Juskopo!!
"Haha!! Ang cute mo talaga kapag naiinis ka.." sabi nito, tapos tinanggal yung nasa bibig ko.
"HAYOP KA TALAGANG LALAKI KA!!! P*STE KA, PAPATAYIN MO BA AKO??!!" sigaw ko rito.
"Hahaha, you're funny also." dagdag pa nito.
"Tang*na ka!! Sagutin mo ako, anong ginagawa natin dito??!!" tanong ko rito.
"Naalala mo yung deal natin?" tanong nito pabalik sa akin.
"P*ste ka talaga, nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin mo rin ako ng tanong.... Ano?! Sagutin mo muna yung tanong ko!" sigaw ko sa kaniya.
"Nanligaw ka ba?" tanong pa nito.
"Tang*na ka talaga, huwag mo nga akong ginagago hinayupak ka!" sigaw ko ulit rito.
"Haha kidding, wait lang ha. Tatawagin ko lang sina Ice, huwag mo na ring tangkaing tumakas dahil ang lubid na yan ay kayang magnullify ng kahit anong magic." sabi nito atsaka lumayo para tawagin sina Ice.
"HAYOP KA TALAGA, HUWAG MONG SABIHING KAKUNTYABA MO SILA. HAYOP KAYO!!!! HUMANDA TALAGA KAYO KAPAG NAKATAKAS AKO DITO, IISA-ISAHIN KO KAYONG GIGILITAN NG ULO!!" sigaw ko rito. Peste, akala ko mga kaibigan ko sila, yun pala pinaplastic pala nila ako, para maisakatuparan ang mga plano nila. Naglakad papunta sa akin si Chester.
"Paparating na sila kaya quiet ka na lang muna." sabi nito sabay ngisi, gusto ko na talagang tanggalan ng ngipin 'tong lalaking 'to eh.
Binusalan niya ako, tapos nilagyan ako ng takip o plastic o kung anuman yun sa ulo ko. Peste.
"Oh, nandito na pala kayo." sabi nito.
"Ano na naman bang kailangan mo." tanong ng isang lalaki, sa tingin ko si Aeolus yun. Kilala ko yung boses niya, medyo malamig.
"Gusto ko lang naman makita niyo kung paano ko gagawin ang deal namin ng Maging ito." sabi nito. Ano yung deal na sinasabi niya, baka gusto niyang kunin yung laman loob ko para ibenta niya dun sa dealer niya, o kaya naman gusto niya akong ipagahasa sa dealer niya o kaya gahasain niya ako. Char ano ba yung pinag-iisip mo, siya, gagahasain niya ako. Pocha, nandidiri nga siya sa akin tapos magkaaway pa kami. Tae.
Nasa ganung pag-iisip ako ng tanggalin niya yung takip.
*Gasps*
"Tang*na ka, anong gagawin mo sa kanya?!" tanong ni Yojer na may pag-aalala, o sadyang assuming lang ako. Pakitang tao, gusto niyo nga akong ibigay sa dealer niyo eh.
"Pocha Chester, bakit naman ginanyan mo siya?" tanong naman ni Ice. Babaitang 'to isa ka nga sa kasabwat e.
Dumako naman ang tingin ko kay Aeolus, nagkatitigan kami, kumunot naman yung mukha niya na may halong pagtataka, kita ko pa sa mga mata niya na may nag-aalala ito. Sheyt huwag ka namang ganyan baka mahulog ako sa mga tingin mo.
Nasa ganung pagtititigan kami ni Aeolus nang may fake na ubo ang sumingit, paepal. Tumingin naman ako kay Chester, kita ko ang pagkainis niya sa mukha. Selos ka ba?
"Gusto ko lang naman gawin yung deal namin nitong lalaking 'to." sabi nito sabay turo sa akin. Lumapit siya sa akin sabay tanggal ng panyo sa bunganga ko.
"Bwisit ka talaga, alam mo bang nangalay yung bunganga ko." sabi ko.
"Ano naman yung deal niyo?" tanong ni Aeolus na may pagtataka.
"Ipapakita ko nga sa inyo ngayon, kaya nga pinapunta ko kayo rito." sabi nito. Tapos tumingin ito sa direksyon ko tapos lumapit. Lumapit naman siya tapos nilagay yung mukha niya sa may gilid ng mukha ko, kung di niyo gets, inilapit niya yung mukha niya papunta sa pisngi ko. Tapos, may ibinulong.
"Sorry sa mga nagawa ko, hayaan mo, ipapakita ko sa'yo na magbabago na ako para sa'yo. Yun yung usapan natin." bulong niya sa akin. Ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko. Siyempre hindi ko naamoy yung hininga niya kasi hindi naman siya bumulong sa ilong 'diba. Anyways, pagkatapos niyang magsorry ay saka ko na lang naalala na may deal pala kami. Pero kailangan niya pa bang sabihin na magbabago siya para sa akin. Oo na, alam kong pakipot ako, pero hindi na niya kailangang sabihin yun, dapat gawin niya.
Ngumisi siya pagkatapos niya ibulong yun. Tumingin naman ako kina Ice. Kita ko yung pagtataka nila sa mukha nila. Si Yojer naman eh hindi maipinta yung mukha niya, tapos si Aeolus, parang may something sa mga mata niya. What I mean is, my something na emotion sa mga mata niya. Parang galit at........ Selos?? Okay, sobrang assuming ko na talaga.
"Don't worry guys, nagsorry lang naman ako sa kanya." sabi nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis, walang halong plastik.
"Ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti ng ganyan, anyways, nagsorry ka lang naman pala. EH BAKIT KAILANGAN MO PANG ITALI SI SILVER HAYOP KA??!!!!" sigaw ni Ice kay Chester.
"Ah yun ba, itinali ko siya para hindi siya makawala." sabi nito sabag ngisi ulit. Hindi ba siya nangangalay kangingisi?
"Oy, hindi ako aso o kung anong hayop para itali mo ako okay. Tanggalin mo na 'tong pesteng taling 'to nang mabigwasan kita." inis na sabi ko rito.
"Okay, okay, calm down... Papakawalan na kita, pero dahan-dahanin lang natin. Baka masaktan ka." sabi nito.
"Pocha bilisan mo na lang okay ng makalabas na ako." sabi ko rito. Gigil niya ako, kung ano-anong pinagsasabi niya, huwag na huwag niya akong susubukan.
"Oh, ang bilis naman kung lalabas ka na agad diba. Kaya babagalan ko." sabi nito na may halong ngising nakakaloko. Pocha bibigwasan ko na 'tong lalaking 'to.
"Gusto mo bang masapak, malapit ng magtime oh. Saka, ano ba yang pinagsasabi mo, gusto mo bayagan kita?" pagbabanta ko rito.
"Huwag si Junjun, wala ka ng makikita kapag ginawa mo yun." sabi ulit nito. Nang matanggal na yung tali ay piningot ko yung tenga niya.
"Ikaw lalaki ka, kalalaki mong tao ganyan ka." sabi ko rito. Matapos yun ay nagtatatakbo na ako papuntang next class, ano ba yan, hindi ako naglunch.
---------
Yojer's P.O.V
Makita ko silang naglalampungan sa harapan ko ay parang gusto ko na silang lunurin, peste, nagseselos ako, nagseselos ako kasi hindi ko kayang makita yung taong mahal ko na may kalampungang iba, pero sino nga ba ako. Hindi ko pa nga siya Boyfriend eh. Hayysss..... Manliligaw na ako sa kanya. Pero tamang timing lang. Ayoko namang biglain siya noh.
Isa pa 'tong si Ae, nagpapakita na siya ng motibo na gusto niya rin si Sil. Kita ko sa mga mata niya kanina yung selos. Siya yung Silent Machine ng grupo pero matinik sa labanan. Siya yung tipong hindi niya sinasabi yung problema niya pero pinaparamdam niya, tulad ngayon, ayaw niyang sabihing nagseselos siya pero nararamdaman namin.
Itong kapatid ko naman, kilig na kilig sa pinaggagagawa ng dalawa. Gusto ko rin 'tong bigwasan eh. 'Nu 'to, akala ko ba vote siya sa akin. Eh parang mas ineenjoy niya pa yung panonood sa dalawang 'to.
Si Chester naman, alam niya na ngang gusto ko yung si Sil, lalo niya pa akong pinagseselos, nagpapakita na rin siya ng motibong gusto niya rin si Sil. Mas malala pa, kung ano-ano pinagsasasabi. May lahi ba siyang manyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Oo, nagmahal na rin yan, kaso hindi siya ganyan nung mga panahong gusto niya pa lang yung tao.
Hayysss.... Buwala na nga lang...
----++++----
Third Person's P.O.V
Nang madukot si Sil ay siya namang paghahanap ni Nicholai. Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng mabangga niya ang isang lalaki. Nagsorry siya dito, at tinulungang tumayo yung lalaki. Nagulat siya kasi yung nabangga niya ay isang prinsipe... Si Prinsipe Asher. Kaya ganun nalang siya manghingi nag tawad.
Si Prinsipe Asher naman ay napangiti dahil sa lalaking nanghihingi ng tawad sa kanya. Tulad ni Nicholai ay maganda ang katawan ng Prinsipe kaso mas matangkad ito kaysa kay Nicholai. Nakaisip siya ng isang bagay.
"Mapapatawad kita kung ililibre mo ako ng lunch." sabi nito sabay ngiti. Pumayag naman si Nicholai baka isa ito sa paraan para mapatawad siya ng prinsipe.
Nasa cafeteria sila kumakain, ganun na lang ka-awkward sa table nila kasi hindi sila masyadong nag-uusap. Kaya ang prinsipe na rin ang unang nagsalita.
"Ano palang pangalan mo?" tanong nito.
"A-ako si Nicholai Martinez, taga-Lapena." sagot nito.
"Ah, I see pero nasesense kong mataas ang katungkuln mo pero hindi naman ganung kataas, hindi rin ganung kababa." sabi ni Asher. Hindi ko na sasabihin yung prinsipe kasi masyadong mahaba. Narrator lang naman ako.
"Ah, isa kasi akong pack warrior, ibig sabihin isa akong werewolf na may kapangyarihan ng apoy at lupa." sabi nito. Nagulat naman si Asher dahil dito.
"Alam kong nakakagulat pero yun yung totoo. Yung papa ko na taga-Lapena at isang werewolf, actually Alpha ay nakilala yung mama kong taga-Astherna na isa namang Flame Fairy. Kaya meron akong dalawang kapangyarihan." dagdag pa nito.
Marami pa silang napag-usapan nang maalalang na hinahanap niya pala si Silver. Nagpaalam naman si Nicholai kay Asher na hahanapin ni Nicholai si Silver at agad na nagtatatakbo. Samantala, tinitingnan lang ni Asher si Nicholai na tumatakbo palayo sa kanya.
Isa lang ang pumasok sa utak niya, ang cute niyang tingnan......